Six.

5 2 0
                                    


Llana's point of view

Tired

After finals, nakahinga na rin ako ng maluwag. I have nothing to worry about. Kapag natapos na akong magpapirma sa clearance ko, wala na akong ibang aalalahanin pa.

I have no plans for my vacation. Siguro ay susunduin lamang ako dito ni daddy at pagbabakasyunin sa Manila tulad ng nakasanayan. When I was there, inaabala ko ang lamang ang aking sarili sa aking nakababatang kapatid. Kumakain kami sa labas, namamasyal sa kung saan-saan, pero madalas ay sa bahay lamang. Nanunuod ng iba't-ibang movies together habang kumakain ng chips. Dati rati, kapag ganito ay nae-excite na ako. But now, I have this weird feeling na parang ayokong lumuwas ng Manila. I don't know why. Parang wala lamang ako sa mood.

I just want to stay here. To visit some beaches anywhere and to make some new friends. Not that I don't want to be with my family, I just really want some time for myself. I want to explore new things.

Alas nuebe na nang gabi, pero kahit kaunti'y hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Tulala lamang ako sa kisame habang nag-iisip ng mga bagay-bagay nang bigla akong uhawin. Tinatamad akong maglakad pababa sa kusina, pero hindi ko na rin natiis kaya'y minabuti ko nang bumaba. It was dark. Iilang ilaw na lamang ang bukas dahil sa siguro'y tulog na rin si yaya Adel at ang ibang kasambahay. Masyado na ring tahimik.

Pagdating ko sa kusina, agad akong kumuha ng malamig na tubig sa fridge at uminom. Wala pa ako sa kalagitnaan ng aking pag-inom ng bigla akong mapalingon dahil isang anino.

Pagharap ko ay agad tinakpan ng lalaki ang aking bibig upang hindi ako makasigaw. Madilim kaya't parang anino lamang siya sa aking paningin. Hindi ko masyadong makita ang kaniyang mukha. But one thing's for sure. He's not a kind of thief na magnanakaw sa ganitong oras. It's not that late. Kung magnanakaw man ito, hindi sa ganitong oras. At hindi sa kitchen ang diretso. Besides that, mabango ang lalaking nasa harapan ko. Pamilyar na pamilyar ang kaniyang amoy at ang taas niya. Kaya naman agad akong dinaluyan ng kaba sa aking katawan. Hindi dahil sa natatakot. I'm shaking because I think I know this man in front of me now. At lalo lamang akong kinabahan ng makumpirma nga ito.

"Shh, don't scream." he whispered huskily.

Nanindig ang mga balahibo ko. At parang kinikiliti ang leeg ko.

I tried to escape from him, but he's too strong. Ayaw akong pakawalan. Pinakalma niya ako at nang masigurong hindi na ako sisigaw o tatakas ay unti-unti na ring inalis ang kamay sa aking bibig.

"W-what do you think you're doing?" I said with my knees trembling.

Kinulong niya ako sa pader gamit ang kaniyang dalawang malalaking braso at dahan-dahan na nilalapit ang kaniyang mukha sa'kin. Agad akong napapikit sa kaniyang ginawa habang nilulukot ng aking magkabilang kamay ang pajama na suot.

Mariin ang aking pagkakapikit at tila nanlalambot na ang aking mga tuhod sa kaba. Hanggang sa maramdaman ko na nagtagpo na ang tilos ng aming mga ilong. I can also feel his breath.

I want to push him away. I want to just run away. Pero parang nakapako na ako sa malamig na pader at hindi kayang gumalaw ng aking sariling mga paa.

I keep my eyes closed, until I heard a soft chuckles from him. I opened my eyes and saw him smiling. Sa halip na mainis, natulala na lamang ako sa kaniya. This is my first time to hear him laughed. And...this is his first time to smile like this. I've never seen him smile before, ngayon lang! Kahit na madilim, ang kakaunting ilaw na nagsisilbing liwanag ay sapat na upang makita ko ang kabuuan ng mukha niya.

Sa sandaling pagkakataon, nalimutan ko ang inis at galit sa kaniya. Sa sandaling pagkakataon, ibang Nathaniel ang nakikita ko sa kaniya.

If he's always like this...ever since, baka...baka iba ang naging tingin ko sa kaniya. But I know he's just peasing me off. Siguro'y nagpahinga lamang siya sandali. At ngayon, babalik na ulit siya sa pang-iinis at pang-iinsulto sa'kin.

"Do you think I would kiss you?" he mocked.

This time, tinulak ko na siya ng buong lakas.

"Of course not! Why would I think about that? Hindi ako assuming," I defended.

I thought he would tell something that'll insult me, but no. He just chuckled, again...sexily.

Is he trying to use his charm on me? Akala niya gagana sa akin? No! He can't seduce me.

"Not now, baby." he said softly and took another steps towards me.

Napaatras na naman ako. Naramdaman ko na naman ang lamig ng pader sa likuran ko.

"Why are you so scared of me? Do I look so scary, huh?" he asked.

Umiwas ako ng tingin kahit na alam kong hindi naman namin makita ang mga mata ng isa't-isa.

What is wrong with this guy? Really? Why is he acting so weird? Hindi ba't galit siya sa'kin? Hindi ba't hobby niya ang ako'y insultuhin, pikunin at asarin? Then, why is he suddenly acting like this towards me!

"Are you drunk, Nathaniel? If you are, mabuti pang pumunta ka na sa kwarto mo," I stated.

"Do I sound like a drunk dumbass, Llana?"

Umiling ako. Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga.

"Bakit mo nasabing lasing ako kung ganoon-"

"Because you're confusing!" I trailed him off. "Naguguluhan na ako sa'yo. You hate me so much, na para bang ang laki-laki ng naging kasalanan ko sa'yo. You're always pissing me off and you're giving me a hard time...always. 'Yong mga pang-iinsulto mo sa'kin, sagad hanggang sa buto. Wala kang pakialam sa nararamdaman ko-"

"Dahil wala kang pakialam sa nararamdaman ko-" putol niya sa aking sinasabi na agad ko ring pinutol.

"Hindi pa ako tapos!" madiin kong sambit. "Alam mo, hindi ko ugaling mapikon. Pero ngayon, oo. Napipikon na nga talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto mo. Now, you're acting as if  everything between us is fine. Ano 'to, pinaglalaruan mo ako? I'm sorry to tell you, pero hindi ako basta-bastang babae lang." dire-diretso kong pahayag.

I saw him shook his head.

"Stop fooling me, 'coz I don't wanna play with you."

Pagkatapos ng mga sinabi ko, agad ko siyang tinalikuran.

"I'm tired," I heard him say.

Napatigil ako.

"Pagod na akong lokohin ang sarili ko, Llana. I tried everything just to forget about you, but I just can't. I can't. I know I should stay away, but I always find myself keep coming back to you. Now tell me, sino nga bang niloloko ko? Hindi ba't sarili ko?" namamaos niyang sambit.

Napako ako sa aking kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. Hindi rin ako makahanap ng tamang mga salita na pwedeng sabihin.

"Alam kong mali. Pero sinubukan kong pigilan. At saan ako dinala nito? Mas lalo lamang nitong pinalalim ang nararamdaman ko para sa'yo."

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now