Forty three.

5 0 0
                                    


Llana's point of view

Immaculate white

"Shit." she murmured, staring at me with amusement. "You look really beautiful, sweetie." she praised me.

I smiled bitterly.

Maganda lang ako, pero wasak ako. If only beauty could change my fate, magpapasalamat pa ako dahil naging maganda ako. But unluckily, hindi lahat ng magaganda, masaya. I would rather choose not to have this face kung ang kapalit naman ay tahimik at masayang buhay.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo? You left the mansion for me, baka rin magtaka sila." I asked with concern.

"Ang asawa ko, naiintindihan niya. Siya pa ang nagsabi na tulungan kita para maka-attend sa party. Kung ang pamilya niya ang iniisip mo, ts, wala naman akong pakialam sa kanila." she replied.

"Nararamdaman ko kasing makakagulo lang ako roon. Kung mangyari 'yon, siguradong mapapahiya sila, at ayaw ko na mangyari iyon." I explained worriedly.

"Hindi naman 'yon mangyayari kung hindi sila magsisimula. Lalo na ang dalawang bruha." she's pertaining to tita Brianna and Katana. "Basta, nasa likod mo lang ako." she assured me.

Kelly did all my make-ups, she also chose me a red stunning dress that i refused to wear.

Pagkatapos mag-ayos, agad kaming tumungo sa mansion namin, na sa tingin ko'y mansion na lang nila ngayon.

"You ready?" tanong niya sa akin nang maigarahe na niya ang kaniyang kotse sa loob ng mansion. "Kapag ba sinabi kong hindi, pwede pa ba akong umuwi?" pagbabalik ko sa kaniya ng tanong.

Her lips stretched into a devilish grin. "Go, you still have time. Kung gusto mong lalo nilang isipin na guilty ka, go." pananantsa niya sa akin.

Sandali akong natahimik bago nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Besides that, narito ka kasi inimbitahan ka ng mommy mo. Nandito ka para sa kaniya, hindi para sa mga hayop na nariyan." mataray niyang saad.

Tumango ako, "You're right." I said.

Pagbaba ng kotse, agad na kaming pumasok sa loob ng mansion. Pagpasok pa lamang, kitang-kita na ang iba't-ibang mga dekorasyon. Simple pero nagpapakita pa rin ng karangyaan.

When we entered the mansion, all eyes darted on me. Staring at me with questions. Siguro nasa isipan nila ngayon kung sino ako. While some of them who knows about me were staring at me darkly.

Yes, I entered our mansion again, but the way people stares at me makes me feel unwelcome. Kung tignan nila ako, parang gusto na nila akong paalisin sa sariling pamamahay. Hindi ko rin naman sila masisisi, siguro ngayon alam na rin nila ang mga nangyari at ako na naman ang napalabas na masama.

"Doon tayo sa may poolside, naroon yata sina tita." I nodded, following her on our way.

Pagdating sa may poolside, marami pa ring mga bisita. Mga kilalang kaibigan, kilalang mga business partners nina mommy. Nang makita ang presensiya namin, ang ngiti sa kanilang mga labi ay unti-unting napawi.

Damn! I feel like a virus here.

Sa sakit na nararamdaman ko, natatawa na lang ako. Nakakabaliw na ang sakit.

"Look who's here, tita." isang pamilya na boses ang narinig ko sa likuran namin, "Chin up, sweetie." Kelly whispered.

Unti-unti naming nilingon ang nagsalita.

Katana smirked and raised her brow.

"Inimbitahan pa rin pala ni Odette ang kaniyang ampon." tita Brianna stated. "Obviously, mama. Hindi naman pupunta rito si Llana kung hindi siya imbitado, eh. Hindi tulad ng iba d'yan." pagpaparinig ni Kelly kay Katana.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now