Llana's point of view
Sick
Tanghali na kaming nakarating ng Bauan. Hindi ko namalayan ang biyahe dahil sa antok na naramdaman ko. Sandali lamang kaming nagkakwentuhan ni Katana at nakatulog na ako habang siya'y nagmamaneho.
Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw, parati akong inaantok sa tuwing umaga. At kung kailan naman gabi, doon ako buhay na buhay.
"Let's go to her office. I'm sure matutuwa 'yon na narito na tayo." I nodded and smiled.She lead the way excitedly. I looked up at the towering buildings. Though old, those buildings were still majestic to look. Kung titignan nga, mukhang bagong-bago at hindi napabayaan sa pag-aalaga. I don't see any damage here to fix and conceal. Or maybe, I haven't seen it yet.
Napakalaki ng lugar na abot tanaw pa lamang ng aking mga mata, paano pa kaya ang ibang parte pa nito, 'diba! I'm pretty sure that her tita has substantial amount of cash. Hindir rin naman siya mauubusan ng pera dito. Kahit maglabas siya ng malaking halaga, maibabalik rin ito sa kaniya at doble pa.
For sure, mayayamang tao rin ang parating laman nito. Hindi naman lahat, pero maaaring karamihan.
Nang makapasok sa loob ng isang building, hindi ko maiwasang hangaan lalo ang loob nito. Ang mga lawarang nakasabit sa dingding ay sadyang napakaganda. Again, it looks medieval but expensively beautiful.
Habang naglalakad, bumabati ang ilang empleyado sa babaeng kasama ko. She greeted the back in a formal way. Ako naman, tamang ngumingiti lamang.
"Ang laki naman ng mga buildings dito," pagpuri ko na nagpalingon sa kaniya sa akin.
She threw me a wink and smiled.
"Marami ka pang hindi nakikita," she replied full of delight.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at sumakay sa tinapatang elevator.
"Ilang taon na ba ang resort na 'to? Mukhang nasa tamang kondisyon pa naman ang mga buildings, eh." I asked curiously.
Sandali siyang nag-isip habang pinipindot ang tamang floor na bababaan.
"I have no idea, pero...ang alam ko matagal na nga talaga 'to. Pinamana ng pinamana lamang sa mga anak hanggang sa pinamana kay daddy." she stated.
"Ah,"
"You can roam the whole place after natin makausap si tita." sabi niya.
Nilingon ko siya.
"Akala ko start na today?" bahagya siyang natawa sa tinanong ko.
"Hm, yes. Hindi ba't maganda kung titignan mo muna ang buong lugar? That was still part of your work, Llana."
Hm, tama nga naman. Besides that, anong tatrabahuin ko, eh, mukhang wala pa namang mga magtatrabaho.
Bumukas ang pintuan ng elevator nang nasa tamang palapag na. Nauna siyang lumabas at sinundan ko naman. Ilang hakbang pa lamang ay naroon na ang isang double door.
"Here we are," Katana declared full of excitement.
Kanina pa 'to. Parang ilang taong hindi nagkita at ang tita niya. Masyadong masaya at excited. Hindi rin naman siya ang magtatrabaho. Natawa tuloy ako sa sarili kong pag-iisip.
She opened the grand double door and entered the room, ganoon din ako.
The whole room was spacious. Malawak at kitang-kita ang iba't-ibang tanawin kahit saan ka tumingin dahil ang mga bintana ay puro gawa sa salamin.
Habang nililibot ng tingin ang buong kwarto, napako ang mga mata ko sa isang babaeng nakatalikod sa akin. Kinakausap na siya ngayon ng kaniyang pamangkin, but she's still facing the other way. She's holding a glass of wine.
Kinabahan ako bigla. Hindi ko pa man nakikitang tuluyan ang kaniyang mukha, alam ko na agad na kakaiba siya. Mas lalo pa akong kinabahan ng harapin niya na ako.
"Llana Medina." she called me while putting down his glass on her table.
Kahit kinakabahan, matamis akong ngumiti sa kaniya habang naglalakad patungo sa direksyon niya.
"Y-yes, Ma'am." my voice was shaking, halata ito.
The woman on her middle age laughed.
"Am I too intimidating, iha? Parang nininerbyos ka." puna niya nang siguro'y mahalata ang panginginig ng aking boses. "You shouldn't be, iha. I assure you hundred and one percent, hindi ako nangangain ng tao." biro niya na kahit paano'y nagpagaan ng pakiramdam ko.
"Tita was right, Llana. Kung paano mo ko nakilala, ganoon din siya." dagdag ng kaibigan. "Sigurado din akong magkakasundo kayong dalawa, right, tita?"
Her tita smiled.
"Oh, and by the way, I'm Elliza. Just call me, Elliz or tita. Drop the formality, hindi ka na iba sa'kin lalo pa't kaibigan ka ng pamangkin ko."
Mas gumaan pa ang loob ko sa sinabi niyang iyon.
"Alright, then...tita." I replied.
Sandali lamang kaming nag-usap tungkol sa kontrata. She gave me reviews about it kahit na nabasa ko na ng pauli-ulit. It's just a casual introduction between us and my contract, habang nakikinig lamang ang kaibigan sa kabilang upuan.
"One more thing pala, iha. Bukas darating rin si Mr. Salviejo, he's an engineer. I needed him to help you. Don't get me wrong, huh. I know your very much capable and skilled with this, pero sa dami ng gagawin kakailanganin mo talaga ng katulong. Nagbabalak din akong magpatayo ng isa mansion, so...kinuha ko siya." she explained me.
Well, wala namang kaso sa akin iyon. Mas mapapadali nga naman ang trabaho kung ganoon. Isa lang ang nagpagulo ng isipan ko. Mr. Salviejo! Hindi ako sigurado pero parang narinig ko na ang apelyidong 'yon. Hindi ko alam kung kailan o saan. Basta parang narinig ko na. Oh, baka nag-iilusyon lang ako. Medyo inaantok na naman ako, eh.
Nang mag-lunch, sabay kaming tatlo na kumain. Maraming ipinahanda si tita Elliz pero parang wala akong gana kumain. Siguro busog pa lang talaga ako. Pero kahit walang gana, sinubukan ko pa ring tikman ang ilang pagkain. I don't want to offend my client. Baka kung anong isipin nila.
Matapos kumain, naunang umalis si tita dahil ay mga aasikasuhin pa raw siya. Sumunod ang kaibigan at may kakausapin lang daw. Kaya naiwan akong mag-isa.
Ilang minuto pa akong nanatili sa aking kinauupuan. Tinatanaw ang malayong karagatan. Bigla akong binalot ng katahimikan at bigla akong nakaramdam ng pangungulila at pag-iisa.
Bigla akong nangulila sa kaniya. Ilang oras pa lang kaming magkalayo pero tila ilang araw at linggo ko na siyang hindi nasisilayan. Suddenly, I felt a hot tears pulled down my cheeks.
Hindi masamang mangulila sa kahit ganoon kaikling panahon, pero 'yong may kasamang luha, OA naman yata masyado. I think i'm sick.
Kaya naman sa halip na libutin ang buong resort, mas pinili ko na lamang magpahinga sa suite ko.