Chapter 34.5

308 15 0
                                    


"WHERE are you going?"

Matapos isuot ang cloak at ang kanyang mga lumang sapatos na ibinigay ni Saemis ay saka lang hinarap ni Cinaris si Nickolai. Isinukbit niya sa kanyang balikat ang dalang bag. "I received a letter from Dina. She said she's ill. At kailangan niya ng tulong ko. It's a real letter, don't worry. Kabisado ko ang penmanship niya." Itinaas niya ang sulat. "Hindi gaya ng sinabi mong sulat na galing kay Krea na kahit hindi ko nakita noon ay pinaniwalaan ko pa rin. Because those words came from you."

"It could be a trap. Sasamahan na kit-"

"I can take care of myself. I took care of this city while it was under attack for ten days without you, remember?"

"Wala ka na bang tiwala sa akin?"

"I know that in the future, I would still believe in whatever you say, Nick. Because it's you. Dahil hindi ka basta-bastang tao lang sa buhay ko. You are the most important person to me right now. At hindi agad mabubura iyon sa kabila ng mga nangyari."

"Cinaris..."

Nagsikip ang dibdib niya sa narinig na pagdaing ng binata. She knew he was hurting, too. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. Nagkamali siya nang isiping magagawa niyang tulungan si Nickolai. A broken soul could never heal another broken soul. She could never mend his wounds as much as she wanted to. Because she was wounded, too. Kapag nagpatuloy silang magsama, nag-aalala siyang baka lalo lang dumami ang kanilang mga sugat. Lalo silang mahihirapan na paghilumin ang mga iyon. Cinaris didn't want to become another battle that Nickolai needed to face. Hindi niya kayang pahirapan nang ganoon ang binata. He already had a lot of internal battles. She also didn't want him to become another wound in her heart that she needed to bear. Ayaw niyang mahaluan ang mga alaala niya sa binata ng sakit na hatid nila sa buhay ng isa't isa.

"Nangako kang hindi ako iiwan."

For the first time after a long while, she detected helplessness in his voice. Inilang-hakbang lang ng binata ang distansya sa pagitan nila at niyakap siya mula sa likuran. "Ikaw ang naunang nang-iwan, Nick."

"Don't go. Aayusin ko ito-"

"I think we need to give ourselves a break. If I stay, maya't maya lang tayong magkakasakitan. Maya't maya lang ding mahahati ang loob ng mga mamamayan at mga sundalo kung sino sa atin ang susundin. I never want to take away your role here in this city, Nickolai. Gusto kong ikaw pa rin ang kilalanin nilang commandant. Take this opportunity to gain your people's trust again. They're just hurt. But I know that they still care for you. Ikaw ang totoong kailangan nila. Hindi ako. Saka hindi naman ako tuluyang mawawala sa buhay mo. Ginagawa ko ito para din sa 'yo." Napahugot si Cinaris ng malalim na hininga. "Dahil ayokong humantong pa sa ibang mas malalang negatibong emosyon ang nararamdaman ko tuwing maaalala ko 'yong ginawa mo. Dahil masakit pa rin, Nick. Kaya gusto kong pigilan na ito. I'm also doing this for myself."

Nang muling maalala si Aden ay muli ring bumigat ang kanyang pakiramdam. It was odd how Nickolai and Aden kept giving her different emotions ever since she met them. Tuwing nakikita niya si Nickolai ay sapat na sa kanya. She knew she was contented by his side. Pero may nadarama din siyang lungkot at pait. But with Aden, there was this certain yearning that she couldn't explain. Pinipilit niya iyong kalimutan araw-araw pero hindi niya na maitatanggi pa sa sarili na gusto niya itong makita uli. Dahil gusto niya nang malinawan. So she could stop wondering for once. Ayaw niya nang patuloy na malito.

Cinaris wanted to find the answers this time. Aden was making her heart constantly question her decisions. He was making her feel something more than the pain. She felt like there was this thread that kept pulling her back to him. At gusto niyang subukang magpahila sa taling iyon. Dahil may pakiramdam siyang naroon sa dulo niyon ang mga sagot.

"I need time to think, to breathe, and to live for myself, too. Gusto kong ako naman, Nick. Iyong sarili ko naman ang iisipin ko. After seeing Dani, I plan to travel by myself. Gusto kong kilalanin uli ang sarili ko. But rest assured that I will still come whenever you need me. I will send you a raven about my location from time to time. Para alam mo kung saan magpapadala ng mensahe. Call me. At darating pa rin ako." Ani Cinaris bago dahan-dahang inalis ang mga braso ni Nickolai na nakayakap sa kanya.

Paglabas niya ay naroon na ang mga sundalo na sabay-sabay sumaludo sa kanya. She bit her lower lip to prevent herself from crying. The women were teary-eyed, while the children were waving at her with bright smiles that she would forever remember. Nang magawa ni Cinaris na masagip ang mga bata, pakiramdam niya ay nagawa niya ring sagipin ang batang bersiyon ng kanyang sarili. She felt like she was suddenly seeing the younger version of her. And the little girl was no longer as bruised as before. May makikita nang ngiti sa mga labi nito ngayon. At may init na rin sa mga mata. Pakiramdam niya ay kumakaway rin ito sa kanya. At sigurado siyang dahil sa nangyari ay hindi niya na iyon makikita pa uli. Because she no longer felt as helpless as that little girl.

"Our madax may have returned. But you will remain as our commandant. Hindi na iyon mababago." Ani Merek. "You are now a citizen of Hedia, commandant. We will wait for your return."

Sumaludo rin si Cinaris sa lalaki. Nangingiting pinagmasdan niya ang mga naroon. May pamilya na siya ngayon. Alam niyang saan man siya makarating, sa oras na mapagod siya sa kanyang magiging paglalakbay ay may mababalikan siya. Because of Nickolai and his army's strength, the borders were now well-protected. Pinakulong na nito sina Dinfar na nagsinungaling rito. Aalis siyang kampante. Sa kabila ng naging samaan nila ng loob ng binata ay naniniwala siyang sa dulo ay gagawin pa rin nito kung ano ang tama.

Napatingala si Cinaris kay Nickolai na nakatayo sa balkonahe. She caught the pain in his eyes.

"Ayoko nang lumapit. I'm afraid that I would hold on to you if I do." Anito sa pamamagitan ng isip, isang kakayahan na namana ng binata sa ina. Pero nagagawa lang nito iyon kapag malapit lang ang distansya nito at ng kausap. "It sucks to be away from you, Cinaris. Pero kung ito lang ang paraan para makabawi ako sa 'yo, I will let you be."

"This isn't easy for me, too, Nick." Sagot niya sa pamamagitan din ng isipan. "I've never been this close to anyone except you. Alam mo iyon. Pero gusto kong sa pagbalik ko, mas sigurado na ako. I will be back as soon as I acquire all the answers that I need."

Gumanti si Cinaris ng kaway sa mga naroon bago siya naglaho. Dumeretso siya sa dating kwarto nila ni Dani sa East Castle sa Slavia. Naabutan niya ito, nakahiga, namumutla at takot na takot ang anyo. Namumula ang pisngi nito na para bang sinampal at nagdurugo ang mga labi. Agad itong bumangon nang makita siya. "I'm sorry." Agad nitong sinabi. "I'm so sorry. Kung hindi ko ito gagawin, papatayin nila si Jarin."

Bago pa man makapagtanong si Cinaris ay dumating na ang mga sundalo ng Slavia. Nakatutok ang mga pana ng mga ito sa kanya. Sinasabi na nga ba niya. Itinaas niya ang mga kamay. She could fight. But she had to be sure that Jarin and Dani would be safe first. Mabilis na itinali ng kawal ang kanyang mga kamay. Humarap siya kay Dani. "Are you okay? Are you hurt somewhere?"

"Stop worrying about me." Sa halip ay luhaang sagot nito. "It's killing me."

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon