Thirty one.

6 0 0
                                    

Nathaniel's point of view

Life

She's my strength...my happiness...my life.

The moment she came into my life, I couldn't ask for more. For me, she's enough. No, she's more than enough. All the other things that could be given to me can't be compared to her.

That is why I didn't wasted any of my time pursuing her. I didn't wasted any chances she gave. I'd risk my life, my everything just to get her. So, when she said yes to me, i've felt a thousand butterflies inside my stomach. Oo, nakakabkla pakinggan pero totoong kinilig ako. Actually, araw-araw naman akong kinikilig sa babaeng 'yon. She made me the happiest man living on earth. At kung hindi siya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda, pwes, gagawan ko ng paraan. Hindi pwedeng hindi siya, 'no!

Pinaramdam niya sa akin kung ano ang totoong pagmamahal. Kung paanong lumaban kahit alam mong walang kasiguraduhan. Siya ang nagpakita sa akin ng totoong ganda ng mundo, dahil araw-araw ko siyang nakikita, at siya ang mundo ko.

Everytime I look at her, wala akong ibang makita kundi saya, pag-asa at pagmamahal. She's pure...but sometimes evil. Don't ask me how.

Wala akong makitang dahilan para iwan siya...at wala akong balak gawin iyon sa kaniya. May mga panahong nagagalit ako pero magagalit lang ako. I promised myself that no matter what, I won't leave her. I'll take care of her and I'll love her each and everyday. And let me tell you this...araw-araw akong naiin-love sa girlfriend ko...sa future wife ko. She never failed to make me fall in love with her.

Kaya nang magdesisyon siyang iwan ako noon, halos maguho ang mundo ko.

"Hanapin n'yo!" sigaw ko sa mga tauhan ko. "Huwag niyong ibabalita sa akin ang kapalpakan niyo. Gusto kong ibalik niyo siya sa akin. Naiintindihan niyo ba!"

Yes, desperado na kung titignan. Pero wala na akong ibang maisip na paraan para bumalik siya sa akin. Kaya bumagsak ako sa isang plano. I ordered my men to abduct her. Alam kong magsisinungaling siya para lang palayain ko, kaya naman sinubukan ko kung hanggang saan niya kayang lokohin ang sarili niya.

Desperado? Hindi. Sobrang mahal ko lang talaga. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan niya manatili lang siya, gagawin ko.

At hindi ko alam, 'yon lang pala ang simula ng pagsubok sa aming dalawa. I waited for her for years. Nang makapagtapos siya, gusto ko na agad siyang itali sa akin. Walang araw na hindi ko binabanggit o isinusulat sa papel ang kaniyang pangalan gamit ang apelyido ko. Para akong baliw kung titignan, but that's how yougo crazy when you're too in love.

"O, napapangiti ka mag-isa, kuya." puna ng aking kapatid na nangbubulabog sa opisina ko. "Nababaliw ka na ba?" pang-aasar nito.

Binato ko nga ng gusot na papel.

"Gago!" I chuckled.

Umayos ito sa kaniyang pagkakaupo at seryoso akong tinitigan.

"Pero seryoso, kuya, ano bang iniisip mo? 'Wag mong sabihin na..." nalaglag ang kaniyang panga ng mapagtanto kung ano ang plano ko.

I gave him a smirked.

"Gago...magpo-propose ka na?" muli ko siyang binato ng isa pang gusot na papel. Ang ingay, eh. "Kaya ba hindi mo siya tine-text o tinatawagan? Nagtitiis kang hindi siya kausapin para sa surprise mo. Hm...maganda ba naman kaya 'yan? Dapat nagpatulungon ka sa'kin, expert ako d'yan." nakangisi nitong saad.

"Oo nga, eh. Sa sobrang galing mong magplano, ikaw pa ang nagulat nang mag-propose ka sa asawa mo." I replied sarcastically.

Oo tama siya. Simula kaninang umaga tinitiis kong hindi tawagan o itext man lang ang babaeng mahal ko. Alam kong maaaring nagtatampo na 'yon kanina pa. Kahit kasi isang text mula sa kaniya, eh, wala rin. Paniguradong tulog na iyon sa mga oras na ito dahil gabi na. May trabaho siya bukas pero wala akong pakialam. Walang makakahadlang sa plano ko.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now