CrushMy life is a curse. I don't even know why I am still here, living in a cruel world. No one loves me. No one needs me, only my mother, father and my only sister.
Buti pa nga sila, eh. They're not my real family. I lost my real family when I was just...five? I can't fully remember. But because daddy Lance and mommy Odette cares for me, they treated me like their own. I was happy with them. Kahit kailan hindi sila nagkulang sa'kin. I love them, specially my younger sister, Summer. She's the sweetest and the cutest of all. And...I miss them. Walang araw at gabi na hindi ako naluluha sa t'wing naaalala ko sila. Kung pwede lang sana akong manatili kasama nila, sana hindi ako binabalot ng matinding kalungkutan. But because I needed space, I need to go somewhere far away from them.
Hindi mawawala sa ala-ala ko ang bawat panghuhusga ng mga kasing edad ko noong bata pa ako, kahit hanggang sa nag-high school na ako. Lagi nilang sinasabi na, ampon ako. Walang karapatan sa pamilya Medina dahil ang nanay ang dahilan kung bakit nasira sina mommy at daddy noon. Oh, sige. Siguro nga si mommy Vanah ang may kasalanan nang lahat, pero bakit idadamay ako? Wala akong alam doon. Kung pwede nga lang, sana hindi na lang ako dumating sa buhay nila. Sana hindi pinilit ni daddy na pakasal kay mommy Vanah noon. Hindi ko na sana kailangang maranasan ang ganito ngayon. But I know, God has a plan for me. I know everything will be okay.
"Iha, nakahanda na po ang almusal sa baba. Pinapatawag na po kayo ng tito n'yo." Adel said when she entered my room.
"Susunod na po ako,"
Sandali akong nag-ayos ng aking sarili at agad na nagtungo sa silid-kainan. Naabutan ko roon si tito Basty at tita Brianna kasama si Kassian.
"Good morning po," magalang kong pagbati sa kanila.
I went straight to tito Basty's direction and kissed his cheek, ganoon rin kay tita Brianna.
"Mornin', Kassian." I smiled to my cousin.
For years, nasanay na rin ako na sila ang kasa-kasama ko. Kahit na pareho silang mga busy, we spent times to hangout. Sobrang bait ng mag-asawa sa'kin, ni minsan wala silang sinabi na tungkol sa'kin. Tulad ng pagmamahal at pag-aalaga sa'kin ni daddy Lance at mommy Odette, ganoon rin ang ipinaparamdam nila sa akin. Minsan nga, nahihiya na ako, eh. Lalo na si Kassian, he's too good to be true. Kahit na madalas siyang wala, masasabi kong sobrang bait at mapagpakumbaba niya. He's working at their company, while he's older brother was abroad. Malamang ay abala rin sa trabaho.
"Anong plano mo ngayon, nak? May gagawin ka ba...o gustong puntahan," tanong ni tito.
Actually, may plano talaga ako. At 'yon ay ang pumunta sa bahay ng kaklase ko. We have a group project that should be finish by now. Kailangan na kasi namin itong maipasa by Monday. Bukas, Linggo, bawal ako dahil magsisimba ako. So, kailangan matapos 'yon ngayon.
"Pupunta po ako sa kaklase ko, may tatapusin po kaming project." I replied.
"Is that so,"
I nodded.
"Kassian, ipagmaneho mo na si Llana." tita Brianna asked her son.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi at agad nilingon ang pinsan. Tumingin din ito sa'kin at ngumiti bago bumaling sa ina.
"Why not, mama." he replied.
Hindi pa man tuluyang nauubos ang mga pagkain sa plato ng mag-asawa, agad na silang nagpaalam at tumulak sa trabaho kaya naman naiwan kaming dalawa ni Kassian sa hapag-kainan.
Sumulyap ako sandali sa kaniya at nakitang abala lamang siya sa pagkain at kahit na hindi nakangiti'y bakas sa kaniyang mga labi ang pagiging maamo at malambing. Bago niya pa ako mahuling nakatitig sa kaniya, minabuti ko na lamang mag-iwas ng tingin.
"Hihintayin na kita mamaya,"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling.
"You don't have to. Baka matagalan rin kami. Hindi mo rin ako kailangang ihatid kung may gagawin ka," I explained.
He smiled.
"I don't have things to do. I'll just bore myself staying here the whole day." he replied. "Ayaw mo bang samahan kita? May magagalit ba? Boyfriend?" he asked curiously.
Agad akong umiling sa kaniyang sinabi. I don't have a boyfriend. I didn't have a boyfriend, or even...suitors before.
"So...crush? Ayaw mong makita ko ang crush mo? You think i'll punch him on his face right?" he chuckled.
"Wala naman akong c-crush," depensa ko.
Nagkibit balikat siya at tsaka muling bumaling sa kaniyang pagkain.
Matapos kumain ay umakyat na ako agad sa aking silid upang mag-ayos ng mga gamit na gagamitin at naligo na rin at nagpalit ng aking suot.
I wear a dark blue skinny jeans with a white fitted shirt for my top and a rubber shoes.
Pagbaba ko sa hagdanan, nakita kong nakaupo sa sofa si Kassian habang naghihintay sa'kin. When he noticed me, agad itong tumayo at lumapit sa akin.
"Let's go?" he said while smiling.
Ngumiti lang ako at nauna nang maglakad. While on our way to my classmate's place, tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang mga puno sa bintana habang seryoso naman sa pagmamaneho ang aking pinsan. Hindi rin naman ganoon kalayo kaya't sa loob lamang ng halos kalahating oras, narating agad namin ang tamang destinasyon.
I was about to open the door when someone already did that for me. Nakangiting nag-aantay si Kassian sa aking pagbaba ng kaniyang kotse habang nakangiti.
"Thank you," I uttered when I went out of his car.
"Dito na lang ako maghihintay sa'yo," he said.
I looked at him.
"Seryoso ka ba talaga? You can go somewhere else...you know," I explained.
He shook his head.
"I won't go somewhere else, Llana. Unless...kasama ka. I promised mom and dad to take good care of you today. So, you go there, tapusin n'yo agad para maipasyal kita."
Gusto kong prumotesta pa, pero hindi ko na ginawa. Hindi na ako nakipagtalo pa sa pinsan. Knowing him, hindi siya basta-basta mapapasunod ng kahit na sino. He's a very stubborn man but, he's really a good person. He doesn't follow rules, he'll do what he wants, he'll get what he wants.
"Who is he?" Lexi, one of my groupmates asked.
"Who?" tanong ko habang nagpapatuloy sa ginagawa.
"That guy outside. Ang gwapo, ah. Boyfriend mo?" she asked curiously.
Napabaling ako sa kaniya at napakunot ang noo.
"No. Ano bang pinagsasabi mo. He's my cousin." I replied with an emphasis to the word cousin.
"Sus, cousin. You're not blood related, Llana. Pwede 'yon," singit ni Shamara.
Napapailing na lamang ako sa mga pinagsasasabi ng mga kaklase ko.
Suddenly, napatingin ako sa bintana. Nasilayan ko mula roon si Kassian na nakasandal sa kaniyang sasakyan habang kinukutingting ang kaniyang cellphone. I even saw how he put it inside his pocket and crossed his arms.
"Oh, akala ko ba pinsan," Lexi teased me.
"Oo nga. I'm just checking if he's still there." I defended myself.
Nagtawanan ang dalawa at tsaka bumalik sa ginagawa.
Muli ay binalingan ko ang lalaking nasa labas at napansing hindi na ito nakasandal sa kaniyang kotse. Hinanap siya ng aking paningin at nahagip din agad. May kausap ito sa kaniyang cellphone sa hindi kalayuan. Nakangiti habang kausap ang kung sinuman. I wonder if it is his girlfriend. Or, meron kaya siya 'non? Well, it's out of my business. I shouldn't care about his personal life. Because we're just cousins.