Llana's point of viewDecision
Nanginginig ang aking mga tuhod habang nagbibihis.
I have a bad feeling about this sudden return of Kassian with Kelly. Kinakabahan ako na tila may hindi magandang mangyayari. I have no idea what is this all about. At isa lamang ang maaaring dahilan, lalo na't pinatawag rin ako.
Ilang beses kong kinalma ang sarili ko. Halos sumabog na rin ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Bawat paghinga ko ay walang kasing lalim dahil sa takot at kabang nararamdaman. At habang tinatahak ang silid tanggapan, halos hindi ko na kayang bitbitin ang sariling mga paa sa sobrang bigat. Parang gusto ko na lamang tumakbo palayo, pero hindi. Hindi ko pwedeng takasan kung anuman ito.
"There you are," Kelly's voice echoed.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdanan, agad ng napansin ni Kelly ang presensiya ko.
Habang naglalakad palapit sa kanila ay hindi ko kinakayang tignan sila sa kanilang mga mata. Nakayuko akong naglakad patungo sa direksyon nila. At nang tuluyang makalapit, agad tumayo si Nathaniel sa aking gilid.
"See? This is what i'm telling you, tita." Kelly said angrily.
Tumayo ito mula sa kaniyang kinatatayuan at tinuro ang direksyon naming dalawa.
"Malaking iskandalo ito, for sure! This is such a disgrace to your family, tita. Hindi niyo dapat payagan na mangyari ang ganito. Tito...do something. 'Wag niyong hayaan na lahat tayo pinagmumukha nilang tanga. We need to do something-"
Tita Brianna interrupted her in the middle of her rants.
Abot langit ang aking kaba nang marinig ang kaniyang boses.
"Calm down, Kelly. Bakit ba parang apektadong-apektado ka tungkol sa usaping ito?" kalmadong tanong sa kaniya ni tita.
"T-tita...concern lang ako. Ayoko lang malagay sa kahihiyan ang pamilya niyo. Look, i'm just trying to help-"
Tita laughed ironically.
"Well, iha, hindi mo kailangang mag-abala pa. Problema ito ng pamilya namin, hindi sa'yo. So, stop your rants. We can fix this without anyones help. Without.your.help."
Natigilin siya sa sinabi ni tita. Hindi siya nakaimik at tila napahiya sa sinabi ng babaeng kausap.
"Don't get me wrong, iha. Ayoko lang na madamay ka pa. Your out of this."
"Pero, tita...hindi tama ang relasyon nilang dalawa. That girl..." Kelly pointed me. "...was Nathaniel's cousin. That's incest, for pete's sake!" she growled.
"For the record, hindi sila magkadugo. Oo nga't adopted daughter si Llana ng kapatid ko pero...wala akong nakikitang mali sa kung anumang relasyon ang mayroon sila, iha. So you better keep your mouth shut."
"Mama," pag-awat ng bunso sa kaniyang ina.
Mas lalo lamang akong kinabahan at natakot.
Nakakuha ako ng pagkakataong tignan lahat ng taong nasa harapan ko ngayon. Nananatiling nakaupo si tita katabi ang asawa habang nakatayo na sa gilid ni Kelly si Kassian ngayon.
"I'm sorry po." ito lamang ang mga katagang kinaya kong sabihin.
Naramdaman ko ang mainit na mga palad ng lalaki sa aking gilid na lumapat sa aking mga kamay. Trying to intertwin his on mine. Walang hirap niyang nahuli ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri.
Kitang-kita ko kung paanong nagtaas ng kilay ang kaniyang ina at nag-iwas ng tingin bago tuluyang tumayo.
"Pagod na ako. Bukas na lang natin pag-usapang ang tungkol dito." she stated. "Kassian, ihatid mo na ang kaibigan mo sa labas." she added.
Napanganga na lamang si Kelly sa sinabi ni tita. Tumingin muna ito sa akin ng masama bago kinuha ang kaniyang bag at padabog na lumabas kasunod si Kassian.
"You don't have to lead me out! Alam ko ang daan palabas!" inis na sabit nito.
Alam ko ang pinanggagalingan ng galit niya. She's in love with my boyfriend at pakiramdam niya'y niloko at pinagtaksilan siya. Kahit sinuman ay maaaring masaktan sa oras na malamang ang taong minamahal mo ay may mahal ng iba. Kung sa akin ito mangyayari, siguradong masasaktan rin ako. Kaya't hindi ko masisisi kung ganoon na lamang ang galit ni Kelly.
"Kayong dalawa, bukas tayo mag-uusap." huling sabmit ni tita bago tuluyang umalis papunta sa kanilang silid sa itaas.
"Papa," mahinang sambit ni Nathaniel sa kaniyang ama. Ngumiti lamang ito at tinapik sa balikat ang kaniyang anak.
Nilingon rin ako nito at nginitian.
"Umpisa pa lang alam ko na, anak. Lalaki rin ako at anak kita kaya kilalang-kilala kita."
"T-tito..." nauutal kong pagtawag sa kaniya.
"We will talk about this tomorrow, okay. Magpahinga na kayo."
Ang araw na ito ang isa sa pinaka espeyal na araw sa buhay ko. Isa ito sa araw na hinding-hindi ko makakalimutan subalit, kung gaano kabilis ang naging kaligayahan ko ay ganoon rin naging kabilis ang mga rebelasyon tungkol sa aming relasyon. Kahit na inihanda ko na ang aking sarili para dito, hindi ko pa rin inaasahang magiging ganoon kabilis nilang malalaman ang tungkol sa aming relasyon.
Buong gabi akong nag-isip kung paano ako hihingi ng tawad sa mag-asawa. Apologizing to them isn't enough. MInahal, inalagaan at pinagkatiwalaan nila ako ng husto tapos ito lamang ang igaganti ko? Napakawalang kwenta ko talaga. Parang lahat nalang ng ginagawa ko buong buhay ko ay puro pagkakamali.
Akala ko walang mali sa pag-ibig. Pero sa oras na may nasasaktan ka ng tao lalo ang ang mga taong mahal mo, magiging mali ito. Una si Kelly, pangalawa sina tita at sigurado akong susunod na masasaktan sa oras na malaman ang tungkol dito ay ang mga magulang ko.
Buong gabi kong inisip ang maaaring gawin subalit isang bagay lamang ang tanging paraan na naiisip ko.
Kung ilang oras lamang kaming naging masaya kanina, ganoon ko rin lamang kabilis napagdesisyunan ang isang desisyon na sobrang bigat sa loob ko.
Umiiyak ako habang yakap-yakap ang mga unang katabi ko. I was crying so hard at nahihirapan akong huminga. Kaya kong masaktan ng husto huwag lamang ang mga taong mahal ko. Alam ko na masasaktan ko siya sa desisyon ko pero alam ko ring panandalian lamang ito. Makakalimutan niya rin ako at makaka-move on. He deserves someone better. Ayoko na maging cause pa ng hindi magandang mangyayari sa pamilya nila.
At habang umiiyak ako, mas lalo akong nahihirapan at nalulungkot. Lalo na ng tumunog ang aking cellphone.
From: Llana's boyfriend
Gising ka pa? Bukas pa ang ilaw sa kwarto mo.To: Llana's boyfriend
Oo, may ginawala lang. Matutulog na rin ako. Matulog ka na rin.Ilang minuto lamang ay muling tumunog ang cellphone ko.
From: Llana's boyfriend
Huwag mo ng isipin ang nangyari kanina. I'm sure maiintindihan nina mama.To: Llana's boyfriend
Bukas na lang tayo mag-usap.From: Llana's boyfriend
Alright. Good night.To: Llana's boyfriend
Good night.Akala ko huling mensahe na iyon mula sa kaniya pero muli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.
From: Llana's boyfriend
I love you, Llana. :* Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito.Lumabo ang aking mga mata dahil sa mga luhang nagbabaydang bumagsak. At nang uli kong basahin ang kaniyang mensahe, tuluyan ng nag-unahan ang mga luha sa aking pisngi.
Gusto ko sanang sabihin na mahal na mahal ko rin siya kaso hindi na dapat pa. Ano pang silbi ng pagsasabi ko ng "I love you" kung iiwan ko na rin naman siya. Mas lalo ko lamang siyang masasaktan.
From: Llana's boyfriend
Tulog ka na siguro. I'll see you tomorrow, then.Ang hirap magmahal kapag alam mong mali. Ang hirap mahalin ng taong hindi ka sigurado kung para nga talaga sa'yo.
Kung pwede lang sana isigaw 'yong totoong nararadaman ko, isisigaw ko para malaman mo Nate, pero kasi hindi na dapat, eh. Itatago na lang upang hindi ka na mas masaktan pa.