"She dared to choose love for the first time. But she was caught in a cross fire, in the two colliding forces that both mattered to her. She wanted to save them both. But it wasn't possible. She could only choose one. I look in her eyes and I could see that in the end, it won't be me." –NC
Eleven years ago...
"I DON'T believe you. Why would you be so kind to me?"
"They say if you don't receive the kindness, start it."
Nahinto sa pangangabayo si Aden nang marinig ang napakalambing na boses na iyon ng isang estranghera. Nalampasan na ito ng kanyang kabayo kaya kunot ang noong nilingon niya ito. Nakita niya itong nakasuot ng kulay kremang cloak habang nakatingala sa isang puno kung saan umakyat ang batang lalaking kausap nito. There was something in her voice that was soothing his tired soul. And he realized he wanted to hear more of that voice. Sa dami ng mga lugar na napuntahan o mga taong nakausap niya na ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. The woman was giving him the kind of feeling that many lonely people would have paid for just to have it.
Bago pa man mamalayan ni Aden ay nakababa na siya ng kabayo at pumuwesto sa katabing puno ng estranghera. Naupo siya sa lupa at isinandal ang likod sa puno pagkatapos ay pumikit. Mula nang dumating sa Idreris ay puro paglilibot na ang ginawa niya dahil hindi siya matahimik. He wanted to distract himself. Ayaw niyang magkaroon ng panahong mapag-isa at mag-isip.
"I don't really care about the bag that you stole from me. You can have all the gold coins there. Ang gusto ko lang makuha ay ang kwintas ko. Bigay iyon sa akin ni daddy. Naka-engraved doon ang totoong pangalan ko. At kailangang-kailangan ko iyon para may maging reminder ako kung sino talaga ako. Pwede akong gumamit ng mahika para makuha ang bag mula sa 'yo. Pero hindi ko iyon gagawin."
"Bakit?"
"Dahil gusto kong kusa kang bumaba. At ipinapangako ko sa 'yo, hindi kita ipapakulong. You can leave after you give me back my necklace. Pero kung ang buong bag ang ibibigay mo sa akin, isasama kita sa tinutuluyan ko. I will feed you and we will talk about your problem so I would know how to help you and so you could stop living this way. Dahil ang gold coins, mabilis lang mauubos iyan. Kapag nagastos mo na ang mga iyan, siguradong babalik ka sa dati at magnanakaw uli. That's why what I plan to give you is something more precious than the gold coins."
"And what's that?"
"A chance to change your life forever. A chance to become a better person. Alam ko kung paano ang mapagkaitan ng pagkakataon. Kaya hangga't maari, ayokong iparanas iyon sa iba, lalo na sa gaya mong napakabata pa. Ngayon, kung ayaw mo pa ring bumaba, bahala ka. Basta hihintayin kita dito. You're in luck. I happen to have all the time in the world right now."
Hindi nagtagal ay narinig ni Aden ang paghihikab ng estranghera. Dumilat siya at muli itong nilingon. Gaya niya ay sumandal din ito sa puno. Dumulas pababa ang hood ng suot nitong cloak kaya nakita niya ang para bang pagod ding pagpikit nito. Ilang sandali pa ay narinig niya ang patag nang paghinga nito, palatandaang nakatulog na.
Dahan-dahang lumapit si Aden sa estranghera. Hindi siya naniniwala sa mga anghel o diwata. Pero kung sasabihin nito na kabilang ito sa mga iyon ay paniniwalaan niya. There were flowers around the woman's hair that he had never seen anywhere. At kasingganda ng mga bulaklak na iyon ang mistulang nagniningning na babae.
Bumaba na ang batang kausap nito kanina. Payat ang lalaki at marungis. Nang akmang magsasalita ito ay mabilis na inilagay ni Aden ang hintuturo sa kanyang mga labi na agad namang nakuha ng bata. Nanahimik ito sa kanyang tabi habang siya ay nanatiling nakamasid sa dalaga. He couldn't believe the serenity that he suddenly felt. Kumpleto pa ang kanyang pamilya nang huli niya iyong maramdaman.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...