"KAHIT alam mong tinraydor ka ni Dani, pumunta ka pa rin."
"Dahil alam kong matinding takot ang pinagdaanan niya para kailanganin niyang gawin iyon sa akin. Kilala ko si Dani. She treats me like a sister. She was just in love. And aside from me, Jarin is all she has." Mahinang sinabi ni Cinaris habang pinagmamasdan si Aden na nakasandal sa katawan ng puno ng mangga at nakapikit. Napag-alaman niya mula sa binata na totoong pinagbantaan ni Floran si Dani na papatayin si Jarin kapag hindi siya pinapunta sa Slavia. The wasiirka wouldn't hesitate to end Jarin's life. Binihag rin ito pero nasagip na rin daw ito at si Dani ng iba pang mga tauhan ni Aden.
Right now, they were on top of the hill. At mula roon ay tanaw nila ang buong Tienne Aires. Matapos manggaling sa kastilyo ni Floran ay inanyayahan siya ni Aden na umangkas sa kabayo nito at doon magpunta para magpahangin sandali. Ang mga tauhan nito ay nauna na pabalik sa pinakamalaking kastilyo sa lahat ng kaharian.
Hindi kaila kay Cinaris ang pagdadalawang-isip ng mga tauhan nitong umalis. They reminded Aden about his important meeting with the rest of the amiirs, that the latter suddenly cancelled that afternoon.
"It always amazes me how much you care for others, you know. And how much you could trust them with all your heart. At kung paano nangyaring hindi mo nalilimutan ang tungkol sa kanila. Pero ako, parang napakadali lang na nawala sa isip at puso mo." Mapait nang sinabi ni Aden. "You give everybody second chances like you're just giving candies to people. But you couldn't give that to me, could you? Each time you fight for someone, I get mix emotions, Yna." Nang dumilat ang binata ay rumehistro ang hinanakit at pagod sa magagandang mga mata nitong nagkakaroon lang ng emosyon sa tuwing humaharap sa kanya.
"I become proud but I do get a little envious. Napakaswerte ng mga taong sinasamahan mong lumaban. Tuwing nare-realize ko iyon, parang gusto kong sumuko na lang at magpadala na sa pagod sa sarili kong laban na hindi mo kahit kailan sinamahan. I could see questions in your eyes. But those questions will never be enough to pacify the pain inside me. Dahil siguradong mas marami pa rin akong tanong na kahit nandito ka, at kahit pa tungkol sa ating dalawa, hindi mo masasagot. Damn it, Yna." Naihilamos ni Aden ang mga kamay sa mukha. "Am I really worth forgetting, huh? Am I unworthy to fight for?"
Tumayo si Cinaris at tumalikod sa direksiyon ng binata nang hindi makayanan ang biglang pag-atake ng sakit sa kanyang puso.
"Aalis ka na naman? Then leave. But do me a favor. Unahin mo naman ang sarili mo, Yna. 'Wag puro iba. Mag-ingat ka naman." Napahugot ito ng malalim na hininga. "I will call my men to escort you so I can somehow be assured that you will be safe wherever you-"
"You won't stop me?"
"Do you want me to? Napapagod na rin akong nire-reject mo, Yna." Resignation was evident in his voice. "Don't ignore me. Involve me. Kapag ba sinabi ko iyon sa 'yo, gagawin mo?"
"Oo." Namasa ang mga mata ni Cinaris. Her whole life, she felt like she was in the middle of black and white. Nabago iyon nang makarating siya sa Slavia noon. Wala iyon sa plano. But she had never been happier. Because when she met Aden, she had found the colors. And they were beautiful. Walang nagbago sa mga tinitingnan niya. Pero gumanda ang paligid sa paningin niya dahil sa mga kulay na nawala nang muli silang magkahiwalay. Her life was back to being gray more than two years ago. And now, despite the heaviness in her chest, she welcomed the colors once more. How she missed them. How she missed Aden. Pero ngayon niya lang iyon nagawang aminin sa kanyang sarili. The loneliness and the yearning all stopped the second their eyes met back at the dungeon a while ago. Hindi pala sapat na kuntento lang siya sa piling ng iba. She wanted happiness, too. And only one person could give her that.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...