Chapter 19

452 20 1
                                    


"The human heart, I realized, is the biggest and the toughest battlefield there is in the whole world. Once you begin to love, it would be an everyday battle, an everyday question, and an everyday decision whether to continue fighting or to surrender. And it was messier than most battles because it can make you bleed three times more than the sword. Parehong masakit, sa sobrang sakit, minsan ay nakakalito na rin. Kaya ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko. Saan ba ako mas nasasaktan? Sa pagkapit? O sa pagbitaw? And oftentimes, the answer tends to hurt more." –Yna

"DAHIL ang pinili n'yo ay consequence, may ipapagawa kami sa inyo, kamahalan. Pero 'wag kayong mag-alala. Sisiw lang ito sa inyo. You've always been formal, madax Aden. That's why as your consequence, we want you to crack a joke for all of us."

Muling nagsalin ng alak sa wineglass si Cinaris nang marinig ang hirit na iyon ni Oris kay Aden habang nagkakatuwaan ang mga ito sa truth or consequence na natutunan raw mula sa mga bisitang mortal sa festival. Kay Aden tumapat ang nguso ng pinaikot na bote kaya ito ang sentro ng atensiyon ngayon ng mga naroon.

Ngayon na lang nakabalik si Nickolai sa East Castle dahil isang linggo itong nanatili sa Tienne Aires. Humingi ang binata ng pabor na magsama-sama silang lahat sa garden ng kastilyo bilang farewell party nito bago umalis ng Slavia. Dahil kinabukasan ay nakatakda na itong bumalik sa Icrabet. Pero bago iyon ay dadaan daw muna ito ng Tienne Aires dahil sa hiling ng ninong nitong Boqor saka ito maglalakbay pabalik sa kaharian nito. Kahit si Mikael ay naroon din nang gabing iyon.

Iyon na rin ang huling araw ni Cinaris sa kastilyo. After a week, Aden finally granted her request to leave the castle. Hindi na sila nakapag-usap pa ng binata. Ang papeles na nagsasaad na malaya na siya mula sa pagiging sundalo ng madax ay kay Jarin na lang nito ipinabigay sa kanya. Nagkasundo na rin sila ni Dani. Ginusto nitong sumama sa kanya pero pinakiusapan niya itong manatili na lang sa silangan. Naniniwala pa rin siyang mas ligtas ito sa poder ni Aden. Madali niya na itong napapayag dahil sa boyfriend na nito ngayon na si Jarin.

"Come to Icrabet with me, Yna. Sa lugar na iyon, hindi ka magiging sundalo o ano pa man. You will be treated as a guest there. Walang manggugulo sa 'yo doon. Malayo ang Viteron doon kaya hindi ka maaabot ng mga galamay ni Egon. You will live a peaceful life there, I promise." Naglaro sa isip niyang sinabi ni Nickolai kanina nang personal na puntahan siya nito sa kwarto niya.

And Cinaris agreed. Iyon na ang pinakamadaling paraan para makarating din siya ng Tienne Aires. Pero hindi niya na ipinaalam pa kay Nickolai na hanggang sa lugar na iyon lang siya makakasama. The latter was her first ever friend in that realm. At nakokonsensiya siyang paasahin ang binata lalo na at alam niyang may nararamdaman ito para sa kanya. Pero ipinangako niya sa sariling tatapusin niya na ang lahat pagdating nila ng Tienne Aires.

"Your highness?" Halos magkasabay na untag nina Dani at Oris sa natahimik na si Aden. Ngayon lang nagpaunlak ang huli sa ganoong bagay kaya sinasamantala ng dalawa.

Mayamaya pa ay ngumiti ang binata at sa pagkasorpresa ni Cinaris ay humarap sa kanya. Malakas na tumikhim ito. "Alam mo bang mas nasasaktan ako kapag nasa malapit ka lang? Dahil alam kong hindi iyon magtatagal. Lalayo ka uli. And I want to hate you so badly for breaking my heart, but I couldn't. Dahil mahal kita, Yna, mahal na mahal. Mula nang dumating ka dito sa castle, araw-araw, excited akong bumangon. Kasi alam kong nasa paligid-ligid ka lang, nasa lugar na madali kong maabot. Kahit pa puyat o pagod ako, magmamadali akong babangon at magbubukas ng bintana tuwing alas-cuatro ng umaga para makita ka. Dahil gano'n ang oras ng paglabas mo. You would sit near the fountain and gaze at the sky everytime.

"Tapos lalabas ako at mapapadaan kunwari. And then you would approach me and greet me a good morning. At buo na ang umaga ko. Pagdating ng tanghali, pinipilit kong makabalik kaagad sa office dahil alam kong nandoon ka. At dahil gusto kong makasabay ka sa lunch. You would offer me your food again. And I really hate your lunch, Yna. They taste horrible." Napailing si Aden. "Pero gusto ko pa ring kinakain ang mga iyon kasama ka. Kahit pa nagkaka-indigestion ako pagkatapos. I had to ask my staff every afternoon to send the documents near the training room so I would have an excuse to pick them there and to have a glimpse of you there. And every night, I would open the window once again because I knew you love looking at the night sky. Nasa kabilang panig ng castle ang kwarto mo. Pero alam kong nakatingin ka rin sa tinitingnan ko. Nahuhuli kitang madalas na ginagawa iyon. I felt like looking at the same thing was a way to connect with you. And I wanted so badly to connect with you."

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon