"Nagkakamali siya. Dahil iba't iba ang standard ng tao pagdating sa kaligayahan. Ang iba, nakakahanap ng saya sa paglilibot sa iba't ibang lugar, sa pagbuo ng pamilya, sa pangangarap, at sa kung ano-ano pang bagay. Contrast to what he thinks, I was really happy because others are happy. I feel safe only because others feel safe. But I am happier because of him. I feel safer because of him. Simple lang naman akong tao. Mababaw lang din ang mga pangarap ko. For me, happiness means him. I wish he knew though." –Yna
"WAIT for two years. Things will change in two years, Yna, I assure you. Sa panahon na iyon, matutulungan na kita nang mas malaya. At mas marami na rin akong magagawa. Kaya huwag ka na munang umalis. Hintayin mo ako. Pagtutulungan natin ito. I will join you in your battle."
"I can't. Hindi ko na kayang maghintay nang gano'n katagal." Napailing na sagot ni Cinaris. Nanatili siyang nakayuko. Dahil alam niyang sa oras na mag-angat siya ng mukha ay ang kirot sa mga mata ni Aden ang muling sasalubong sa kanya. How she wished that she could make him happy even for once. Hindi iyong puro sama ng loob na lang ang ibinibigay niya sa binata. But that was an impossible wish at the moment. "I could lose a very important life any time now, Aden. Kaya hindi pwedeng maghintay na lang ako dito. At hindi rin pwedeng iasa ko ito sa 'yo. Stop trying to involve yourself in my problems." Sumasakit ang ulong natutop niya ang noo. "Hindi ka pa ba nadadala?"
"Hindi."
Cinaris drew a sharp breath, unable to admit even to herself that she liked this. Gusto niya ang idea na sa kabila ng ugali niya, ng mga nagawa niyang kasalanan at sakit na hatid niya sa buhay ni Aden, hindi pa rin siya nito sinusukuan kahit na may mga araw sa buhay niya na kahit siya mismo ay gusto nang sukuan ang sarili. She was amazed by him, and by his love for her. She loved how he continued to hold onto her. Bata pa lang siya ay mulat na siya sa napakalakas daw na kapangyarihan niya na maaring magpatumba sa napakaraming mga tao.
Nalilimitahan man ang lakas ni Cinaris ngayon dahil sa biglang pagkakaroon ng sakit ay hindi niya pa naranasan na umamot ng proteksiyon at kalinga mula sa iba maliban kay Saemis. But she loved how Aden was taking care of her. Masarap pala ang maalagaan din ng iba paminsan-minsan. She loved how his eyes lit up just for her. Gusto niya pati na ang pagbabago ng boses ng binata tuwing kausap siya. Mula sa malamig at pormal ay nagiging banayad iyon. At nagkakaroon ng emosyon. She loved... being loved by this great man. And she would have loved to love him, too.
If only the circumstances allowed it.
"You're unbelievable." Mahina nang sinabi ni Cinaris pagkaraan ng ilang segundo para pagtakpan ang tunay na nararamdaman.
"Kindly include stupid, too. Because here I am, slowly losing pride by trying so hard to make a woman stay by my side, when all that woman wanted was to leave me behind."
"Hindi iyan totoo."
"Then... are you saying you want to stay?"
Desperately. Mariing kinagat ni Cinaris ang ibabang labi para mapigilan iyong isagot. There was no used telling the truth anyway. She froze when she suddenly felt Aden's embrace. Hindi iyon mahigpit at hindi rin maluwag. Tamang-tama lang. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito. It was so nice to lean on him. She loved how close they were. She loved how she could breathe in his manly scent. She didn't feel weak in his arms. Instead, she felt invincible, na para bang kaya niyang suungin ang lahat basta kasama ang binata. Unti-unti niyang itinaas ang mga kamay at ipinaikot sa baywang ni Aden. Naramdaman niya ang sandaling tensiyon na bumalot sa katawan nito na para bang hindi nito inaasahan ang ginawa niya.
"Bakit ako?" Mayamaya ay hindi napigilang itanong ni Cinaris. "Napakaraming babae ang sigurado akong nakapila para lang mapansin mo. Pero bakit... ako pa rin?"
"Kung magagawa kong magbigay ng dahilan kung bakit ikaw, hindi ba't mangangahulugan iyon na gusto lang kita at hindi mahal?" Ganting-tanong ni Aden. "Minsan, tinanong mo sa akin kung ano'ng sasabihin ko kay Cedany kapag nagkita kami uli. Hindi kita nasagot noon kasi nag-aalala akong baka mabuko mo. But I will answer that question now. I will tell Cedany-I will tell you-that the love you had always dreamed of, it stayed right in my heart and surpassed the loneliness and heartbreak through the years. Siya lang naman ang umalis. But love never left her. It was her who left love. And I want her to know that even if she leaves again, love will never leave. Not now. Not in a hundred years. Not ever."
Sinalubong ni Cinaris ang mga mata ni Aden. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha, mga luhang maagap na pinunasan nito. "Paano ka nakakasiguro? Can something really last forever?"
"Yes. Because forever is a choice, Yna. And this is my choice. And because I know my heart. Alam kong minsan lang siya magmamahal." Idinikit ng binata ang noo sa kanyang noo pagkatapos ay para bang napapagod na pumikit. Sigurado siyang pinagod nang husto ng mga rangda ang isipan nito nang bangungutin ito. "Ikaw, kilala mo rin ba ang puso mo?"
Natahimik si Cinaris.
"Hindi ka makasagot. Gusto mo bang tulungan na lang kitang kilalanin ang puso mo?"
"Hindi na kailanga-" Nahinto siya sa pagsasalita nang magmulat si Aden. Inabot nito ang batok niya at bigla na lang sinakop ang kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya. She was thirty-two years old now. But she had never been kissed... until tonight, iyon ay kung ang alaala niya ang pagbabasehan. She had no idea if she had experienced it with Aden back in Idreris. Pero para sa kanya ay ngayon pa lang ang unang pagkakataon na nangyari iyon.
And Cinaris was supposed to push him away. Pero sa halip na sundin ang idinidikta ng isipan ay natagpuan niya na lang ang sariling iba ang ginagawa. Ang isang kamay niya ay humaplos sa batok ng binata habang ang isa ay pinakiramdaman ang tibok ng puso nito. She smiled in between their kisses. Their hearts were dancing in the same rhythm. Pareho iyong mabilis at malakas ang pagtibok.
Unti-unti ay nagawa niyang ipikit ang mga mata. Aden knew that that night was their last night. But he was kissing her as if they had just began their love story. Hindi nagtagal ay tinugon ni Cinaris ang imbitasyon ng mga labi ng binata. Hindi niya alam kung paano nangyari. But he made it so easy for her to respond. It was as if her lips already knew what to do. Alam niyang babae siya. Pero ngayon niya lang iyon higit na naramdaman sa mga halik ng binata at sa yakap nito. She had always believed that there was something wrong with her. Because Saemis didn't learn to love her. Pero ipinaramdam ng halik na iyon sa kanya na nasa isip niya lang ang mga inaakala niyang kakulangan. His lips made her feel wanted, like she was the most especial person in the world for him.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay nasaksihan ni Cinaris ang pagbabalik ng kislap sa mga mata ni Aden. At bago niya pa man mamalayan ay gumuhit na rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Ikinulong ng binata ang kanyang mukha sa mga kamay nito.
"There," He whispered huskily. "Umaaraw na uli."
Nagsalubong ang mga kilay ni Cinaris. "What do you mean?"
"That was how Cedany used to smile. Mula nang mawala ka noon, pakiramdam ko, inalisan ako ng araw sa buhay ko. Pero ngayon, bumalik na ang araw. And it was shining at its brightest right now."
"Aden-"
"Sshh. If this night is all we have, then let's make the most out of it. Hayaan mong magpakilala uli ako sa puso mo. Para sa muling pagkikita natin-kung sakali mang mangyayari pa iyon-isip mo lang uli ang makakalimot sa akin. Pero hindi na ang puso mo." Anito bago siya muling pinatahimik sa pamamagitan ng mga halik nito...
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Fantastique(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...