"Kanya-kanya ang tao ng paraan para makatakas kahit na sandali mula sa realidad. Some choose to sing and dance while others paint. May mga nagta-travel. At may iba ring idinadaan sa pagsusulat. But he and I have a different way of escaping reality. It's through loving each other. As long as I'm in love with him, I know I can escape reality." –Yna
DEAR Son,
Last night, a phantom panther appeared in my dream. I woke up at two in the morning and wasn't able to sleep again afterwards. Puro ikaw na ang pumasok sa isip ko. Maybe because you're away and your mom and I have been missing you so much. Kaya kahit na alam kong magkikita tayo bukas sa Tienne Aires ay sumulat pa rin ako sa 'yo ngayon at maagang ipinadala sa 'yo ang liham na ito. Kami ng mommy mo at ang buong hukbong sandatahan ng Hedia ay nakatakdang makipagkita sa mahal na Boqor. Hindi niya sinagot ang mga ipinadala kong mensahe. This is the first time it happened and I'm worried especially now that you stopped sending us letters.
Nakarating sa akin na pinagdududahan daw ng Boqor ang alyansa ng ating pamilya at ng siyudad ng Hedia sa kanila. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Kaya tinipon ko ang mga sundalo natin para ipresinta sa kanya at para patunayan ang katapatan natin sa kanila. We plan to repeat our oaths towards the Boqor beside Tienne Aires's flag. It's a major risk, I know. And forgive daddy for doing us, son. Alam kong nangako ako sa 'yo na hindi iiwan ang ating kaharian. The enemies could invade Hedia once we leave, lalo na at iilang mga kawal lang ang maiiwan doon. Pero kung ito lang ang tanging paraan para mapanatag ang Ninong Mortiz mo ay gagawin ko. Tutal, anoman ang mangyari sa Hedia ay siguradong masosolusyunan naman natin, just like the old times, right?
Nakarating din sa akin ang balitang madalas kang pinapupunta sa Tienne Aires, anak. But don't worry. Your godfather is a reasonable man. Before he became the Boqor, we were the best of friends. And I do believe that Mortiz loves you like his own. Kaya kung naghihigpit man siya sa 'yo ay siguradong hindi niya iyon sinasadya. Perhaps, he was just pressured once again by the wasiirkas. Alam mo namang hindi biro ang mga pwersang nakapalibot sa kanya. That's why you must try to understand him more. Lalo na at napakahirap at napakabigat ng responsibilidad niya sa lahat ng kaharian. Itong nangyayari ngayon? Pagsubok lang ito sa atin. Once we explain our side to him, all this issues will be cleared, for sure.
You are Icrabet's madax, Nickolai Connell. Kaya kailangan mo ng ibayong pag-iingat para mas mapangalagaan sa mas mahaba pang panahon ang ating kaharian at ang mga mamamayan na umaasa sa atin, lalo na sa hilaga. We must not fail our people. And son? I don't always say this, but I love you. I know that your mother, your uncles and aunties, the rest of our relatives, our soldiers and all of our countrymen feel the same way, too. Remember Hedia's hymn? Rise for Icrabet. Rise for all of us. Rise for all time. Isapuso mo sana iyon sa lahat ng oras. See you soon, son.
Always and forever,
Dad
Lalo pang dumoble ang kabang nararamdaman ni Nickolai matapos mabasa ang liham ng ama. Kadalasan ay ang kanyang ina ang sumasagot ng mga sulat niya. It was the first time that his father wrote him a letter. Wala isa man sa mga nakasulat doon ang nakapagpagaan ng loob niya. Dahil alam niyang ginawa lang iyon ng ama dahil sa phantom panther. Dumiin ang pagkakahawak niya sa papel. Ilang liham na ang ipinadala niya sa Hedia. Pero mukhang may humaharang ng mga liham kaya hindi nakararating sa kanyang pamilya.
He turned to face Merek, Hedia's sergeant major. Ito ang naghatid sa kanya ng liham. Si Merek din ang may pinakamataas na posisyon sa hilagang bahagi ng Icrabet na pinangangasiwaan niya. May kasama itong tatlo pang sundalo.
"Nasaan na sila ngayon?" Pigil ang emosyon na tanong ni Nickolai. The phantom panther was always a representation of a catastrophe. Napapabalitang nagpapakita iyon sa iba't ibang paraan sa mga pinunong nakatakdang matalo o mamatay sa isang giyera.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...