Forty.

6 0 0
                                    

Llana's point of view

Alive

I got disappointed when his secretary told me that he left the country for a business trip

Like, seriously?

Kaya niya talaga akong tiisin ng ganito. Kaya niya talaga akong iwan kahit alam niya ang pinagdadaanan ko.

Wala na ba talaga akong halaga para sa kaniya? How could he left the country without even hearing my side?

Paniniwalaan niya na lang ba ang kasinungalingan kesa sa katotohanang sinasabi ko?

Sana hindi, dahil umaasa pa rin akong pakikinggan niya ako. Tama ang kapatid  niya, kailangan niya lang ng oras at panahon. Sana pagbalik niya, handa na siyang pakinggan ako.

"I'm sorry, ma'am." his secretary apologized, "Nakikiramay rin po ako sa pagkawala ng anak niyo," the man said.

I smiled bitterly and nodded on him.

Paglabas ng building, wala akong ibang maisip na puntahan. I've been preoccupied since we left their building. Then i noticed that we're leading back to the hospital.

"Bakit ka bumalik?" she shrugged her shoulders, "Wala akong ibang maisip na pwedeng puntahan. Since lumilipad  'yang isip mo, binalik ko na lang dito. Mas okay na rin para mabantayan natin ang kaibigan mo. Siya na lang ang natitirang alas mo sa ngayon." she replied.

Tinungo namin ang kwarto ng kaibigan subalit nang paliko na kami sa isang pasilyo, isang nurse ang nakabanggaan ko.

"Naku po," nataranta siya nang magkalat ang kaniyang mga dala-dala. "Pasensiya na po, ma'am. Hindi ko po sinasadya," she apologized while picking up those things she's carrying.

Yumuko ako para tulungan siya, "Hindi kasi nag-iingat." bulong ni Kelly.

Nang matapos damputin ang mga gamit na nalaglag, agad na tumayo ang nurse.

"Sorry talaga, ma'am." she apologized again.

This time, our eyes met. Bahagya siyang natigilan at namutla nang titigan ako kaya medyo natawa ako sa reaksyon niya.

"Haha. It's okay, hindi naman kita pagagalitan." paninigurado ko sa kaniya.

Siguro'y takot na mapagalitan. Hindi naman ako ganoon kasama para ipahiya ang isang taong nagkamali.

"S-sorry po ulit," her voice was shaking.

After she said that, nagmamadali siyang umalis palayo.

"She's weird, huh. Parang nakakita ng multo, eh." komento ng kaibigang nasa gilid ko, "Diyosa kaya ang mga nakaharap niya," she ridiculed.

I smiled and shook my head.

Kristofer was still unconcious. Wala kang ibang maririnig mula sa silid niya kundi ang tunog ng mga aparatong konektado sa katawan niya. Kung titignan mo siya, talagang maaawa ka sa kaniya.

Kahit na nagkalamat ang aming pagkakaibigan, kahit kailan naman ay hindi ko siya nakitaan ng pagiging isang masamang tao. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa kaniya ang ganito ngayon. Kung bakit nangyayari sa amin ang lahat ng 'to ngayon.

Naisip ko lang, nang ma-stuck kami sa suite ko noon sa resort, hindi kaya sinadya rin iyon? Hindi ako sigurado, wala ring pruweba pero hindi imposible, eh.

Someone wants to destroy us.

"Hm, Llana." nilingon ko ang kaibigan, "Kailangan ko muna kasing umuwi. Ito kasing si Kassian, hindi raw mapatahan si Kiel." paliwanag niya.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now