Sixteen.

5 0 0
                                    


Llana's point of view

Sunset

In this life, you'll fall in love twice.

Ang aking ama ang unang lalaking inibig ko. Siya ang una sa lahat; ang una kong naging guro, ang una kong naging kaibigan, unang tagapagtanggol at unang pag-ibig ko sa lahat ng lalaking nilikha sa mundo.

He could sacrifice everything for me and for our family because of love. At ganoon ang tunay na isang ama, hindi lamang bilang ama kundi bilang isang tunay na lalaki. He's the man so he'll do even the most horrible thing he could just to protect the family. And that what makes him not just a man, but also a father.

Ang masaya at matatag na pagmamahalan ng aking ina't ama ang lagi kong hinahangaan sa lahat. Ilang ulit man silang sinubok ng panahon, patuloy pa rin nilang pinaglaban ang isa't-isa. May kaunting kirot sa aking puso dahil sa larawan ng aking ina na halos magmakaawa para sa pag-ibig ng lalaking hindi naman para sa kaniya. Pero ganoon naman sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay isang laro. Minsan panalo ka, minsan rin nama'y tila kay bigo.

Nangako ako noon sa sarili ko na kung iibig ako, sa lalaking sigurado ako. Sa lalaking handa akong samahan sa pagtanda ko. Lalaking handang lumaban kasama ako. Isang lalaking tulad ng aking ama na kahit minsan nang nagkamali, sa huli'y mas pinili pa rin ang babaeng tunay na nilalaman ng kaniyang puso.

For now, I was still unsure with him. Hindi ako sigurado kung handa ba siyang makasama ako at lumaban kasama ko hanggang sa pagtanda. Hindi ako sigurado na tulad nga siya ng aking ama. Dahil hindi naman pare-pareho ang mga lalaki. Pero isa lang ang sigurado ako. Sigurado ako sa nararamdaman ko para sa lalaking kasama ko ngayon.

Sa pag-ibig walang basehan kundi ang tunay na nararamdaman lamang. Lahat ng panagko mo sa sarili mo at lahat ng gusto mo para sa lalaking mamahalin mo, lahat ay magbabago. Dahil puso ang magdidikta. I'm willing to take all the risk for love.

"Sa t'wing ganito ka at malalim ang iniisip, kinakabahan ako. Dalawang bagay lang naman ang kinababahala ko. Una, iniisip ko na baka masyado na kitang nagugulo. At ang pangalawa, baka dahil sa unang dahilan, magdesisyon ka ng tigilan 'to." he said with his eyes closed.

My lips parted as I looked into his face. Nakaupo ako ngayon sa likuran ng kaniyang pick up habang siya nama'y nakasandal lamang.

Bumaling ako sa dulong himpapawid kung saan nangingibabaw ang kulay kahel sa paligid ng papalubog na araw.

"Hindi pa ulit ako natakot ng ganito." ngayon, unti-unti niya na akong hinarap. "Noon, natakot ako na baka tuluyang malayo sa'kin ang nag-iisa kong kapatid. You have no idea how scared I am that time," pagkukwento niya.

"Nate-" he interrupted me as I tried to soothe him.

Bigla ko na lamang naramdaman ang kaniyang mainit na mga palad sa magkabila kong kamay. Holding it so gently.

"But now...only the thoughts of lossing you scares me, baby. My vision of you running away from me kills me. And I won't let that happen." the sincerity in his eyes were visible.

Nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata ngunit naunahan ito ng isang salitang hindi ko inaasahang masasambit ko sa ganitong sitwasyon. I've always dreamed of saying yes in the middle of the crowd  while the man who's waiting for my answer was kneeling or waiting for me with a bouquet of my favorite flowers patiently. And also, with our parents consent. With them watching us with tears in their eyes. Pero siguro ganoon talaga. May mga bagay na nangyayari sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi naman laging makukuha ang ating gusto. At minsan, ang mga bagay na nangyayari nang hindi inaasahan ay mas mahalaga at nagtatagal kaysa sa inaasahan.

"Tayo na," I said with a tearful eyes.

Nagulat siya at napako sa kaniyang kinatatayuan. Nakita ko ang pagbagsak ng isang mumunting luha mula sa kaniyang mata.

"A-anong sinabi mo, Llana?" tanong niya, hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang narinig.

"A-ang sabi ko, t-tayo na. Boyfriend na kita,"

The moment I finished my words, agad niya akong niyakap ng mahigpit. Isang yakap na punong-puno ng pagmamahal at sinsiridad.

I heard him crying at my back. Mahina man, rinig ko pa rin ang mahina niyang pag-iyak.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang likuran at bumulong.

"Simula ngayon, wala ka ng dapat ikatakot. Hindi ka na rin dapat mangamba dahil hindi na ako lalayo sa'yo. Simula ngayon, iyong-iyo lang ako. At hindi ako mawawala sa'yo." I assured him.

Hanggang ngayon ay may takot pa rin sa puso at isip ko pero hindi ko ito babanggitin sa lalaking mahal ko. Kailanma'y hindi mawawala ang takot kahit na saang relasyon, pero habang sabay kaming lalaban ng lalaking mahal ko, alam kong magiging maayos ang relasyong aming binuo.

I leaned on him. Ngayon ay pareho na kaming nakaupo sa likuran ng kaniyang sasakyan habang pinapanuod ang magandang paglubog ng araw.

"You're as beautiful as the sunset, baby." sambit niya sa gitna ng katahimikan.

Nag-angat ako at tumitig sa kaniyang mukha na ngayo'y titig na titig na rin sa akin.

"Thank you," I smiled.

He smiled while shaking his head.

"Thank you, talaga?" he chuckled.

My brows furrowed as I pouted my lips.

"Hmp! Ano ba dapat?" I asked curiously.

Napaisip ako sandali. Ang gusto niya bang marinig ay...

"I love you?" It wasn't a statement but more likely a question.

"I love you, too, girlfriend." he replied with a smile and caressed my cheek.

"Haha. Girlfriend, talaga?" ginaya ko ang ginawa niyang pagtatanong pero natigilan ako at nag-init ang pisngi sa kaniyang naging sagot.

"Wife, then?" he said cooly.

My eyes widened and my heart  keeps beating so fast.

He chuckled, again.

"Soon, baby. By now, hahayaan muna kitang enjoy-in ang buhay na nararapat para sa'yo. Susuportahan kita hanggang sa makapagtapos ka at hanggang sa maabot mo na ang mga pangarap mo. Sa oras na tapos ka na, sa oras na matagumpay ka na, pangarap ko naman ang tutuparin ko kasama ka...ang pakasalan ka."

"I love you," I whispered and hugged him tight.

Unti-unti siyang kumalas sa yakap at maingat na hinawakan ang magkabila kong pisngi.

His eyes darted on me. His arms snaked slowly around my waist, secured me on my place and pulled me closer into his body. His eyes remained on mine down to my lips while biting his and back to my eyes. I feel dizzy because of our distance. Nakakalasing din ang bawat titig na ginagawad niya sa akin.

The last thing I knew is, he leaned on me to kiss me on my lips.

Malinaw pa rin sa utak ko ang nangyari kanina. At hanggang ngayon, tila panaginip pa rin para sa akin ang lahat.

Saksi ang papalubog na araw sa lahat ng nangyari. Mula sa matamis na sagot hanggang sa unang tamis ng halik.

He may not be my first love in this life, but he will always be my last. And for sure, he is going to be my first in everything.

I was still dreaming about what happened this day when I heard a knock on my door.

Agad-agad kong pinagbuksan kung sino at bumungad sa akin si ang isang katulong.

"Ma'am, pinapatawag po kayo sa baba ni Ma'am Brianna." panimula nito.

Napawi ang ngiti sa aking mga labi at bigla akong dinaluyan ng kaba sa aking dibdib.

"A-ah, para saan daw po?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Dumating din po kasi si Sir Kassian kasunod si Ma'am Kelly."

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now