"IF YOU are really as grateful as you said, then can I ask you a favor, young man? Once you wake up, you will see my daughter crying. Can you wipe her tears for me? Can you embrace her for me?"
Ang mga sinabing iyon ng nagpakilalang ina ni Yna ang agad na pumasok sa isipan ni Aden nang magmulat siya. Gaya ng sinabi ng ginang ay nadatnan niyang lumuluha ang anak nito. Sandaling pinagmasdan niya ang dalaga. Akala niya ay hindi na muli pang mangyayari na matatagpuan niya ito at ang kanyang sarili sa iisang lugar at magkasama.
Nang humarap sa kanya si Yna at nakita siya ay nanlaki ang mga kamay nito.
"Hello again, love." Ngumiti si Aden. "I've met your mother. She gave me her chance to live." Namamaos na sinabi niya bago tumayo. "Ayoko sanang gawin dahil gusto kong makasama mo rin siya. But she insisted that I will be able to help you more than her." Tumayo siya at marahang pinunasan ang mga luha ng dalaga kasabay ng masuyong pagyakap rito. "In return, she asked me to do this for you."
Lumakas ang pag-iyak ni Yna. Napahugot si Aden ng malalim na hininga kasabay ng paghalik sa ulo nito. Nang maramdaman niya ang pagganti nito ng yakap sa kanya ay naipikit niya ang mga mata. For a long time, he felt like he was just traveling through space. Pero naririnig niya lahat, kabilang na ang boses ni Yna at ang mga sinasabi nito sa kanya. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit ganoon ang nangyari. Dahil noon pa man ay nagdadalawang-isip na ang ina ni Yna na bumalik dahil sa kanya. Sinagip siya ng ginang para hindi siya mapunta sa ibang lugar na dapat ay matagal niya nang napuntahan.
Aden wanted to come back. He wanted to live even an hour more just to be able to wipe Yna's tears. Gusto niya pang makasama ang dalaga kahit na sandali. Pero sakali mang hindi iyon mangyari ay nakahanda na siyang makasama rin ang kanyang ama at kapatid. But destiny, as always, had another plan.
"Your mother told me to do what my heart wants to do. That's why here I am... and I'm going to love you for the rest of your life." Bulong ni Aden. Nang sandaling humiwalay sa kanya si Yna ay para bang hindi pa rin makapaniwalang pinagmasdan nito ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi.
"I love my mother. And I love you, Aden. I love you both so much."
Natigilan siya. Parati siyang tinatanong ng mga taong malapit sa kanya kung paano nangyaring mula noon hanggang ngayon ay iisang babae lang ang nagawa niyang mahalin. But they would never understand the fact that this woman who was standing before him once again was his true realm. Wala siyang ibang ginustong puntahan kundi ang mga bisig nito na kapayapaan at katahimikan ang kahulugan para sa kanya. Each time he would think about love, her name would automatically pop in his mind. Because she was love. At kung kalilimutan niya ito ay para niya na ring kinalimutan ang kanyang puso.
As life went on, as struggles goes on, one would realize that love was a choice. And Aden chose to spend most of his life living in the beautiful memories they spent together. Nang muli silang magkita ni Yna ay muli rin nitong pinatibok ang kanyang puso na parati lang naghihintay sa pagbabalik nito. Pero maya't maya silang sinusubok. At maya't maya ring pagmamahal ang pinipili niya. Dahil sa bagay lang na iyon niya nararamdaman ang totoong saya. Pain was a proof of their love, of how much they fought for it. And now, he found himself proud even for the pain that they felt and endured.
Dahil hindi lang siya ang pumili sa pagmamahal, ang pumiling masaktan. Yna chose to love him as well, to still love him even when temptation was all around her, na ilang beses na sumubok sa paniniwala nito sa pagmamahalan nila. Nang mga sandaling iyon, alam ni Aden na hindi na magiging isang ulan lang ang dalaga sa buhay niya. Hindi na ito magiging panandalian lang.
Kinintalan niya ng halik sa mga labi ang dalaga. "And I love you, too, Yna, so much that I'd do everything for you."
"GUSTO mo siyang makita? She's right there. Your mother said that everytime you want to see her, you just have to look at your reflection in the mirror, at makikita mo na siya. Because she is you. And you are her."
Nangingilid pa rin ang mga luhang hinaplos ni Cinaris ang sariling reflection sa salamin. Nang ngumiti siya, pakiramdam niya ay nakita niya na rin ang matamis na pagngiti ng kanyang ina. Thank you, mom. Thank you so much. But I will help you, too. Wait for me. We will see each other one day, I promise you that. Naisaloob niya.
Niyakap siya ni Aden mula sa kanyang likod. "You can still fly as much as you want to and as far as your heart wants to, Yna. Your safety net will just be right here when your wings become tired."
Umiling si Cinaris. "If I'll fly, I'll make sure you're with me. We'll soar together, love."
Marami pang mangyayari. Puno pa ng walang kasiguruhan ang bukas. Pero buo na uli ang loob niya. Nakahanda na uli siya. If she was a warrior, that's only because of the love of the people around her. She was a warrior because they made her strong. Kung marami man siyang nagagawa, iyon ay dahil sa mga ito. At isang araw ay ibabalik niya ang pabor.
WAKAS
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...