Llana's point of viewSurprise
Hindi ako nakatanggi sa kaniyang sinabi. After what he said, he left me hanging. Napanganga na lamang ako at natulala sa kawalan.
Is he serious? Ano na naman bang pumasok sa isip niya. Jesus!
That night, I keep on thinking about what he said. May kung ano sa tiyan ko na parang kumikiliti sa akin. Pero hinahayaan ko lang.
Hindi pwede 'to. I know he's not serious about what he said. At kung seryoso man siya roon, hindi rin pwede. Mali ito. Maling-mali. Besides that, I don't have feelings for him. Inis lamang ang nararamdaman ko para sa kaniya mula nang makilala ko siya. Kaya hindi talaga pwede.
Kinabukasan, nagising ako ng isang pagkatok. Kahit na inaantok ay pinilit kong buksan ang pintuan at tumambad sa'kin si Nathaniel. Na-concious tuloy ako sa itsura ko. Agad akong tumalikod sa kaniya.
"W-what is it?"
He faked a cough.
"Uh, mornin'," he said with a sweet husky voice.
"Seriously? Can't you see, kagigising ko lang. Don't you want to give me atleast five minutes to fix myself first?" I said sarcastically.
He laughed sexily. Oh, sweet Jesus!
"A'right, baby. I just want to tell you that...I have a surprise for you downstairs. Kaya, sumunod ka agad, huh. Or else..."
"Or else what?" I asked.
"I'll carry you downstairs with that look. Well, kahit naman bagong gising ka, maganda ka pa rin," hirit pa nito.
Minsan, hindi ko alam kung compliment pa ba ang sinasabi niya o talagang nang-aasar lang siya.
After my morning rituals, nagsuot lang ako ng simpleng dress at bumaba na. Habang naglalakad pababa ng hagdanan, isang pamilyar na boses ko tumawag sa pangalan ko dahilan upang mapalingon ako.
"Ate, Llana," A cute voice from my younger sister echoed inside the mansion.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya habang tumatakbo palapit sa direksyon ko.
"S-summer,"
"Ate," she said cheerfully then hugged me so tight.
Mahigpit ko rin siyang niyakap habang nakatingin kay Nathaniel na ngayon ay nakahilig ang ulo at nangingiti. Unti-unti siyang humakbang patungo sa amin.
"Pinasundo ko siya kasi alam ko na miss mo na," he stated.
"Thank you," I mouthed at him.
Kumalas ang aking nakababatang kapatid sa kaniyang pagkakayakap at hinarap din ang kaniyang pinsan.
"Kuya pogi, thank you, ah." Summer said.
"No problem, Summer." Nathaniel winked at my little sister.
Umalis si Nathaniel para sa kaniyang trabaho. Iniwan niya kami ni Summer sa mansion pero bago umalis ay kung ano-anong mga paalala pa ang sinabi sa kapatid ko.
"Bantayan mo ate mo, Summer."
"Huwag kayong aalis na 'di ako kasama, delikado na."
"Kumain kayo rito, okay. If you need anything, just ask yaya Adel. Pero mas maganda...tawagan mo na lang ako, Llana." he smiled.
Really? Gusto mo lang marinig boses ko, eh.
Talaga, Llana? Ano bang iniisip mo, huh. Erase that. Baka gusto lang akong asarin niyan, hm."Ate, close ba kayo ni kuya Nate?" Summer asked out of a sudden.
"Uhm, hindi masyado. Why did you ask, baby?" I asked while opening my laptop.
"I think he's babaero," she commented. I nodded without looking at her. "But, that was before, ate huh. Kasi base sa mga kwento niya kanina, parang in love talaga siya sa girl na sinasabi niya, eh. 'Yong mga ngiti niya kanina habang nagkukwento, kakaiba."
Sinasabi ko na nga ba, eh. He's already in love, tapos nakukuha niya pang manligaw? What a jerk.
"Sino kaya 'yong lucky girl na iyon, ate?" Summer asked curiously. "Baka alam mo, baka nadala na rito?" she added.
Baka nga, Summer. Baka nga ang babaeng nadala na rito. Kilala ko nga siguro.
"She's unlucky,"
"Huh? Why naman po, ate? Eh, kuya Nate is gwapo naman po. Tapos, mabait, caring and loving. Talagang jackpot ka kapag naging boyfriend mo," she giggled.
"H-hindi, ah. Hindi kami pwede," I stuttered.
"Not you, ate. I mean, swerte ng kung sinumang magiging girlfriend niya." she explained.
Natauhan ako sa sinabi ng kapatid ko. Oo, nga naman.
"Deffensive," I heard her whispered.
"What?"
"Wala, ate. Sabi ko, tawagan mo na po sina mommy." she replied.
I called mom and dad. I informed them na maayos lang si Summer na nakarating dito. Tumawag naman na daw si Nathaniel sa kanila, at sinabing okay nga daw ang kapatid ko. Pinagpaalam din daw nito na mag-iisang linggo rito ang kapatid ko. Pumayag naman daw sila kasi magiging busy daw sila for the whole week. Tuwang-tuwa naman ang kapatid ko.
Kinagabihan, magkakasabay kaming nag-dinner. Summer is sitting beside me, while her kuya Nathaniel is in front of me.
"What?" I mouthed at the man in front of me.
He shrugged his shoulders.
"You're beautiful," bawi nito.
Summer is busy with her foods. She's also busy with her phone so, hindi niya nakikita ang ginagawa naming sensyasan at bulungan. But later on...
"Kuya, do you have a girlfriend?" my younger sister asked curiously.
Nagkatinginan kami ng kuya niya.
"Wala pa sa ngayon. Hindi pa ako sinasagot, eh." he chortled.
Napailing na lamang ako. Ako ba 'yon?
"If I were that girl, sasagutin kita agad. Ano pa bang hahanapin sa tulad mo, kuya? Nasa'yo na lahat, 'no. Sayang, baka maunahan pa ng iba," makahulugang sambit ng aking kapatid at tsaka bumaling sa'kin.
"Tama ba ako, ate? Sayang kaya,"
Nagkibit balikat lamang ako.
"I don't know. Wala akong alam sa ganyan, Summer."
She raised her brows. Ang batang 'to, napakabata pa napakalawak na ng pag-iisip.
"Really, huh."
Wala pa naman talaga akong karanasan sa ganito. Hindi pa ako naligawan before. At wala pa talaga sa isip ko 'yon.
Ewan ko ba kasi kay Nathaniel. Ibang klase din ang trip ng isang 'yon, eh.
"Don't worry, Summer. I won't fall with any other woman. Sa kaniya lang."
Nagulat ako sa biglang pag-imik niya. Ang sensiridad sa kaniyang boses ay naroon habang sinasabi ang mga salitang iyon. At habang sinasabi niya iyon, titig na titig ang kaniyang mga mata sa'kin. Tila kumikislap ito at pakiramdam k9 matutunaw ako kaya't agad akong tumikhim at nag-iwas ng tingin.