Nineteen.

5 0 0
                                    


Llana's point of view

Ransom

"P-please, let me go. P-please..." I begged while crying.

Simula nang magising ako, puro pagmamakaawa na lamang ang tanging nagagawa ko. My eyes were blindfolded and all I can see was pure darkness. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Nanghihina na ako at tila hindi ko na maramdaman ang sariling katawan. Of all people, bakit ako pa? I wanted to shout, but for sure these people will only laugh at my dramas.

"Alam kong nandito kayo. Please, answer me." I said desperately.

Still, no response.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

"K-kung pera ang kapalit ng pagdukot niyo sa akin, mas mabuti pang patayin niyo na ako," my voice broke as my tears keep falling. "I don't have money. I'm not rich as what you think, ni wala pa nga akong nararating sa buhay ko, eh. Kaya kung hindi niyo rin naman ako pakakawalan, mabuti pang patayin niyo na lang ako-"

"Talaga?"

Nagulat ako nang isang babae ang sumagot. Well, natural lang naman ang may babae minsan na sangkot sa kidnapping, 'diba?

"Balita ko kasi, mayaman ang pamilya mo. Your father was an engineer, wow!" she praised. "And your mother was an architect, is that true?"

She knows my family background. Parang pinagplanuhan at pinag-aralang mabuti. And wait, she's fluent in english. The way she speaks is different from any other women who got involve in kidnapping, as I observed. Siguro'y parte siya ng isang malaking sindikato. And that thought scares me more.

"Ayokong mag-alala pa sila sa akin. Please, i'll do anything else, huwag lang madamay ang pamilya ko."

"I see. Kung ayaw mong madamay ang pamilya mo, edi sino na lang tatawagan namin para sa ransom?"

"Sinabi ko na sa'yo, wala akong perang maibibigay sa inyo-"

"Pero meron ang pamilya mo. Ang problema lang, ayaw mo na silang pag-alalahanin pa. Hmp! Boyfriend mo na lang kaya,"

"Wala akong boyfriend..." malungkot kong sagot.

Iniwan ko siya, eh. At siguradong sa mga oras na 'to, wala na siyang pakialam sa'kin dahil sa ginawa ko.

I wanted to tell her that part of our story, kaso hahaba lang. Wala rin naman siyang pakialam dahil pera ang kailangan niya.

"Walang-wala na ako ngayon. Wala kang makukuha sa akin. Kaya please, pakawalan mo na ako..."

"Not until we have the ransom." she replied.

"W-wala nga akong pera," I cried.

"Well, hindi naman talaga pera ang kailangan namin."

"What do you want, then?" I asked.

Walang sumagot sa katanungan ko.

"Ano ng kailangan niyo, p-please..."?

Wala paring sumagot. Umihip ang malakas at sariwang hangin. Sumayaw ang aking buhok kasabay ng hampas nito habang madilim pa rin ang buong paningin ko.

Nabalot ng katahimikan angbuong lugar at tila nagbago ang pakiramdam ko. Tila mas kinakabahan ako sa pagkakataong ito lalo na nang...

"I want your explanations, Llana Alexandria." isang pamilyar na boses ang sumagot.

I know it's him. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilalang-kilala ko ang boses niya.

"I want you to tell me why, Llana. Bakit umalis ka bigla? Do we have a problem or...do you have a problem with me? Tell me,"

Punong-puno ng pagsusumamo ang kaniyang tinig. Hindi ko man nakikita ngayon ang kaniyang mga mata, subalit sa timre ng boses niya alam kong nasasaktan siya ng sobra.

'W-wala,"

"Then, why?" he asked desperately.

"N-nate, sorry."

"Mababaliw ako sa kakaisip kung bakit mo ako iniwan, kung bakit ka umalis ng walang paalam. Ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali o kung may mali ba sa akin. Kaya ngayon mo sa akin sabihin, Llana. Nagkamali ba ako, nagkulang ba ako?" he fired me with those words.

Ang sakit lang na dahil sa desisyon ko, nasasaktan ko ng ganito ang lalaking pinakaamahal ko.

"O baka ang dapat kong itanong ay...mahal mo ba talaga ako?"

He was hurting, and it's all because of me.

Ayoko sanang nagkakaganito siya, pero ayoko ng mas masasaktan ko pa siya sa bandang huli. Sometimes, staying does more pain than letting go. After this, makakaliutan siya rin ako. At makakahanap pa siya ng babaeng higit pa sa tulad ko.

"Nabigla lang ako. I was not supposed to say yes, pero naawa ako sa'yo-"

"Fuck! Hindi 'yan totoo!" he screamed with anger and pain.

Oo, hindi iyon totoo. Pero magsisinungaling ako sa'yo.

"Well, that's the truth, Nate. Maniwala ka man o hindi, hindi kita mahal." I lied.

Biglang pumatak ang luha sa aking mga mata. I was stiil blindfolded, pero patuloy ang pagbuhos ng mga luha sa aking pisngi.

"Bakit ka umiiyak kung ganoon? Stop crying, then. Ano, umiiyak ka kasi naaawa ka na naman sa akin?"

I did not answer.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa direksyon ko. Narinig ko ang bawat mabibigat niyang paghakbang hanggang sa makalapit sa puwesto ko.

Ilang segundong nanahimik ang buong lugar nang bigla kong maramdaman ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa noo ko.

"Sorry if I kissed you for the last time, Llana." at marahan niyang tinanggal ang telang nakatakip sa aking mga mata.

He went at my back and removed the string tied in my hands.

"Salamat sa isang araw na binigay mo sa'kin. Salamat sa isang araw na natawag kong akin ka. Now, I'm setting you free, Llana. Tulad ng gusto mo, malaya ka na ulit." nabasag ang kaniyang boses.

Ngayon, kitang-kita ko na ang luha sa kaniyang mga mata. Kitang-kita ko na ang sakit at hapdi na nararamdaman niya dahil sa mga basang mata niya.

Ngayon ko lang din napagtanto kung nasaan kami. We are now sailing the sea. Mula sa roofdeck ng yateng aming sinasakyan ay kitang-kita ang asul na karagatan. Tahimik at kalmado tulad ng mataas na kalawakan. He is now facing the sea.

Pinagmamasdan ko siya, habang iba naman ang pinagmamasdan niya, ang karagatan.

Iniisip ko pa lang ngayon na kung ang karagatan ay isang babaeng kaniyang tinatanaw, siguradong masasaktan ako.

Suddenly, may isang malakas na putok akong narinig. Isang putok na tulad ng sa baril. Nilingon ko ang paligid at nakitang may isang mabilis na motor pandagat ang dumaad sakay ang ilang armadong kalalakihan.

Nag-panick ako at agad nilingon ang direksyon ni Nathaniel, ngunit pagtingin ko, wala na siya roon. Mas lalo akong hindi napalagay. I called his name twice pero walang sumasagot. I don't even know kung kanino hihingi ng tulong.

I scanned the whole place pero wala pa rin siya. Sa hindi kalayuan, doon ko siya muling natanaw. Nakalutang at tila walang malay.

I tried to stop the yatch but I can't. Hindi ko alam kung paano. Nawalan ng kontrol ang utak ko at halos hindi na makapag-isip ng tama. Nakatalon na ako sa tubig ng ma-realize ko na may isang babae kanina at maaaring nasa loob lamang siya.

Nilangoy ko kung saan ang direksyon niya. Wala na akong pakialam kung maiwan kami ng yate basta ang mahalaga ay mailigtas ko siya. Sana lang, hindi pa ako huli.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now