SHE once told me that she had this dream ever since she was young. It was to be able to tell herself one day that she lived an amazing life. And I wanted to tell her that she did live that kind of life. Marami ang saksi sa bagay na iyon. She had love and lost, she had fought and won, had been sad, angry, scared, confused, silly and grateful. Kung hindi niya naranasan ang mga iyon ay hindi mabubuo ang pagkatao niya ngayon. She lived her life as a daughter, a friend, protector and a leader. Kung saan-saan nang panig ng mundo siya nakarating para sa mga tungkuling iyon.
Meron pa pala siyang isang pangarap. Ang magkaroon ng naiibang klase ng fairytale. And I believe she had that. She was loved truly. Bukod sa akin ay may iba pang nagmamahal sa kanya. Hindi ko siya kayang bigyan ng happy ending. Pero kaya ko siyang bigyan ng isang bagay na wala sa fairytales. And it's the chance to become her own hero, the chance to beat her own dragons, to fight her own enemies and to become the warrior that she was. Kaya kong manatili lang sa sideline para pagmasdan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya. I will come when she needs me to. Pero kung hindi ay ibibigay ko sa kanya ang lahat ng oras na kailangan niya, if that was the only way she can rebuild herself again. Dahil ayoko nang makaramdam siya uli ng panliliit sa sarili niya.
I didn't want to become a hero in her own fairytale story. I just wanted to become among the many characters that was lucky enough to have met her. Ganoon ko siya kamahal. Hindi ko kailangang maging bida. Ang mahalaga ay naging bahagi ako ng kwento niya. I'm hoping to be with her until the last page. But in case I won't be able to, I hope she knows how happy I am to have been loved by her. –NC
Nagtagis ang mga bagang ni Nickolai matapos mabasa ang isa sa mga sulat na natagpuan niya sa bag ni Cinaris. Gusto niya iyong punitin at sunugin pero wala siyang karapatang gawin iyon. Akmang ibabalik niya na ang sulat sa sobre nang matigilan siya matapos aksidenteng maitapat sa liwanag na nagmumula sa kandila ang sulat. Natigilan siya nang mabasa ang sulat-kamay ni Cinaris sa likod ng papel. Bago pa man siya pangunahan ng kanyang mga emosyon ay nagmamadali niya nang sinelyuhan ang mga iyon. Pansamantalang itatago niya ang mga sulat. Isang araw ay patutunayan niya sa dalaga na niloloko lang ito ni Aden. When that time comes, gusto niyang ito na mismo ang magsunog sa mga sulat na iyon.
Mayamaya ay naihilamos ni Nickolai ang mga kamay sa kanyang mukha. Halos magkatulad sila ng penmanship ng nagsulat niyon. Clearly, Cinaris knew who the other NC was. Pero iilan lang ang nakakaalam niyon. Bukod sa mga magulang ni Aden ay sila lang ni Mikael. Aden's real name was Neil Casden Aldary. Pero sa palayaw na ito nakilala ng lahat.
Hindi. This is a lie, Cinaris. Naisaloob ni Nickolai habang pinagmamasdan ang nakatulog nang dalaga. He was crushed to discover that Cinaris was in Tienne Aires all along. Mahigit isang buwan silang hindi nagkita ng dalaga. Baka nabubulagan lang ito sa ngayon ng ipinakitang kabutihan ng kalaban. Pero naibsan ang sakit sa puso niya kahit paano nang mapatunayan niyang mahalaga pa rin siya sa dalaga. Pinili siya nito nang oras na puntahan siya nito.
This is just one of Aden's many tricks to get to you. Pero sa dulo, ibibigay ka niya sa mga opisyal. Papatayin ka rin nilang lahat. At hindi ako papayag. I will save you from him, Cinaris. He betrayed us once. He will do it again. Wait and see. I will seek retribution for all of us.
"NICKOLAI, let me out!" Sigaw ni Cinaris habang kinakalampag ang nakasarang pinto ng kanyang kwarto. Selyado iyon ng napakalakas na mahika kaya hindi niya magawang lumabas. Nagmamadali siyang sumilip sa bintana nang may marinig siyang mga ingay. Napasinghap siya nang makita ang lahat ng mga sundalo ni Nickolai na nagtipon-tipon sa labas ng gate, pati na ang iba pang mamamayan ng Hedia na nakuha nitong maging kawal noon. Mababakas ang matinding galit sa anyo ng mga ito lalo na sa anyo ng kalalabas lang na si Nickolai.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...