Four.

8 3 0
                                    

Llana's point of view

Asshole

Dumiretso ako sa kitchen. I went straightly to the fridge and get some cold water. Hindi ko kinakaya, eh. Parang kumukulo yata ang dugo ko. I shouldn't feel this way dahil wala akong pakialam sa kanila. Pero ewan ko ba kung bakit ko 'to nararamdaman. Naiinis yata ako? Hindi ko alam kung anong itatawag ko dito.

"Iniwan ka na naman," a man whispered on my ear.

Nagulat ako sa kung sinuman ang bumulong sa gilid ko. Mabilis akong napalayo at nanlaki ang mga mata ko sa taong gumawa nito. Kinabahan ako. I trembled for what he did.

I saw him smirked.

"Kapag sa akin, gulat na gulat ka. At parang laging takot. Ganoon ba ako kadelikado sa paningin mo?" he said sarcastically. "Bakit sa kapatid ko, tuwang-tuwa ka,"

My brows furrowed. Ano na naman bang kahibangan ang sinasabi ng lalaking ito.

Ibinaba ko ang baso sa may counter top at umambang lalampasan na siya nang bigla niya akong hilahin pabalik.

"Kinakausap pa kita. You can't just go anywhere when i'm not still over you. Get it?" tumaas ang gilid ng kaniyang labi pati na rin ang isang kilay.

Hinatak ko ang aking braso at lumayo ng konti.

"Sabihin mo na ang mga gusto mong sabihin. And let me know kung tapos ka na, para makaalis na ako." matapang kong pahayag.

Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Diretso at nakakatakot. I looked away and cleared my throat.

"I'm waiting. Ano, wala ka bang balak umimik? Wala ka na bang mahanap na salita na pwede mong gamitin para insultuhin ako?" kalmado kong sambit habang nakatitig siya.

I saw his lips protruded. Magsasalita na sana siya subalit naunahan siya ng isang pamilyar na boses.

"Hey," It was Kassian's voice.

Humilig ako ng kaunti at nakita sa hindi kalayuan sa likuran ni Nathaniel ang kaniyang kapatid.

Nang makita niya ang pagsilip ko, agad itong ngumiti. Subalit nakita ko kung paano kinuyom ng kaniyang kapatid ang mga kamao nito at agad akong tinalikuran at dumiretso paalis.

"Kuya, saan ka na naman pupunta?" his younger brother asked.

Hindi umimik ang kapatid at nagpatuloy lamang sa paglalakad dahilan upang maiwan kaming dalawa ni Kassian.

He shrugged his shoulder and smiled.

"Why are you here, Kassian? Hindi ba't-" I asked him curiously, but he did not let me finished my words.

Agad niya akong niyakap ng mahigpit.

I chuckled a bit.

"What are you doing?"

Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap.

"Na-miss kita agad," simple nitong sagot dahilan ng pagguhit ng matamis na ngiti mula sa'king mga labi.

Ang nerbiyos na kanina'y dumadaloy sa aking buong katawan ay napalitan ng tuwa ng bumalik si Kassian. May naiwanan daw siyang dokumento at nagpasyang ipagpabukas na lamang ang pag-alis.

Kinagabihan, siya ang naghanda ng mga pagkain para sa amin. I informed him that his brother is with a girl. Hindi siya umimik at marahan lamang itong napayuko.

"Ganoon ba," tangi n'yang sambit nang ikuwento ko sa kaniya na may kasamang babae ang kuya niya.

Biglang nagbago ang timpla niya. Ngumingiti naman siya, pero parang pilit at hindi totoo.

"Uh, kilala mo ba 'yong kasama ng kapatid mo?" I asked out of curiosity.

Napabaling siya sa akin.

"Siguro. Hindi ko pa naman nakikita, eh." he replied.

"Bakit ilan bang mga babae ang dinadala niya rito dati? Paiba-iba ba?"

Natigilan siya sa aking sinabi. Doon ko napagtanto na mali ang aking tanong.

"Pasensya na," I apologized.

He just smiled.

Malapit na siyang matapos sa kaniyang pagluluto kaya minabuti ko munang umakyat sa aking silid upang ayusin ang aking sarili. I changed my clothes and fixed my hair into a high ponytail.

Mabilis akong lumabas sa aking silid at nadaanan ko ang silid ni Nathaniel. Nakaawang ang pintuan nito.

I was in deep thought kung tatawagin ko ba sila para kasabay na namin silang kumain nang kusang marahang itulak ng aking mga kamay ang pintuan. At sa gulat ko sa aking nakita, napatakip na lamang ako sa aking bibig.

Nathaniel with his girl was kissing hungrily. Kelly was pinned on the wall while that asshole was kissing the girl on her lips down to her neck.

Ilang segundo rin akong natigil sa aking kinatatayuan bago tuluyang makabawi. At dahil sa hindi magandang imahe nilang dalawa, agad kong sinara ang pintuan. Isang bagay na hindi ko dapat ginawa dahil baka akalain nilang sumisilip ako sa malaswang ginagawa nila.

But I don't care. Basta gusto ko na lamang umalis roon. Talagang hindi maganda sa aking paningin ang ginagawa nila.

"Are you okay? You look pissed." Kassian asked me.

I tried to smile and shook my head.

"Uhuh,"

Asshole! Ang bastos talaga ng lalaking 'yon kahit kailan.

"Gusto mo bang tawagin ko na sina kuya para makasabay natin? Or...gusto mo tayong dalawa na lang muna?"

"Busy pa siguro ang kuya mo. Hayaan na muna natin sila." Busy sa babae niya.

Malapit na kaming matapos kumain nang dumating ang dalawa.

Nathaniel is now wearing his sando and a dark grey shorts while his girl is obviously wearing his shirt. Nakita kong sandali lamang sinulyapan ni Kassian ang dalawa at agad ding nag-iwas ng tingin.

"I'm full," sambit ni Kassian.

Tumayo siya at tinignan ako.

"Tapos ka na ba, Llana? Halika na," anyaya niya sa'kin.

I nodded. Tumayo na rin ako.

"What's with the rush, Kassian? Ayaw niyo ba kaming makasabay?" maarteng sambit ng babae.

Kassian ts-ed.

Hindi ako umimik.

Lumapit siya sa aking pwesto at hinawakan ang kamay ko. I saw his older brother clenched his jaw. Kumuyom rin ang kamao nito.

Nagtama ang aming mga mata subalit agad ding naputol dahil sa paghila sa'kin ng kaniyang kapatid.

"Don't look at him. He's a total jerk!" Kassian said.

Nang gabing 'yon, hinatid niya ako hanggang sa aking kwarto. He looked mad but he's trying to keep calm. Hindi ko maintindihan kung anong meron at kung anong nangyayari. Pakiramdam ko may kakaiba talaga sa magkapatid. They're acting so weird. Kung hindi iiwas ang isa, pakiramdam ko magkakaroon ng away.

At si Nathaniel, bakit ganoon na lamang siyang makatingin sa'kin. Parang galit na galit sa akin. Wala naman akong ginagawa. Umiiwas na nga ako, eh. Or, nagalit siya dahil sa nakita ko kanina? Imposible, hindi naman niya siguro alam na ako 'yon.

Sa tingin ko naman hindi niya alam na nakita ko. They're busy kissing like a hungry wolf, malamang walang pakialam ang mga iyon.

I don't have to worry about them.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now