Chapter Four

623 42 4
                                    


"Her tongue is as sharp as her sword. Every time she opens her mouth, people could either bleed or die by her words. I'm surprised I'm still alive." –NC

"SAEMIS..."

Natigilan ang labing-walong taong gulang na si Dani sa narinig at sa nakitang pagpatak ng luha ng kanyang superhero. Iyon ang lihim na itinawag niya sa estrangherang naglakas-loob na tumulong sa kanya sa pamilihang bayan ilang oras na ang nakararaan. Sinundo siya nito mula sa bahay na pinagtaguan sa kanya at tinupad ang pangakong ililigtas siya at makakalaya sila.

Ginamit nila ang itim na kabayo na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan. May manipis na asul na telang nakapaikot sa leeg niyon. Nakaburda doon ang pangalang Nickolai Connell. Sigurado si Dani na narinig niya na ang maharlikang pangalan na iyon. Hindi niya nga lang matandaan kung saan. Dahil sinanay sila sa kanluran na ang tanging amiir na kinikilala ay si Egon Dalmarn. Bali-balitang ayaw na ayaw nitong naririnig ng mga mamamayan ang pangalan ng ibang mga amiir lalo na ng madax amiir mula sa silangan dahil noon pa man ay pangarap na nitong maabot ang posisyon na iyon. Pero hindi ito ang pinili ng sariling tiyuhin na alam ni Dani na ikinatuwa ng marami. Dahil kung mauupo si Egon sa puwestong iyon ay tuluyan nang mawawalan ng pag-asa ang mga mahihirap sa buong Viteron. Siguradong kung paano nito pinamamahalaan ang kanluran ay ganoon din ang gagawin nito sa buong kaharian.

Slavia, on the other hand, which was Viteron's city, was everyone's dream place. Usap-usapan ang maganda at makatao raw na pamamalakad ng madax amiir sa silangan. Pero hindi sila makalipat doon. Dahil mangangailangan ng napakamahal na boundary pass na para sa mga gaya ni Dani ay halos buong buhay niyang dapat na pag-ipunan. Walong gintong barya ang hinihingi sa kanila ng gobyerno ng kanluran bago makalipat.

Nang marinig ang paghikbi ng estranghera ay bumalik dito ang atensiyon ni Dani. Naging madali para rito ang mapaamo ang kabayo. Nang tanungin siya nito kung saan niya gustong magpunta ay walang pag-aatubiling ang Slavia kaagad ang sinabi niya. Kaya nagplano silang magbiyahe papunta doon. Inangkas si Dani ng kanyang superhero. Pero mahigit kalahating oras pa lang silang naglalakbay nang bigla na lang itong nahulog mula sa kabayo. Nawalan na ito ng malay at hindi pa rin nagigising hanggang ngayon. Namumutla ang estranghera, mataas ang lagnat at mukhang nagdedeliryo. Dahil paulit-ulit ito sa pagtawag sa kung sino mang nagngangalang Saemis.

Nag-aalalang pinunasan ni Dani ang mga luha ng estranghera na hindi niya na naalalang itanong pa ang pangalan dahil sa pagmamadali nilang makaalis sa construction site. Kasalukuyan silang nasa lilim ng isang malaking puno. Pinaghirapan niya itong dalhin doon at pinahiga sa kanina ay simpleng lupa lang. Pero para bang matapos malaglagan ng petals mula sa ulo nito ay agad nang nagkaroon ng mga naggagandahan at humahalimuyak na puting mga bulaklak sa paligid na halos pumulupot na sa katawan ng babae. Ang mga iyon na ang nagsilbing unan at bedsheet nito. Para bang may sariling buhay ang mga bulaklak. They seemed to embrace the woman in a very protective manner. At nakakamangha iyon... pero mas nakakamangha ang estranghera na kahit pa natutulog ay nagagawa pa ring magpakita ng mahika.

Natural na matatakutin siya. But the flowers reassured Dani. Kaya kahit pa sila lang dalawa ang naroon sa kalagitnaan ng gabi at sa kabila ng pagkalam ng sikmura ay nanatili siyang kalmado. Idagdag pa roon ang mahigpit na paghawak sa kanyang kamay ng estranghera. Inabot nito iyon kanina at hindi na pinakawalan pa na para bang tahimik na ipinaparamdam sa kanya na ganoon man ang kalagayan nito ay hindi pa rin siya dapat na mangamba. Despite their situation, Dani was able to feel comforted and needed.

Her superhero looked so calmed and tough earlier. Na para bang walang anomang bagay sa mundo ang kayang tumakot dito.

"How could you do that to me, Saemis? How... how could you hurt me that way? You're my first heartbreak, do you know that?" Patuloy ng estranghera sa boses na punong-puno ng sama ng loob.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon