Chapter 15

456 17 0
                                    


"She will mourn and let the tears fall. But when the tears dry, she will rise and resume the fight... even if fighting means dying. Because she was not afraid to die. There are two things she was afraid, though-new beginnings and happy endings." –NC

"YOU WANT the truth? Fine! Tama ka. Hindi kita anak! Napilitan lang akong ampunin ka noon. Do I regret it? Yes. Every single day of my life. Adopting you was the biggest mistake that I've ever done in my life. Because I had to give up everything just to take care of you. Nalayo ako sa sarili kong kaharian at sa lahat ng mga taong mahalaga sa akin nang dahil lang sa-"

"Tama na, Dad," Halos pabulong na lang na sagot ni Cinaris. Noon niya pa nararamdaman na hindi sila totoong magkadugo. At tanggap niya na iyon. Ang hindi niya matanggap ay ang iba pang mga salitang idinagdag ng ama. That was not the kind of truth that she wanted to hear. Nagsisisi siyang nagtanong. And looking at her father's eyes now, and seeing the contempt all over his face, she regretted ever being born. God... why did she had to be alive in the first place?

Nagmamakaawang sinalubong ni Cinaris ang mga mata ng ama. Durog na durog na siya. Isa pang salita mula rito, pakiramdam niya, kahit ang tumingin sa salamin dahil sa sobrang pagkahabag sa sarili ay hindi niya na magagawa. "Tama na, please-"

"Hindi. Ikaw ang nagsimula nito. Kaya tapusin na natin ito ngayon." Saemis answered cruelly. "The truth is, I hate you. I hate you so much. And many times over the past years, I... I wish you had never been born, Cinaris."

Namasa ang mga mata ni Cinaris habang pinagmamasdan ang museum kung saan niya matatagpuan si Saemis. The day that the latter admitted everything was the day that she had lost the courage to regard him as her father again. Sa gagawin niya ngayong gabi ay siguradong lalo lang madaragdagan ang galit nito sa kanya. Dahil sigurado rin na mas gugustuhin pa nito ang mabulok sa kulungan nito kaysa ang tulungan niya.

Sa loob ng nakaraang mga buwan ay pinilit isaksak ni Cinaris sa kanyang kukote na isa si Saemis sa mga taong gusto niyang paghigantihan. She wanted to rescue him to taunt him. Dahil sa ngayon ay siya na lang ang mayroon ito. Whether he liked it or not, she was his only chance to escape from the spell. Wala nang iba pang pagkakataon. Pero ngayong abot-kamay niya na ang lalaki, muling bumalik ang lahat ng insecurities niya. Maisip niya pa lang kung paano siya nito muling titingnan ay parang gusto niya nang manakbo palayo sa lugar na iyon.

Maraming bagay siyang hindi na nagawa pa mula nang huling araw ng pag-uusap nila. Cinaris couldn't look at her reflection in the mirror anymore. Dahil tuwing humaharap siya sa salamin ay ang mga mata ni Saemis ang nakikita niya, ang mga salita nito ang naaalala niya. And then she would begin to hate all that she was seeing in the mirror. She couldn't even managed to be thankful for her existence. Knowing that her existence was that one thing that ruined Saemis' life.

Saemis was the first man that she had ever loved so much. Sa sobrang pagmamahal niya rito, kahit siya ay nagagalit na rin sa kanyang sarili. Sa puso niya ay mananatiling ito ang kanyang ama. He was also the first man who shred her heart to pieces, but she loved him still with all those pieces. And it sucked. Because loving him meant depriving herself of pride, of self-love, and of self-worth. Dahil kung mahal niya ang sarili, wala na siya dapat doon ngayon kundi nasa lugar kung saan niya posibleng makamit ang kaligayahan.

Nanlamig noon ang puso ni Cinaris dahil sa pagmamahal sa kanyang ama. And she hated herself more because deep inside, she had grown to accept even the coldness. She liked it and hated it at the same time. Because coldness represented Saemis. Kaya nagkamali siya ng inakala sa sarili. Dahil ang totoo, hinayaan niyang manlamig ang kanyang puso. Dahil habang naroon ang panlalamig, pakiramdam niya ay sa ganoong paraan niya lang patuloy na makakasama ang ama. Coldness became their only common denominator. At sa lamig lang sila posibleng magtagpo.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon