Chapter 35

311 19 1
                                    


"Walang naligaw na hindi ginustong bumalik. Walang nagmahal na hindi hinangad na makasama ang kanyang minamahal. My heart had always known where to find him. But many times, timing constantly get in the way between us. And the circumstances, too. It had always been the circumstances. Gusto ko na ring magpasundo sa kanya. Gusto ko nang magpahanap sa kanya. Pero nag-aalala akong gawin iyon. Dahil kabi-kabila ang mga matang nakabantay, ang mga halang ang bitukang kaaway na nakahandang pumatay anumang oras." –Yna

"RELEASE the prisoner while I'm still asking nicely, lord Floran." Mahina pero nagbababalang sinabi ni Aden sa kaharap na wasiirka matapos pabagsakin ang mga bantay na kawal sa labas ng kastilyo nito. If only he wasn't being considerate, he would have killed all the guards the moment he heard what they did to the only woman who did nothing but to flip his entire world upside down. Pero dahil sa pinagsamahan nila ng lalaki ay pinatulog niya lang ang mga tauhan nito.

"What's happening to you, Aden? You've always been a sensible man. Pero dahil lang sa isang alipin ay kakalabanin mo ako? If I wouldn't kill that wench, sigurado akong ako ang isusunod niya-nila ni Nickolai na iniisa-isa ang mga wasiirka!" Namumula ang anyo sa galit na sagot ni Floran.

"Ano ba'ng ikinatatakot mo? Nickolai was back in Hedia. At mag-isa lang dumating rito si Yna. Napakarami natin dito sa Viteron. Ano'ng laban ng isang tulad niya? Besides, you have your secret weapons as well, don't you?"

"Ayokong gamitin sila kaagad. I'm saving my remaining cards for the bigger enemies."

Nagkibit-balikat si Aden. "Problema mo na iyon. Masyado nang maraming komplikasyon ang hatid ng lahat ng kaharian sa buhay ko para idagdag ko pa ang kinatatakutan mo sa listahan ng mga dapat kong alalahanin. I don't have much time, lord Floran. If you don't want your illegal transactions to be exposed in the public, you should release the prisoner right away."

"So because you're the boqor now, you became fearless, huh?" Bumangis ang anyo nito. "Sa akala mo ba ay tatagal ka sa posisyon na iyan kung hindi dahil sa amin? We can bring you down easily, Aden."

Sa dami ng mga nagbabanta sa buhay niya ay wala nang epekto sa kanya ang ganoong mga salita. Sa halip na sumagot pa ay sinenyasan niya na ang kanyang mga tauhan na agad hinawi sina Floran at ang mga kawal nito. Bago lampasan ni Aden ay tinapik niya ang matandang lalaki sa balikat at bumulong. "Malupit na ang mundo. 'Wag ka nang dumagdag pa. Look at the other officials. They tried to mess in the already messy world. But in the end, no gold, properties or secret weapons were able to save them."

"You will die in my hands one day, you two-faced bastard!" Ganting-bulong ni Floran sa mariin na boses.

"If I'm scared of death, do you think I would be here? Do you think I would be the boqor? Besides, you should practice calling me 'your majesty' now, lord Floran. Isang kalapastanganan ang tawagin sa pangalan lang ang isang opisyal na ilang beses na mas mataas pa sa 'yo. I would hate to see you in jail just because of that." Ani Aden bago dere-deretso nang pumasok sa basement kung saan nakakulong si Yna. He had a lot of fears. But none of them included his death.

Nang sa wakas makita ang dalaga ay natigilan siya. Then and now, his princess had always been far from being a damsel in distress. Hayun at nakalag na nito ang mga tali sa kamay at wala na ring buhay ang mga kawal na bantay sa selda nito. Kung hindi pa siya dumating ay siguradong palabas na ito. At sigurado ring may iba na namang kaaway na makakahuli rito. He stared at her for a long time to appreciate the fact that she was in front of him, alive and safe, just like how he had always hoped for her to be.

Here was the woman who used to make him feel excited about the sunrise. Dahil alam ni Aden na sa pagsikat ng araw ay magkikita sila uli. But years after and he had become anxious everytime the sun would rise and set. Dahil hindi niya alam kung ilang pagsikat at paglubog ng araw pa ang kailangan niyang masaksihan bago sila magkita uli.

"What are you doing here?" Gulat na tanong ni Yna. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula nang masilayan niya ang mukhang iyon. Pero hindi iyon sapat para matabunan ang pangungulilang nararamdaman. Ilang taon na mula nang una niyang makita si Yna. Marami na ang nagbago... sa paligid, sa kanya, lalo na sa dalaga, mula sa puso nito hanggang sa mga pananaw nito sa buhay. But in Aden's heart, she was still the same woman he had fallen in love with... just with darker heart and maybe darker perspectives.

"I was advised to go where I feel the most alive. And so I came to see you. Hello again, Yna." Aden whispered with that familiar ache in his chest as he took her in his arms. "Thank you."

"What?"

Nag-init ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pagganti nito ng yakap. "Thank you for being alive, Yna."

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon