Chapter Twenty-Four

344 22 0
                                    


"She was sad and lonely that's why she was desperate to make others happy, believing that it would make her happy as well. Hindi ligtas ang pakiramdam niya. That's why she tries so hard to protect others, believing that she would feel at ease through that. She was that selfless. Ang mga bagay na ginagawa niya para sa iba, iyon ang mga bagay na gustong-gusto niyang maranasan. At gustong-gusto ko rin iyong iparanas sa kanya. But happiness just seems to be out of our reach these days. In these struggling times, to be genuinely happy is like a miracle to all of us." –NC

Two years later...

"ORIS, kindly remove all the food on the table. We will eat whatever Nana Isobel will serve us. It may be simple, but at least, it's safe."

Nahinto si Cinaris sa akmang pagsubo ng pagkain nang biglang agawin ni Nickolai mula sa kanya ang hawak niyang mga kubyertos. Inilayo din nito ang plato niya. Napasulyap siya sa direksiyon ni Mikael na nakaupo sa tapat ni Nickolai. Nakatingin ito sa binata. Bumuka ang bibig nito para magsalita pero sa huli ay itinikom rin nito iyon at piniling manahimik na lang. Hindi na rin nito itinuloy ang pagkain. Sa tuwing nakikita niya ang dalawa, hindi niya maiwasang makadama ng lungkot at panghihinayang. The two men were more than bestfriends before. They were brothers at heart. But now, they were just two strangers sharing a table.

Hindi nagtagal ay tumayo na rin si Nickolai at tinulungan si Oris na alisin sa mesa ang lahat ng pagkain na dinala ni Mikael para sa kanila sa umagang iyon. Dinig na dinig pa nila ang pag-uutos ng binata kay Oris na itapon ang mga iyon sa basurahan. Nang bumalik ito ay siya ang sumunod na hinarap.

"I do understand your courtesy, Cinaris." Mahinahon nang sinabi nito. Mula nang malaman nito ang tunay niyang pangalan ay iyon na ang parating itinatawag nito sa kanya. Tuwing kinakausap siya ni Nickolai ay awtomatikong nawawala ang talim sa likod ng boses nito at bumabalik sa dati ang kulay ng mga mata nito. "But you should also understand that not everybody deserves it. What's mine is yours. Once the final battle is over, you will become Icrabet's amiirad. That's why you should screen your visitors thoroughly. Hindi ka dapat basta-basta nagpapasok dito nang kung sino-sino lang.

"To be honest, wala ka nang dapat na papasukin pa dito sa castle. Ang lahat ng mga taong kakailanganin mo at siguradong mapagkakatiwalaan mo ay naririto sa loob. At wala sa labas." Dere-deretsong dagdag ng binata pagkatapos ay madilim ang anyong sinulyapan si Mikael. Ang mga mata nito ay muling nag-iba ang kulay. Malinaw na nagbababala ito sa dating kaibigan bago ito walang lingon-likod na lumabas na ng kusina.

"I'm sorry." Mahinang sinabi ni Cinaris kay Mikael pagkaraan ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.

"It's okay." Mahina ring sagot nito habang ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa likod ng papalayo nang si Nickolai. "Naiitindihan ko ang pinanggagalingan ni Nick. Pero maniwala ka sanang mula nang malaman kong may naglalagay ng lason sa mga pagkain na dinadala ko dito, nag-ingat na ako nang husto. I was the one who had been preparing all the food that I bring here. I had to learn how to cook, para makasigurong hindi na mauulit pa ang nangyari dati. I will never intentionally hurt anyone, Yna, most especially my bestfriend. Ever since Nana Licia and Coreen died, hindi na ako natahimik pa. I regret it every single day. I regret ever trusting my staff to prepare the food for me. Kahit na kailan, hindi ko naisip na posible silang gamitin ng mga kalaban para mapabagsak kayo."

Guilt and shame crossed Mikael's eyes. "But believe me, all of those servants had been beheaded." Galit ang sumunod na bumakas sa anyo nito. "Walang kapatawaran ang ginawa nilang pagtatraydor sa akin at sa tangkang paglason sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko pati na sa dalawang buhay na nawala nang dahil sa kanila."

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon