There came a time when lies comforted her more than the truth. That was why she sought for lies more than the truth. And I wondered why. Dahil ang katotohanan, kapag hinarap na niya, sandali lang siyang masasaktan. Ang kasinungalingan, habang-buhay siyang sasaktan. –NC
"DO YOU realize how lucky you are?" Hindi na nakapagpigil na tanong ni Jarin kay Yna matapos lumabas ni Aden ng opisina. "Kung sa iba nangyari ang ganitong bagay sa madax amiir, siguradong napatalsik ka na sa kastilyo. Wala nang interrogation pang mangyayari. When that happens, sigurado ding mag-uunahan sina Lord Floran at amiir Egon sa pagpatay sa 'yo."
Sa loob ng mahigit labing-dalawang taon na paglilingkod ni Jarin kay Aden ay ngayon niya lang nakitang nagalit ang huli. Parati itong kalmado. The whole city would collapse, but he was sure that Aden's composure would still remain. That was how he knew their madax amiir. Istrikto ang kanyang amo sa sarili nitong mga patakaran. Pero ilang beses na nitong kinalimutan ang mga patakaran na iyon sa ngalan ng nag-iisang babaeng pinakamalapit sa puso ng babaeng pinakamamahal nito.
Nang araw na nabalitaan ni Aden na mangyayari ang royal game ay agad itong bumalik sa kastilyo kahit pa malayo-layo na ang nalakbay nila ng mga sundalo. Pinaiwan nito ang iba at si Jarin lang ang hinayaang makasama sa pagbabalik sa Slavia para magsilbing look-out nito. Nakarating sila ng opisina nito nang walang nakakaalam. Dahil gaya ng inaasahan ay wala doon si Yna.
And from Aden's office, they saw how Yna weaved magic to help the mortal from the royal game. Hindi na iyon napigilan pa ng kanyang amo dahil ayaw nitong mabalitaan ng lahat ang ginawang pagbabalik at mapagdudahan. Sinabayan nito ang mahika ni Yna. It was because of the wind that's why the woman's magic was not easily detected by the officials. And that wind came from the madax amiir.
Pagkatapos niyon ay naglaho na sila at bumalik sa kanilang mga kasamahan na alam nilang kailanman ay hindi magsasalita sa iba tungkol sa nangyaring ilang minutong delay sa biyahe nila sa araw na iyon. Sila ang magkakasamang lumaban noon pa man. Subok na nila ang hindi matatawaran na katapatan ng isa't isa. Dahil alam nilang ganoon rin sa kanila ang kanilang pinuno.
Nang sumunod na araw ay nagpatawag ng meeting ang Boqor sa lahat ng mga wasiirka. At dahil nasa paligid lang sila ni Aden ay hindi nakaligtas sa kanila ang usapan ng mga naroon. Tungkol iyon sa milagroso raw na mortal na nagawang makatalo sa isang padfoot. Others believed it was sheer luck. But there were others who wanted to investigate. Kaya dinala ang wala nang buhay na padfoot sa Red Tower sa katabing kaharian para imbestigahan doon.
Museum ang pagkakaalam ng lahat sa Red Tower. Sa lugar na iyon ipinagkatiwala ang koleksiyon ng pinakamahahalagang artifacts mula sa lahat ng mga namunong Boqor, mga wasiirka at iba pa sa kasaysayan. That's why the entire tower was highly protected. Napakaraming mga bantay doon. But beneath the tower was a secret treatment center which was exclusive for the wealthiest supernaturals in the world only. Doon dinadala ang lahat ng mga nasusugatan o namamatay na iba't ibang uri ng nilalang para pag-aralan o gamutin. The madax was aware of the physician's dirty trick all these time. Ang mga ipinanggagamot nig doktor sa mga nagiging pasyente ay mula sa pinagsama-samang dugo ng mga espesyal na taong nagmula sa iba't ibang kaharian. Pinapapatay nito ang mga tao na iyon para sairin ang dugo, haluan ng mahika at gawing gamot.
Iniwasan ni Aden na pakialaman ang illegal na gawaing iyon ng doktor sa mahabang panahon. Dahil ang illegal na iyon ay suportado ng Boqor at ng matataas na pinuno. Pero pinasabog ni Aden ang Red Tower dalawang araw na ang nakararaan. Kinalimutan nito ang code ng mga amiir at ang katungkulan bilang madax. Hindi man nasira ang mga mahahalagang artifacts doon dahil sa taglay ng mga iyong fortification spell ay nagkagulo pa rin ang karamihan sa mga opisyal, lalo na at nabalewala ang planong imbestigasyon dahil abo na ang bangkay ng padfoot. It also diverted everybody's attention away from the East Castle, away from Yna, most especially. Hindi kaila sa kanila ang mangilan-ngilang kampon ni Egon na nakapaligid sa kanilang kastilyo. Kaya alam ng mga ito na naroon si Yna nang mangyari ang pagsabog.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...