"Sana ang isip ay gaya na lang ng memory card ng mga mortal. Kapag puno na, palitan na ng bago o kaya ay isalin sa ibang memory card ang laman. Para nasasalin din pati ang pangit at masasakit na pangyayari. Pero walang gano'n sa totoong buhay. In reality, sablay ang isip. Kung ano ang magagandang pangyayari, iyon pa ang nakakalimutan. At ang mga pangit at masasakit pa ang naiiwan." –Yna
ILANG BESES na napahugot ng mararahas na hininga si Cinaris nang makumpirma ang kanyang hinala. Hayun at totoong nasa mismong sentro ng napakaengrandeng sala ng kastilyo ng Tienne Aires ang espadang hinahanap niya. Nagliliwanag iyon, nakatarak sa higanteng bloke ng yelo na hugis korona at nakapaloob sa isang makapal na parihabang salamin na ngayong natatamaan ng sikat ng araw mula sa mga nakabukas na bintana ay nagre-reflect sa buong paligid. It would have been a magnificent work of art, if only she was not aware of the person that was sacrificing inside the sword just to show off something that beautiful.
Ang bloke ng yelo ang nagmistulang main attraction sa sala na imposibleng hindi mapagtuunan ng pansin ng mga bisita. Para iyong nangungusap sa kanila. Napakataas niyon at umiikot. Umaabot iyon hanggang sa kisame ng sala. This time, Cinaris was sure that what she was seeing was the real sword, because she could finally feel Saemis' presence. Nagdurugo ang handle ng espada at pumapatak iyon sa yelo kaya halos nagkulay dugo na rin iyon, patunay na may buhay ang espada, may naghihingalong buhay sa loob niyon.
"Isn't it amazing? It was bleeding as if it has a life of its own." Ani Nickolai sa kanyang tabi. Gaya niya ay nakatitig din ito sa espada. "That sword was one of the many wonders of Tienne Aires. Simula nang matagpuan ang itinuturing na national treasure na iyan ilang taon na ang nakararaan, wala nang nagkasakit pa sa mga opisyal. Ang sabi nila, makita lang daw nila iyan ay lumalakas na sila. It had that kind of effect on them. Pero kami ng mga kaibigan ko ay iba ang pakiramdam tuwing nakikita ang espada. It was giving us a different kind of vibe like sadness, pain and longing."
Kumunot ang noo ni Cinaris. "Sadness? Longing? Are you sure?" At kanino naman iyon posibleng maramdaman ni Saemis? Mayamaya ay mapaklang napangiti siya nang may maalalang mortal. It must be that woman, the woman who betrayed him. Dahil iyon lang ang kilala niyang nag-iisang minahal ni Saemis nang higit pa sa buhay nito. Sa babaeng iyon siya nito ipinagpalit.
"Why? Don't you feel the same? Pagmasdan mong mabuti. Ang bawat patak ng dugo mula sa espada, pakiramdam ko ay patak ng luha. I don't know." Nagkibit-balikat si Nickolai. "I just feel that way. Gano'n rin daw sina Aden at Kael. I'm surprised that you don't seem to agree, samantalang alam kong malakas din ang pakiramdam ng isang tulad mo."
Tumikhim si Cinaris. Naramdaman niya ang paglapit ng mga wasiirka sa kanila na alam niyang lihim na nakabantay sa kanyang bawat kilos at salita. Kahit si Saemis, alam niyang nakikita at naririnig siya nito. Muli niyang nararamdaman ang pamilyar na mga titig nito sa kanya. I miss you so, Saemis. Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. "I don't see anything special. It's just an ordinary sword to me."
Pilit na ibinaling na ni Cinaris sa iba ang atensiyon nang magsimula nang batiin ni Nickolai ang mga opisyal na naroon na halos lahat ay hindi niya masikmura. Ngayon niya na-realize kung gaano kahirap ang tungkulin nito bilang madax. It must have been tough to forced smiling and shaking hands with people like them. But there was one wasiirka that didn't give her the same ugly sensation unlike most of the officials. It was Ceron. Nabasa niya na ang profile ng lalaki sa mga files na ibinigay sa kanya ni Aden. The man surprisingly had kind eyes. At ang mga matang iyon ay para bang nakangiti ngayon sa kanya.
"Hello, warrior." Anang isip nito. "You look so much like your mother. I'm Ceron Graysen, by the way."
Warrior. Sa rangda unang narinig ni Cinaris iyon. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Sagot niya sa pamamagitan din ng kanyang isip. "Kilala mo ba ako at ang totoong mga magulang ko?"
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Fantastique(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...