Llana's point of view
Wife
"I'll bring her home, tito."
Iminulat ko ang aking pagod na mga mata, at kahit nanlalabo pa ay pilit kong hinanap kung nasaan siya.
Umayos ako sa aking pagkakahiga at natanaw siya sa malapit sa may bintana, may kausap sa kaniyang telepono.
"I'm sorry, tito."
Mababa ang kaniyang boses. At kahit nakatalikod siya sa akin ngayon, alam ko at nararamdaman ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.
We feel the same way, but in his eyes, I was at fault.
He moved a bit and caught me staring. Huli na para magkunyari akong natutulog pa, imibis na mag-iwas ng tingin ay ngumiti ako sa kaniya. Isang pagod na ngiti.
He looked away and continued with his phone call. Mapait akong napangiti sa aking sarili. Ano nga bang aasahan ko, malamang ay galit pa rin siya.
"I need to end this call, tito. I'll call you back." bumaling ako sa kaniya nang ibaba niya ang tawag.
His eyes bore onto mine. Pagod ang kaniyang mga mata na namumungay. Naglakad siya palapit sa kung nasaan ako habang pinagmamasdan ko lamang siya. Nang tuluyang makalapit, doon ako muling naiyak at pumikit nang mariin.
Siguro dapat ko ng ihanda ang sarili ko sa maaari niyang desisyon. Sa nakita niya, maaaring kahit paliwanag ko ay hindi sapat para paniwalaan ako.
"P-patawarin mo a-ako." nanginig ang aking boses at tuluyang nag-unahan ang mga luhang hindi maubos-ubos. "P-please...hindi na kita pipiliting paniwalaan pa ako. P-pero sana patawarin mo ako..." I cried.
Nakita kong may pumatak na luha sa kaniyang mga mata nang muli ko siyang tignan.
"K-kung anuman ang magiging desisyon mo...t-tatanggapin ko...kahit pa kapalit noon ang sakit na mararamdaman ko." he remained silent. "Kung sa ganitong paraan mo ako mapapatawad, kakayanin ko. Kakayanin ko...dahil...m-mahal na mahal kita," mas lalo akong naiyak sa sinabi ko.
I am now catching my breaths. Sa sobrang sakit, halos hirap na akong huminga. Ganito pala kasakit 'yon, 'no? Ganito kasakit magmahal ng sobra at sa huli, ikaw lang din ang masasaktan. Loving a person too much means killing yourself. Sobrang sakit.
"P-pwede mo na akong i-iwan,"
"I promised your dad to bring you home." he replied.
Mapait akong napangiti.
Oo nga naman. And after that, pwede na niya akong iwan.
"At kung iniisip mo na iiwan kita, nagkakamali ka." he trailed me off.
Nagtama ang aming mga mata at kasunod noon ang isang mahigpit na yakap mula sa kaniya.
"Oo, nagalit ako sa nakita ko...pero nagalit lang ako. Hindi sapat ang galit para iwan ko ang babaeng mahal ko. Mas matimbang ang pagmamahal at pagtitiwala ko sa'yo kesa sa galit na naramdaman ko..." he whispered on my ear while keeping me secured on his arms.
Hindi na ako nag-alinlangan pang yakapin rin siya pabalik. I miss him so bad, at hindi ko kayang pakawalan siya ngayon.
Dahan-dahan siyang kumalas at inalalayan ako sa pag-upo. Umupo siya sa tabi ko at muli akong niyakap.
"Hindi ang galit ko ang magpapahiwalay sa ating dalawa...dahil walang kahit na ano ang pwedeng maging dahilan para iwan kita." malambing niyang bulong. "Sobrang mahal kita, Llana..." kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan ako sa aking mga mata. "Bawat araw kitang mamahalin..." bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan. "...kayo ng anak natin." maingat niyang hinaplos ang aking tiyan.
Bahagya akong nagulat at naguluhan sa kaniyang sinabi. Napatingin na rin ako sa sariling tiyan at hinaplos iyon. Doon ko napagtanto na...
"B-buntis ako?"
He cupped my cheeks and kissed me on my forehead.
"Yes." he replied happily. "Dalawa na ang baby ko." he added.
"H-huh?"
"You're my first baby, Llana. Pangalawa ang anak natin." he explained with a sweet voice.
Kahit lumuluha, nakuha niya pa rin akong patawanin.
So, ito pala ang kasagutan sa mga tanong ko nitong mga nakaraan. Ito ang sagot kung bakit pakiramdam ko palagi akong may sakit. Dahil...may isang anghel ang dinadala ko.
I can't help but to be happy. Sobrang saya ko dahil sa nalaman ko. Alam ko na hindi pa nakaplano ang pagdating niya, pero sigurado akong may magandang plano kung bakit siya ibinigay ng maaga.
Subalit sa kabila ng saya na nararamdaman ko, may takot sa puso ko. Hindi ko manlang alam na nasa loob ko na pala siya. I was too careless this past few days, at kung may nangyari sa kaniyang masama, baka hindi ko mapatawad ang sarili ko.
"Is s-she okay? Kamusta raw ang anak ko?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
He chuckled and held my hand gently.
"She's healthy. At sa atin siya...hindi lang sa'yo. Anak natin." sagot niya at tinama ang sinabi ko.
I sighed and nodded.
"H-hindi ko alam..." I explained to him sincerely.
Ngumiti lang siya at hinalikan ang kamay ko.
"I know...the doctor explained me everything and...everything na dapat asahan kong mangyari."
"Like what?" kunot-noo kong tanong.
"Haha. Akin na lang 'yon. At tsaka, kahit ano pang gawin mo sa'kin...o kahit ano ka pa habang nagbubuntis ka, mamahalin pa rin kita. And honestly, excited na akong alagaan ka. I mean...hindi madali ang mag-alaga sa tulad mong buntis pero...ako lang yata ang pinakamasaya at excited na asawa kapag nagkataon. I won't get tired taking care of you, and our little one." parang hinahaplos ang puso ko sa lahat ng sinabi niya.
Ang kamay kong hawak niya ay kaniyang marahang dinampian ng halik habang may kung anong kinukuha sa kaniyang bulsa.
Hinalikan niya ako sa aking mga labi bago tuluyang inilabas ang isang kulay ginto na hugis pusong lagayan ng...singsing.
He opened it and it showed a diamond solitaire engagement ring.
Bahagya akong natigilan sa kaniyang ipinakita lalo na nang magsalita na siya.
"Be my wife, Llana Alexandria Medina. Allow me to give you my name and my whole life."
Mabilis ang bawat pagtibok ng puso ko habang tinitignan ang singsing.
The simple elegance of the single, sparkling stone that symbolizes single love two people share makes it deceptively simple and amazingly beautiful.
I've never seen this kind of ring before. And i've never imagined that this day would come. That the love of my life would ask for my hand in marriage.
"Is it a yes or...yes, Ms. Medina? You only have two choices, pwede ka ng mamili sa dalawa." biro niya.
Inirapan ko siya at tsaka sumagot.
"Hmp! Bakit ko naman hihindian ang daddy ng baby ko?" I gave him my sweetest smile. "Syempre, oo! At kahit wala si baby, pakakasal ako sa'yo."
And by that, niyakap niya ako ng sobrang higpit habang paulit-ulit na sinasabi kung gaano niya ako kamahal.
Oh, this man! Kung alam mo lang, mas mahal na mahal kita. At hindi ako magsasawang mahalin ka kasama ng anak natin.
-
Author's note:Diamond solitaire engagement ring is one of the timeless and popular ring that could be a choice to give for every man's bride-to-be's. Solitaire means one that is why this ring was made only by a single, sparkling stone, no side stones, no accent stones or any other gem embellishments.