Llana's point of view
Pay
We will encounter many defeats in life but we must not be defeated. At some point, we will fail our own battles. But what's more important is that we know how to lift ourself again and fight back those villains.
I lost my hopes, but for sure, there were still traces left to resolve all of those crimes that happened.
There's always a way to make those criminals pay.
Kung hindi batas, ako mismo ang gagawa ng paraan para magbayad sila. What they have done was too much that even their death couldn't repay.
Habang unti-unting ibinababa sa isang malalim na hukay ang kabaong ng nawalang kaibigan, hindi mapigilang tumulo ng mga luha mula sa aking mga mata, lalo na habang pinagmamasdan ang kaniyang mga naiwang magulang.
His death will bring his parents sorrow and pain. It'll leave them a scar in their hearts for the rest of their lives.
"I'm sorry for your lost, tita." marahan kong kinuha ang kaniyang mga kamay at banayad ko itong hinaplos. Binalingan niya ako ng may luha sa mga mata at kasunod nito ang banayad niyang mga yakap. "K-kung hindi dahil sa akin, baka kasama niyo pa siya." I said with guilt.
Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari.
Mula sa pagkawala ng anak ko hanggang sa pagkamatay niya at ng nurse na ang tanging hangad lamang ay malinis at marangal na trabaho. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat, pakiramdam ko ako ang puno't-dulo ng lahat. Kung hindi dahil sa akin, baka ngayon kasama ko pa ang anak ko, baka hanggang ngayon buhay pa rin ang mga inosenteng tao.
"Iha, w-wala kang kasalanan sa nangyari," sagot niya habang hinahaplos ang aking pisngi. "Alam ko na masaya siya kung nasaan siya ngayon, and we're also proud of him. Sinubukan niya lang gawin ang tama, at kusa niya iyong ginusto kahit na buhay niya pa ang kapalit."
Seeing her cry while realizing what his son did for me was totally heartbreaking.
"That's why i'm asking for your forgiveness. Kung hindi dahil sa akin, baka buhay pa siya." umiling siya at mapait na ngumiti, "Stop blaming yourself, I know he won't like it." she said.
These people, they're too good to be true. They're heart was pure and full of love and understandings. At ngayon mas lalo akong nasasaktan dahil kung sino pa ang hindi ko kadugo, sila pa ang may kakayahang intindihin ako. Sila pa ang nagpapalakas ng loob ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon kahirap para sa tinuring kong pamilya para unawin at paniwalaan ako. Is this because of my mother's history again, because of what she did before? O baka...dahil hindi naman talaga nila ako tinuring na kadugo? Baka palabas lamang ang lahat ng pinakita nila sa akin para hindi masira ang pangalan nila sa mga tao sa paligid nila. Oo nga naman. Oo nga pala, nakalimutan ko kung gaano kahalaga ang pangalan at magandang imahe nila. Walang ibang mahalaga para sa kanila kundi ang pangalan at kayamanan.
Now i'm wondering, ganoon rin kaya siya? Ganoon rin kaya ang lalaking minahal at pinahalagahan ko ng husto? Sana hindi.
"Ma'am, condolence po ulit," Kelly said politely, "Salamat, iha." matamlay na sagot ni tita.
Ang iilang mga bisita ay nakauwi na habang ang iba'y paalis pa lang. Diretso lamang akong nakatingin sa kung saan nilibing ang kaibigan. Tulala at nag-iisip ng mga susunod na gagawin.
Ngayong wala na si Kristof, hindi ko alam kung paano sisimulang alamin ang tungkol sa nalalaman niya sa pagkatao ko. Siguro dapat ko munang ipagpaliban kung anuman iyon dahil ngayon, may isang mas mahalagang bagay pa akong dapat unahin.
Kung totoo ngang buhay ang anak ko, sigurado akong malapit lang siya. Sigurado akong may isang taong may hawak sa kaniya, at iyon ang uunahin ko, ang gumawa ng unang hakbang para hanapin ang anak ko.