Llana's point of view
Nightmare
A baby's cry awakened me and when i opened my eyes, i can't see anything but darkness. There were no lights or even pathways.
Muli kong narinig ang iyak ng isang sanggol dahilan upang mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.
It was my little angel for sure.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng madilim na lugar, nagbabakasakaling may kaunting liwanag na sumilay, nagbabakasakaling may isang daang maaari kong tahakin patungo sa kaniya, subalit lalo lamang akong kinakain ng kadiliman.
"A-anak..." biglang tumahimik ang buong lugar, "B-baby, nandito si mommy...n-nasaan ka?" sambit ko, umaasang maririnig kong muli ang pag-iyak niya. "M-mommy's here, b-baby..."
The mix emotion of fear and pain is swallowing me alive.
"A-anak nasaan ka ba?" I asked desperately, hoping that she'll cry again.
Binalot ako ng matinding takot at lungkot dahilan nang sunod-sunod na pagbuhos ng aking mga luha. Para akong mababaliw sa tindi ng nararamdaman ko ngayon. I just wanted to see her, to carry her in my arms but why can't i have her! Bakit pakiramdam ko ang layo-layo niya sa'kin!
My heart was giving me painful thuds and i can't stop crying.
Nawawalan na ako ng lakas at pag-asa pero pinipilit ko pa ring maging malakas para sa anak. Alam ko at nararamdaman kong narito siya kaya pinawi ko ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata at muling pinagmasdan ang kapaligiran.
Sa pagkakataong ito, nabuhayan akong muli ng loob dahil sa nakikita ng aking mga mata. Pinakatitigan ko itong mabuti at muling bumilis ang pintig ng aking puso.
A woman wearing a surgical mask was carrying a child. I smiled and walked towards their direction but they suddenly disappeared.
Nagulat ako at natakot.
"G-give me my child, p-please." pagmamakaawa ko, "P-parang awa mo na..."
Sa sobrang panghihina ko, tuluyang bumigay ang mga tuhod ko at tuluyan na rin akong napaluhod sa malamig na sahig.
Habang iniinda ang sakit sa aking dibdib, muling tumama ang aking mga mata sa babaeng may hawak sa anak ko. Wala akong makitang awa mula sa kaniyang mga mata, sa halip ay punong-puno ito ng galit at inggit.
Her eyes met mine, she stared directly into my eyes for seconds and back to the innocent child she's carrying.
Paulit-ulit akong nagmamakaawa subalit walang awa niya lamang akong tinititigan.
"P-please naman...p-parang awa mo na." pagsusumamo ko, subalit marahan lamang itong tumalikod at naglakad palayo.
I tried to run after them, but every steps i take brings more distance between us. Until they disappeared.
"Kasalanan mo ang lahat," isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran kaya't agad ko itong nilingon. "You killed our own child." he accused me angrily.
Umiling ako, "H-hindi..." humikbi ako dahil sa pang-aakusa niya. "H-hindi totoo 'yan..."
Bakas sa kaniyang mga mata ang galit dahil sa nangyari. Bawat titig niya sa akin ay tila tinutulak niya akong palayo sa kaniya.
"Nathaniel, p-please...let's find her..." hindi ko mapigilang mapahagulgol.
Malamig siyang tumitig sa akin bago ako unti-unting tinalikuran palayo.
"Huwag! P-please," nabasag ang boses ko dahil sa sobrang pag-iyak ng makaramdam ako ng isang banayad na yakap.
Marahan kong iminulat ang aking mga matang ngayo'y basa ng sariling mga luha at unang bumungad sa akin ang aking inang punong-puno ng lungkot at pag-aalala.