Chapter One

1.2K 56 2
                                    

"We were both a product of a tragic story. She was my happy beginning. I was her sad ending. We were each other's miserable between." -NC

"AS ONE of the royal guests in the city, I will give you the honor to choose for the prisoners' destiny, Nick. Bihira lang itong mangyari kaya gusto kong samantalahin mo na ang pagkakataon. Kung dahon ang lalabas, dederetso lahat ang mga kriminal sa isla at mananatili doon sa loob ng tatlumpung taon para manilbihan. But if it's a dragon, they would have to fight the Impundulus. Kung magagawa nilang mabuhay pagkatapos, makakalaya na silang lahat. Now, kindly toss the coin, Nick. Let's all find out whether it's a leaf or a dragon."

Nabura ang ngiti sa mga labi ni Nickolai matapos ibigay sa kanya ni Egon ang isang ginintuang barya na para sa mga simpleng mamamayan ng Viteron ay sapat na para ipambili ng pagkain sa loob ng isang taon. Pinaikot-ikot niya ang barya sa kanyang mga daliri bago sumagot. "Why are we here? I thought we're going to the festival?"

Ngumisi si Egon, ang isa sa mga amiir na nangangasiwa sa kanlurang bahagi ng kahariang iyon. Ang bawat kaharian ay may apat na nangangasiwang amiir sa hilaga, kanluran, timog at silangang bahagi. Pero sa apat na iyon ay may tumatayong pinakapinuno na siyang nagsisilbing delegate ng buong kaharian na madax amiir kung tawagin o chief prince na mayroong pinakamalaking nasasakupang bahagi kung saan naroroon ang siyudad ng buong kaharian.

Ang madax amiir ang puwestong pinag-aagawan ng karamihan pero ang Boqor mismo ang pumipili sa mga ilalagay sa puwestong iyon. And in Viteron, the madax amiir happened to be Aden, Nickolai's brother from another mother. Si Aden ang pinakamatalik niyang kaibigan.

Ang usapan nila ay magkakarera lang sila sakay ng kanilang mga kabayo mula sa West Castle, ang kastilyo ni Egon papuntang Slavia, ang silangan at pinakamalaking bahagi ng Viteron kung saan gaganapin ang isang linggong festival bilang pagdiriwang sa kaarawan ng Boqor, the highest administrator in all of the realms. Kaya inaasahan na makikiisa rin sa selebrasyon ang ilan sa pinakamatataas na pinuno mula sa kaharian ng mga mortal. Iyon ang isa sa mga paraan ng Boqor para mapanatili ang magandang relasyon sa iba't ibang kaharian lalo na sa mga mortal na wala mang kapangyarihan ay may kakayahan namang puksain ang mga tulad nila dahil sa hindi matatawarang imbensiyon ng mga ito.

And just like the old times, Nickolai was about to win the race. Wala pang nakakatalo sa kanya pagdating sa karera. Pero bigla na lang silang pinahinto ng mga kawal ni Egon nang madaanan nila ang isang construction site na kasalukuyang ipinapatayo para sa pamilya ng mga sundalo na naglilingkod sa East Viteron.

Anim lang silang amiir na naroon. Dahil ang iba ay sa gabing iyon pa lang darating mula sa iba't ibang kaharian. Wala rin doon si Aden, nasa East gate ito dahil sa utos ng Boqor na salubungin ang mga bisitang doon manggagaling. Siguradong kahit pa sa mismong siyudad kung saan malapit ang kastilyo nito gaganapin ang selebrasyon mayamaya ay sasadyain na naman nitong magpagabi sa pagpunta para maiwasang makisalamuha ang lahat ng mga opisyal. Wala itong pakialam anuman ang negatibong isipin tungkol dito ng iba pang mga amiir na kung mag-usap ay dadaigin pa ang mga babae.

Pero si Nickolai, bilang madax amiir ng Icrabet ay walang mapagpipilian. Kapag nasa ibang kaharian, lalo na sa Viteron, ay kailangan niyang magpadala sa agos lalo na ng isa sa host ng festival na si Egon. Iyon ang bilin ng kanyang ama na isa sa mga matalik na kaibigan ng Boqor. Siya lang ang nagsilbing representative ng kanyang pamilya. Dahil kailangang may maiwan sa kanilang kastilyo para magmasid sakali mang may hindi inaasahang mga puwersa ang bigla na lang lumusob doon. From time to time, there were outsiders who wanted to take over their kingdom. Kaya kailangan nilang manatiling alerto sa lahat ng pagkakataon. Iyon ang dahilan kaya hindi maaring mamasyal nang sama-sama ang mga miyembro ng royal family.

Sa kasalukuyan ay bisita si Nickolai ng Viteron kaya kailangan niyang makisama lalo na at pamangkin si Egon ng Boqor. At hindi ito sanay na tinatanggihan. But Egon was the worst among the amiirs. He was a nasty and egocentric bastard. Ipinasa nito sa kanang-kamay nito ang tungkulin na salubungin ang mga bisita sa West gate ng kaharian. Kaibigan ang turing nito sa lahat ng mga amiir. Pero hindi iyon sapat para makuha nito ang tiwala niya. Hayun nga at mukhang nakahanda pa itong gawing playground ang inaasam na pabahay ng pamilya ng mga sundalo para lang sa ikasisiya nito.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon