Llana's point of view
Careful
Pagdating sa napag-usapang lugar, agad kong hinanap ang direksyon ng kaibigan. Nakita ko siya sa may malapit sa bintana, mag-isa habang sumisimsim sa kaniyang baso ng juice. Nakatalikod ito kaya't hindi naramdaman ang pagdating ko.
She's in her deep thoughts. Mukhang malalim ang iniisip.
"Katana," tawag ko sa kaniya.
Agad itong tumayo at nilingon kung nasaan ako.
"Hey," lumapit siya para bumeso sa akin.
"Pasensya na, late ako. Traffic kasi, eh." I explained.
Umupo na kaming dalawa.
"No, it's okay." she replied with a sweet smile.
Sa mahigit isang taong pagkakaibigan naming dalawa, nakita ko kung gaano siya mapagkakatiwalaan. At first, noong makita ko siya noon sa factory, may kakaiba akong naramdaman sa kaniya. Pero nang mas makilala ko siya, gumaan ang loob ko sa kaniya.
She's a good friend to me. She helps me and she cares about me...about us. She's a firm woman. A well-educated woman with class.
Minsan nga, naiilang ako kapag kasama siya. Pero never naman niyang pinaramdam sa'kin na malayo ang pagkakaiba naming dalawa. Ayokong i-down ang sarili ko. Ibang-iba lang talaga siya sa mga babaeng tulad ko.
"Anong gusto mong kainin?" nakangiti nitong tanong.
Kahit na anak mayaman, makikita mo pa rin sa kaniya ang pagiging isang simpleng babae.
"Uh, ikaw na ang bahala."
Tumawag siya ng isang waiter at agad na sinabi ang mga pagkaing gusto.
"That's all." sambit niya sa lalaki matapos sabihin ang mga order.
Magalang na yumuko ang lalaki at agad umalis palayo.
"So, kamusta naman kayo? Pasensya na kung abala ako masyado at hindi ko kayo nabibisita. Ang dami lang talagang ginagawa, eh."
"Ayos naman, Katana. Naiintindihan ko," I replied while staring at her angelic face.
Minsan naiisip ko, paano kaya magalit ang isnag tulad niya. She's like an angel, even her voice. Mahinhin rin siya at napaka-caring, pero paano nga kaya siya mainis o magalit?
Biruin ko kaya siya para makita kung paano siya magre-react.
I grinned.
"How about your boyfriend. Kamusta na siya?"
Napangisi ako sa aking iniisip.
"Why do you care? Gusto mo ba ang boyfriend ko?"
Her lips parted and her face turns red.
Tinitigan ko siya ng mariin habang naghihintay sa kaniyang sagot.
Nagpakawala ako ng mahinang pagtawa at nalukot ang mukha niya.
"Oh, sorry, Katana. Nagbibiro lang ako." I apologized.
She looks offended pero pinilit pa ring ngumiti.
"Quite frankly, I'm offended by the accusations, Llana. Hindi magandang biro." seryoso niyang sagot.
"Sorry,"
She looked away.
"Kaibigan lang ang tingin ko sa boyfriend mo." she stated without looking at me.
Tumango na lamang ako.
I didn't mean to offend her. Nagbibiro lang naman ako, eh.
Nang dumating na ang mga pagkain, doon lang ulit siya umimik.