Llana's point of view
Celebration
I felt a thousand bullets riddled on my chest.
Pakiramdam ko pinapatay ako sa sobrang sakit. At kung nakamamatay nga lang talaga ang masasakit na salita, malamang ay isa na akong malamig na bangkay sa ngayon.
Pero hindi pa man ako isang bangkay, totoong nanlalamig na nga ako.
Kasabay ng bawat pagpatak ng aking luha ang paghampas ng pang-gabing hangin. Samahan pa ng lamig na nagmumula sa gitna ng malawak na karagatan.
Nanginginig ang aking katawan lalo na ang aking mga labi. Walang mahanap na tamang salita na maaaring sabihin.
Hindi maiproseso ng aking utak ang kaniyang mga sinabi. O baka...ayaw lang sadyang tanggapin nito dahil sa sakit.
I wanted to stop him. I wanted to apologize again and again just to make him stay. But I don't have enough strength to do that.
Parang hindi kayang marinig at tanggapin ng aking puso't isipan ang kaniyang mga maaari pang sabihin.
Gusto kong depensahan ang sarili at magpaliwanag. Subalit nakakatakot na baka parehong mga salita pa rin ang matanggap ko.
I cried more when I realized all the things that i've done.
It's all my fault!
Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya. Puro na lang ang sasabihin at iisipin ng ibang tao ang inaalala ko. Hindi ko man lang inalala na mas masasaktan pala ang taong mahal ko.
Why is it so painful now?
He's finally giving me up. And I must be happy.
Pero hindi, eh! Hindi ko pala kaya.
Living without him is a wasted! I can't see the beauty of tomorrow without him holding my hands while kissing under the beautiful sunset. I just can't imagine myself living alone, again.
Sinanay niya ako sa pag-aalaga at pagmamahal niya.
At ngayon, hindi ko hahayaang mawala siya.
"H-hindi ko tatanggapin ang mga sinabi mo." nauutal kong sambit.
Alam kong narinig niya ang sinabi ko. Alam ko ring hindi pa siya tuluyang umaalis.
Marahan at unti-unti kong nilingon ang direksyon niya.
At tama ako! Nakatayo siya hindi pa ganoon kalayo sa pwesto ko. Nakatingin sa malayo habang parehong nasa bulsa ang magkabilang kamay.
"You're lying! Tell me your lying!" madiin kong sambit habang lumuluha.
Nilingon niya ako.
His tired and bloodshot eyes darted on me.
Binasa kong mabuti ang sinasabi ng kaniyang mga mata at wala akong ibang makita roon kundi galit at sakit.
Tinungo ko ang direksyon niya nang hindi inaalis ang aking mga mata sa kaniya. Ganoon din siya, titig na titig lamang habang papalapit ako sa kaniya.
"Sinabi mong malaya na ako sa oras na dumaong na ang yateng ito." sambit ko ng makalapit ako sa kaniya. "K-kung hindi ba dadaong, ibigsabihin ba noon na pwede pa rin tayo? Na...may karapatan pa rin ako sa'yo?" my lips were shaking so bad.
Napalitan ang emosyong nakikita ko ngayon sa kaniyang mga mata. Subalit, hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang naroon ngayon.
Kumunot ng bahagya ang kaniyang noo at gumalaw ang kaniyang panga.