Thirty.

5 0 0
                                    

Llana's point of view

Enough

Napaluhod ako sa malamig na sahig dahil sa sobrang panghihina. Dala na rin ng sobrang pag-iyak.

I feel betrayed.

Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng mga taong mahalaga sa buhay ko at pinagkakatiwalaan ko.

What happened causes me too much pain, parehong sa puso't isip.

Kahit anong paliwanag, kahit anong pagsasabi ng totoo, kung walang balak maniwala sa'yo ang isang tao, mananatili itong bingi sa mga eksplenasyon mo.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak lang nang umiyak subalit nauubusan na ako ng luha sa kakaiyak.

Alam ko na walang kasalanan ang lalaking mahal ko. Ang nakita niya'y sadyang magdudulot ng sakit sa kaniya na maaaring maging dahilan ng galit sa puso niya.

Naiintindihan ko ang galit niya.

Pero ang hindi niya man lamang ako bigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ang hindi ko maintindihan. Hindi ko rin kayang isipin na mas pinapaniwalaan niya pa ang kaibigang hindi ko alam kung kaibigan nga bang talaga.

Bakit kailangan siyang sundan ng babaeng 'yon? Bakit hindi ako na kaibigan niya?

Lalo akong naiyak ng maalala ang kaniyang sinabi noon.

Sinabi niyang kaibigan lang ang tingin niya sa boyfriend ko, pero bakit ngayon hindi niya ako kinayang tulungan? Bakit mas pinaniwalaan pa nila ang kung ano lang ang nakita at naabutan nila?

Ngayon, nagsisimula na akong magtanong sa sarili ko. Kaibigan nga bang talaga si Katana? O may iba siyang agenda sa pagiging malapit sa akin? Para makuha ang taong pinakaimportante sa akin?

Ewan ko! Gulong-gulo na ako sa lahat. Hindi ko na alam kung sino pa ang paniniwalaan ko ngayon.

"K-kelly..." nanginginig ang boses ko nang tawagan ang isa pang kaibigan.

Walang-wala na akong matakbuhan ngayon. Alam ko na kung ikukumpara sa iba pang mga kaibigan, mas mapagkakatiwalaan ko siya.

"Why the hell are you crying, Llana Alexandria?" she answered her phone worriedly.

Kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Mula sa kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Dinetalye ko sa kaniya lahat pati ang paliwanag ni Kristofer. Pati na rin kung paano akong talikuran ng tinuturing kong kaibigan...at kung paanong hindi man lang ako pinakinggan ng sarili kong nobyo.

"Sinasabi ko na ba, eh!" naiirita niyang paghehestirya sa kabilang linya "Masama talaga ang kutob ko sa babaeng linta na 'yon, eh. Sinabihan na kasi kita, eh. Hindi ka naman nakikinig sa'kin. You're so stupid naman kasi, Llana, eh. Layuan mo ang bruhang 'yan, huh. Kundi ako mismo ang susundo sa'yo at ilalayo kita sa boyfriend mong isa pang shunga." dirediretso niyang sambit, hindi man lang ako pinapasingit.

I wanted to laugh.

Kung sino pa 'yong taong hindi ko inaasahang tutulungan at pakikinggan ako, siya pa ang karamay ko ngayon.

Minsan nagpapasalamat rin ako sa pagiging maldita niya. Nagigising ako sa sariling katangahan.

Naririnig ko ang malalim niyang mga buntong hininga. Kung ako hindi ko magawang magalit ngayon, siya tila galit na galit.

"Hindi ko ipinaubaya sa'yo ang lalaking gustong-gusto ko noon para lang hayaan mong agawin ng isang bruha, ng isang babaeng linta! I gave him up for you because you two deserves each other. At hindi deserve ng babaeng 'yon ang kapatid ng asawa ko...ang boyfriend ng kaibigan ko."

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now