"I wish I had given him even the slightest assurance that there was nothing to fear about tomorrow. Because he could trust my heart. But I failed to give him that. That's when I realized that time was one of the deadliest things on Earth. There are many things I wish I had done. But time was among our many enemies. It was also among the many things I constantly lacked." –Yna
"A RAVEN came by this afternoon. May hatid iyong sulat mula kay Krea. Ang sabi ay nabalitaan raw nilang nakatakdang muling umatake sa Prorian ang mga tauhan ng mga opisyal sa loob ng limang araw. They asked for a back-up. Kung pwede lang ay ako na lang sana ang pupunta doon. But I need to protect the borders here and to train our soldiers."
Kumunot ang noo ni Cinaris sa naalalang sinabi ni Nickolai. Nang sumenyas siya sa mga kasamahan ay sabay-sabay nilang inihinto ang kani-kanilang mga kabayo. Prorian was a four-day journey from Hedia. Dahil hindi pa siya nakakapunta sa kahariang iyon ay hindi niya nagamit ang kakayahang makapag-teleport. Kaya sumabay siya sa dalawampu't apat na pinakamahuhusay na mga sundalo ng Hedia na ipinasama sa kanya ni Nickolai matapos niyang mag-volunteer na siya na lang ang pupunta sa Prorian. Dahil hindi pwedeng muling mawalan ng madax ang siyudad.
Tatlong buwan pa lang ang nakalilipas mula nang makalaya sila ng binata. Sa loob ng mga panahon na iyon ay tuwing umaga sa hapag niya na lang nakikita si Nickolai at tuwing gabi bago sila matulog. Ganoon ito kaabala. Araw-araw ay nasa magkabilang panig sila ng borders para masigurong hindi sila basta-basta mapapasok ng sinoman. Nakapagtatakang tahimik pa ang lahat. Matapos nilang makalaya ay wala pang nagtatangkang muling sumalakay sa Hedia. If the enemies were giving them time, they realized they had to make the most of it. Kaya habang binabantayan ang borders ay sinasanay ni Cinaris ang mga kababaihan sa paggamit ng espada para magawa ring maipagtanggol ng mga ito ang kanya-kanyang sarili sa oras ng kagipitan lalo na at ang mga sundalo nila ay mahigit isang libo lang ang bilang. May mga nadagdag man doong volunteers mula sa mga mamamayan pero ilang daan lang. Kulang na kulang pa rin kompara sa dami ng bilang ng mga taong kailangan nilang protektahan, in case a war break out.
That was the reason why Cinaris was reluctant to leave the city at first. But she was overwhelmed upon realizing that Nickolai still cared for the previous boqor's sister. Ginusto niyang tumulong dahil umaasa siyang sa ganoong paraan ay matutulungan rin ang binata na maghilom. Isa pa ay natuwa rin siya nang malamang buhay pa pala si Krea. Ang akala niya ay totoo ang bali-balitang namatay ito noon kasama ng buong pamilya nito.
Pero mukhang nalinlang sila. Prorian was like a ghost town now. Sira-sira ang mga kabahayang nadaanan nila, nagtumbahan ang mga poste, puno at ngayon ay nasa harap sila ng gumuho nang kastilyo doon. Everywhere they looked, there were corpses. Kung iyon ang pagbabasehan ay lumalabas na ilang buwan o siguro ay taon na mula nang lusubin ang kaharian. Dahil ang balita nila noon ay halos magkasunod na pinabagsak ang mga Connell at si Krea. Wala silang nasalubong na ni isang tao na nabubuhay pa roon. Malansa sa paligid dala ng dugo ng mga naroon na humahalo sa hangin.
Hindi nagtagal ay may narinig si Cinaris na paparating. It was a raven. Nakipag-unahan sa kanya si Dinfar, ang isang kasamahang sundalo na mahuli iyon. Pero dahil mas mabilis ay siya ang naunang nakahawak sa ibon. May hatid iyong panibagong mensahe.
Lumapit sa kanya si Dinfar na pinakamatanda sa mga naroon. "Miss Cinaris, sa palagay ko ay maigi nang ako ang unang makabasa niyan. Anoman ang nilalaman ay sasabihin ko na lang sa in-"
"Why does it matter to you so much?" Nagdududa nang tanong niya nang magkatinginan ang mga sundalo na para bang may nalalaman maliban sa kanya. "Pareho lang naman ang kalalabasan, 'di ba?" Patuloy niya sa wikang Icra. "Maliban na lang kung may isa sa atin na babaguhin ang nilalaman ng mensahe. At malabong ako iyon."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Übernatürliches(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...