"She was scared only about others' lives. I wanted her to learn to be scared about her life as well. I wanted her to be scared to die. Dahil baka sa oras na ginusto niya nang mabuhay, saka niya lang mare-realize na nagmamahal na siya nang tunay." -NC
"YOU came right on time. I was about to make my assistant call you. Mabuti naman at marunong ka palang magkusa. I like that."
Hindi sumagot si Cinaris. Sa halip ay pinagmasdan niya ang kabuuan ng magarang opisina na kinaroroonan para iwasan ang nanunuot na mga titig ng lalaki. Ang buong pader ay pinintahan ng dagat, ng kalangitan at ng bilog na bilog na buwan. Iyon ang nagsilbing disenyo ng malawak na opisina na tanging mga importanteng gamit lang ang nakalagay. Mesa, mga upuan, couch sa isang tabi, shelf, at chest drawers. Dahil sa nakapinta ay parang gabi na sa loob kahit maaraw sa labas lalo pa at nakasara ang mga bintana. Walang nakasinding ilaw. Ang tanging nagbibigay liwanag doon ay ang malaking buwan na nilagyan ng salamangka kaya magkakakitaan pa rin ang mga bibisita doon.
Isa pa, sa tulad ni Aden na magnified ang lahat ng senses ay hindi na kakailanganin pa ng liwanag para makakita nang maayos. But the big, bright moon look abandoned. There were no stars painted around it. And the loneliness from that painting could be felt in the four corners of the office.
Bumalik ang tingin ni Cinaris sa nagmamay-ari ng silangang Viteron. By chance... was he as lonely as the moon in the painting? Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. Ang mga gaya ng lalaki ay para bang imposibleng makaramdam ng ganoong uri ng emosyon. Between Aden and Egon, Cinaris would no doubt, choose the second. The two were both monsters for her, but in a different way. Dahil hindi magiging madax si Aden nang basta-basta lang. He surely had fought for his way to be where he was now. Sa kabila ng mga positibong narinig niya na tungkol sa lalaki ay hindi niya pa rin ito gusto. Because everything about Aden Aldary reminded her of Saemis. The two seemed like a tall mountain that could never be conquered. Pareho din ng sinisimbolo ang mga ito. Yelo. Kaya niyang maglaro sa apoy, pero hindi sa yelo. If she did, she doubt if she could ever escape from the memories that would come along with it.
"Beginning today, I'm officially assigning you to become my imperial soldier. Kaya kailangang nasa tabi kita sa lahat ng oras."
Sa halip na sumagot ay initsa ni Cinaris sa mesa ni Aden ang isang medium-sized bag na puno ng ginintuang barya. "There. I'm paying for my freedom and for Dani's. Nandyan na din ang bayad para sa pagpapatira mo sa amin sa loob ng tatlong araw, sa doctor's fee, sa mga gamot, pati na sa pagkain at inumin na ibinigay sa amin. Sobra-sobra pa ang mga 'yan bilang kabayaran dahil ayokong magkaroon kami ng utang na loob sa 'yo." Tumalikod na siya. "Dani and I will leave in a few minutes. Thank you for everything."
Ngayong bumalik na sa dati ang kondisyon ng katawan ay bumalik na rin ang lohikal na bahagi ng kanyang isipan. Magagawa niya nang tumakas sa East Castle. Pero ayaw ni Cinaris na muling maging agaw-atensiyon sa publiko. Siguradong hindi siya patatahimikin ng mga kawal doon. And she had no time to play hide and seek. Lalo lang babagal ang usad ng kanyang mga plano. That's why she decided to leave on a clean slate. Ihahanap niya si Dani ng ligtas at komportableng tirahan pagkatapos ay saka niya itutuloy ang kanyang misyon. Kung sakaling umayon ang lahat sa plano niya ay babalikan niya ang dalagita.
"Take back your money. I don't accept gold coins from people with criminal records. Baka kung saan pa nanggaling ang mga iyan. So, no, you can't buy your freedom through that. I'm sorry."
Nahinto si Cinaris sa pagpihit sa doorknob sa narinig. Humarap siya sa lalaki na nakasandal sa swivel chair nito at nananatiling kalmado habang siya ay kulang na lang sumabog sa pinipigilang galit. "Do I look like a thief to you?"
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...