"She's an arrogant troublemaker. She would listen to a guard or to a slave, but not to a government official. She would smile to a kid, would salute to an old man, but would glare at a madax amiir. And maybe that's her charm." –NC
"WAAN ka xumahay. Mahadsanid. Nabadgelyo."
Naipilig ni Cinaris ang ulo nang marinig ang mga sinabing iyon ng nagtatagong dalagita sa kanyang likuran. Ito ang sinagip niya kanina. Those words in Vitera meant, "I'm sorry", "thank you" and "goodbye", na para bang tinatanggap na nito ang kapalaran. Disoriented na natutop niya ang noo para pigilan ang patuloy na paglalakbay ng kanyang isip na dala pa rin ng kanyang naiibang karamdaman.
She wasn't born weak. But Cinaris suddenly began having illness when she was twenty-three. And she had been enduring that for nine years now. Pasumpong-sumpong iyon. Minsan ay isa o dalawang beses sa isang buwan kung makaramdam siya ng matinding pagkahilo, panginginig, pagsusuka at pagdurugo. Pero may mga sandali ring lilipas ang tatlong buwan o higit pa na hindi siya nagkakasakit. Ilang manggagaway na ang nalapitan noon ng kanyang mga magulang para magamot siya. Pero hanggang sa namatay ang mga ito ay walang nahanap na lunas para sa kanya.
"If you're really grateful, then do me a favor. I'm still not feeling well at the moment. Sa palagay ko ay hanggang isang oras lang ang kayang itagal ng katawan ko ngayon. That's why I will try to finish those jerks within a couple of minutes. Ipinapangako ko sa 'yo na makakalaya tayo bago ako mawalan ng malay uli." Bahagya pang namamaos na sinabi ni Cinaris nang humarap sa dalagita matapos bumagsak ng Impundulu dahil sa arrow ng isa sa mga amiir sa isang panig ng construction site. "But after an hour or so, I might pass out again. When it happens, I want you to stay with me until I wake up. Can you do that?"
Pumatak ang mga luha ng dalagita bago sunod-sunod na tumango. Bakas pa rin ang takot sa anyo nito. Hindi niya alam ang kabuuan ng mga nangyari kanina. All Cinaris knew was that she passed out even before the guards were able to take her. Her cloak must have been removed from her when the guards dragged her to the carriage. The cloak prevented people from seeing her natural state. Pero ngayon ay kitang-kita na ng lahat ang pagkinang niya.
Makalaya lang siya mula doon ay ang mga kumuha sa kanyang cloak ang una niyang pupuntahan. She needed to have it back. That cloak was everything to her. Hindi lang iyon basta pantakip niya. It held a mixture of both sweet and painful memories to her. Tuwing suot niya iyon, pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa. At yakap-yakap pa rin ng taong pinangungulilaan niya nang sobra.
Nang magkamalay siya kanina dahil sa iyakan na mga naririnig ay nasa loob na siya ng isang malaking carriage kasama ng iba pang mga kababaihan. Ipinaalam sa kanila ng kawal na nahatulan na daw sila ng mga amiir. And it was through a toss coin. Ganoon ka-useless ang mga simpleng mamamayan sa kahariang iyon. A simple coin could dictate the fate of so many people's lives. Ang mga naroon ay nararamdaman ni Cinaris na inosente din. Ang ilan sa mga babae ay napilitan lang daw magnakaw dahil hindi pinasusuweldo nang tama ng pamahalaan sa kanluran. Habang ang iba naman ay napilitang lumaban dahil sa pangmamaltrato ng mga mayayaman.
Pinilit itago ni Cinaris ang nararamdamang galit. Matipid siyang ngumiti sa dalagita para kahit paano ay mapagaan ang kalooban nito. "You have endured a lot for today. Huli na ito. Trust me."
Nang muling tumango ang dalagita ay bahagya niyang ginulo ang buhok nito. Kinuha niya ang arrow na bumaon sa dibdib ng pinatay na Impundulu ng isang amiir. Binali niya iyon sa dalawa, nilagyan ng mahika, saka ibinato sa dalawa ding paparating na mga bampira. Sapul ang mga ito sa leeg.
Nang bumagsak ang mga iyon ay hinila niya na ang dalagita papasok sa isa sa mga itinatayong bahay. Binuksan ni Cinaris ang namataang pinto doon na sa palagay niya ay banyo. Bago pa man makapagtanong ang dalagita ay itinulak niya na ito papasok saka niya pinitas ang petals ng mga bulaklak na nakapaikot sa kanyang palapulsuhan. Inihagis niya iyon sa direksiyon ng pinto na magsisilbing proteksiyon para hindi magalaw ninoman ang dalagita. Kakailanganin niya ang tulong nito mayamaya. Kaya kailangan ding maprotektahan niya ito nang husto ngayon.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Fantastique(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...