Five.

6 3 0
                                    

Llana's point of view

Bestfriends

The next day, maagang lumuwas ng Maynila si Kassian. He knocked on my room around five in the morning just to say goodbye. Inaantok pa ako noon pero pinilit ko ang sarili upang pagbuksan siya ng pintuan. When he was about to leave, he kissed me on my forehead and hugged me tight.

Nang isarado na niya ang pintuan ng aking silid, bumalik akong muli sa aking pagtulog.

I woke up around eight. I did my morning rituals before I headed to the kitchen. Papasok pa lamang ako ay tumama na agad ang paningin ko sa nag-iisang lalaki na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa. May kape sa kaniyang harapan habang pinaglalaruan ang kaniyang cellphone. Pero nang makita niya ako, agad itong nag-iwas ng tingin at agad tumayo. Naglakad siya at nilampasan lamang ako. I thought his going to piss me off again, but I was wrong. Nakakapanibago. Ako ang laging umiiwas sa kaniya, but right now, parang siya ang umiiwas. Or maybe, nahihiya siya sa'kin dahil sa asal niya kahapon. At kung nalaman niya na nakita ko ang ginawa nila ng babae niya, kaya siya nahihiya. But no! For sure, kukumprontahin at ipapahiya niya ako kung talagang alam niyang nakita ko.

Maybe he has a problem, huh. Siguro sa negosyo? O baka naman, pinagalitan nina tito. Haist! Kung anuman 'yon, wala na akong pakialam doon. Wala naman akong pakialam sa kaniya, eh. Just like how he doesn't care for my feelings when he's insulting me.

Mula nang araw na iyon, wala na akong naririnig sa kaniya. Kung magkakasalubong man kami, siya na mismo ang umiiwas. Madalas rin naman na maaga siyang umaalis at gabi na ring umuuwi. He's stressing himself for his works too much. Hindi na rin niya dinadala ang kaniyang babae rito sa bahay. Well, mas maganda.

"Mag-merienda ka na muna, iha. Tutok na tutok ka sa mga libro, ah." sulpot ni yaya Adel.

Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang dala niyang juice.

"Salamat, yaya." I thanked her.

She brought me a glass of orange juice and a slice of cake.

"Malapit na po kasi ang finals kaya kailangan ko po talagang mag-aral," I explained.

She nodded her head.

"Alam ko namang kayang-kaya mo 'yan, anak. Ikaw pa ba, napakatalino mo kayang bata. Maganda at mabait pa," puri niya sa'kin.

I chuckled and shook my head.

"Yaya, naman. Bolera ka po."

Nangiti lamang siya at umupo sa katabing bakanteng upuan.

"Ang swerte ng mga magulang mo sa'yo, anak. Kung lahat ng anak katulad mo, siguradong walang magulang ang problemado." she said meaningfully.

Napatitig ako sa kaniya. Malalim at seryoso ang kaniyang iniisip ngayon.

May bigla tuloy sumagi sa aking isipan. Alam kong mali kung itatanong ito, dahil parang nangialam na rin ako. Pero talagang kuryoso ako at marami akong tanong na gustong masagot.

"Yaya, can I ask you something?" I asked her seriously.

Binalingan niya ako at kumunot ang kaniyang noo.

"Ano 'yon, anak?"

I sighed.

"Bakit parang magkalayo ang loob ng magkapatid? I mean, si Kassian and Nathaniel po."

Mula nang dumating ang nakakatandang Valdimore, ni minsan hindi ko pa nakitang magkasama silang dalawa ni Kassian. I wonder why.

Sa una, akala ko hindi ikukwento ni yaya sa'kin. Pero kalaunan, binahagi niya rin sa akin ang kwento ng magkapatid.

She told me that those two were very close to each other before. Sobrang lapit sa isa't-isa at kung magkakatampuhan man ay agad ding nagreresulba. Pero nang makilala ni Kassian si Kelly, maraming nagbago.

Kassian likes Kelly. No, he loves Kelly before. Classmates silang dalawa mula pa lamang noong high school. Sobrang close at halos pagkamalang sila na raw noon kahit na ang totoo ay bestfriends pa lang naman sila. Kwento rin ni yaya na sinubukang ligawan ni Kassian si Kelly, but Kelly rejected him. Not just once or twice. Maraming beses daw itong sumubok pero wala talaga. Hanggang sa nalaman raw ni Kassian na may pagtingin ang babaeng kaniyang minamahal sa kaniyang nakakatandang kapatid. Hanggang sa minsan raw ay nakikita na ni Kassian na magkasama ang dalawa. Nawalan ng time si Kelly sa kaniya dahil sa kapatid nito nilalaan ang oras. Si Kassian na raw ang umiwas. His brother tried to approach him so many times, pero hindi siya nito pinansin noon.

I tried to put myself on Kassian's situation. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon niya, iiwas rin ako. Hindi dahil sa galit, kundi para hindi na madagdagan pa ang sakit. Time heals. Nakikita ko naman na ngayon ay maayos na si Kassian. Wala ako noon dito, so hindi ko alam ang nangyari sa kanila noon. But the way I see it now, mukhang okay naman na. I think, Kassian already moved on. Kaya siguro tuloy-tuloy na ang relasyon ng kaniyang kuya at ni Kelly.

But still, masyadong komplikado.

"Buti nga't nariyan ka, anak. Atleast, napapasaya mo si Kassian. Lalo na nang dinala niyang si Nathaniel ang babaeng 'yon rito. Ang kapal rin ng mukha. Nagulat nga ako dahil iyon ang unang beses na dinala ng batang 'yon si Kelly rito, eh."

First time?

Ibigsabihin, hindi pa kailanman dinala ni Nathaniel si Kelly rito kundi nang gabing iyon lamang? Pero bakit kaya? Kung noon pa lamang ay may relasyon na sila, bakit nang araw na iyon lamang niya nadala si Kelly rito?

Marami pa sana akong gustong malaman, pero pinigilan ko na lamang ang sarili. Masyado na akong maraming nalalaman na sa tingin ko'y hindi tama. Besides that, nakaraan nila 'yon, hindi ko na dapat ungkatin at pakialaman.

Dahil sa narinig kong kwento, mas lalo tuloy akong humanga kay Kassian. He's too strong to handle that kind of pain. Sariling kapatid niya pa ang karibal niya sa babaeng minahal niya noon. Pero kahit ganoon, hindi siya nagpadala sa galit at selos. Hinayaan niyang maghilom ang sugat sa bawat paglipas ng panahon. Matapang siya at sobrang tatag niya. Unlike his brother. Sana naisip niya manlang ang mararamdaman ng kapatid niya. Hindi niya dapat pinagpalit ang maganda nilang samahan para lang sa isang babae.

Kelly's no good for them.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now