"Tama siya nang sabihin niyang malalaman mo lang na totoong nagmamahal na ang isang tao kapag natutunan nang pag-ingatan ng taong iyon ang sarili niyang buhay. Because when I fell in love with him, I've become a sucker for tomorrows. I wanted to live today, tomorrow, and the day after that. I just wanted to live another day more. Iniingatan ko na ang buhay ko ngayon. Dahil iyon sa kanya. Dahil gusto ko pa siyang mahalin. Kaya nagkakamali siya nang sabihin niyang wala akong kinatatakutan. Meron. I may not be afraid of the storm. But I'm afraid of losing him." –Yna
Two years ago...
BUMILIS ang paghinga ni Nickolai nang makita ang kanyang ina na nakatayo sa tuktok ng bangin. Ang buong katawan nito ay napapaikutan ng makakapal na mga kadena. And he would have ran to her if only he could do that. Pero hindi niya magawa kahit ang tumayo o iangat ang kanyang ulo. His body was still under the influence of Aden's arrow. Kung wala ang mga kawal ng gobyerno na nakahawak sa kanyang mga balikat habang nakaluhod siya sa lupa at nakasabunot sa kanyang buhok paharap sa direksiyon ng kanyang ina ay hindi niya magagawa ang makita man lang ito.
Sa gilid ng bangin ay naroroon at nakatayo ang mga traydor na opisyal kabilang na ang nakayukong Boqor at ang mga mayayamang angkan na tinulungan ng kanyang pamilya at nangako sa kanilang tutulungan rin sila kapag buhay naman nila ang nanganib. Napakarami ng mga ito. Kung pipilitin ng mga ito ay may magagawa ang mga ito. But no one stood for his family. Naroon din sina Mikael katabi ang iba pang mga amiir. Habang si Aden ay nakaupo sa tabi ng mga wasiirka.
Patuloy ang pagbasa ang tagapagsalita ng Boqor patungkol sa krimen na nagawa raw ng kanyang pamilya.
"Kung may sinoman na tumututol sa mga opisyal na naririto sa gagawing pagpaslang sa matriarka ng mga Connell ay maaring tumayo at magsalita para ipaliwanag kung bakit karapat-dapat na itigil ang parusa."
Isa-isang tiningnan ni Nickolai ang mga kaalyansa ng kanyang pamilya na halos magkakasabay yumuko. He tried to fight back the tears, but before he even knew it, they already ran down his cheeks. Muling tumuon ang tingin niya sa kanyang ina. Ito na lang ang nabuhay dahil nagmatigas daw ang kanyang ama, mga kamag-anak at ang kanilang hukbong sandatahan at nakipaglaban sa mga sundalo ng gobyerno sa halip na sumuko. Pero nagsisingungaling ang mga ito. Kilala ni Nickolai ang kanyang ama. His father would never fight the Boqor. Mas gugustuhin pa nito ang magpahuli. Sa ganoong paraan ay buhay nitong maipaliliwanag ang panig. His mother had bruises on her face. Hindi ito marunong makipaglaban. Pero kahit ito ay dinamay at sinaktan. Ang suot nito ay nabahiran na ng dugo.
Tumingin ito sa direksiyon niya. A beautiful warm smile formed on her lips, it was the same smile that used to greet him each time he would go back in their castle after a long journey.
"I love you so much, son," His mother's soft voice suddenly echoed in his mind. Nagagawa lang ng ina ang espesyal na kakayahan nitong iyon kapag malapit lang ang distansiya nila sa isa't isa. "I was so afraid that I wouldn't be able to see you anymore. Your father died in pain, not because of the Boqor's betrayal. But because he wasn't able to say goodbye to you. Hindi na siya nakapagpaalam pa sa 'yo. Sobra na kung hindi ko rin iyon magagawa. Kaya nakiusap ako sa kanilang lahat na ipagpaliban ang execution hangga't hindi ka pa dumarating. I've missed you so, son. Ang tagal rin nating hindi nagkita. At nasasaktan akong isipin na nasa harap lang kita ngayon pero hindi pa kita mapuntahan at mahawakan man lang.
"You have to live long and well for Hedia, Nickolai. Huwag mong pababayaan ang mga pamilyang umaasa pa sa atin. Ikaw na lang ang nag-iisang Connell na magiging sandalan ng mga mamamamayan natin. Huwag mong isipin na iniwan ka naming lahat. Lahat naman tayo ay daraan sa ganito at mamamatay. Nauna lang ang papa mo at iba nating mga kamag-anak. At mauuna na rin ako. Our bodies may die, but our hearts and thoughts will remain with you."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...