Llana's point of view
Visit
Pagod na pagod ako mula sa eskwelahan. Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at tsaka binagsak ang sarili sa aking malambot na higaan.
Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at muntik na akong tuluyang makatulog nang hindi pa nakakapagpalit ng uniporme. Mabuti na lamang at may kung sino ang kumatok sa labas ng aking pintuan.
I was expecting that it was only yaya Adel, kaya't hindi na ako nag-abalang ayusin ang sarili pati na rin ang nakabukas na isang butones ng uniporme. Subalit laking gulat ko nang buksan ko ito.
"K-Kassian," I shivered when I saw him outside my room.
Agad ko siyang tinalikuran upang ibutones ang uniporme at ayusin ang medyo magulong buhok. Nang ramdam kong maayos naman na ang itsura, marahan akong bumaling sa kaniya.
"A-anong ginagawa mo rito?" I asked him shyly.
He chuckled a bit and patted my head.
"Hindi ba ako pwede rito? Last time I checked, bahay ko rin 'to," biro niya at tsaka ngumiti.
I smiled.
"Oh, naistorbo yata kita. Ang mabuti pa'y magbihis ka na muna. I'll wait for you downstairs, sabay na tayong magmerienda." I nodded and closed the door.
A smile curved into my face. Siguro'y dahil sa ilang buwan na pag-iisa ko rito, sa wakas ay may makakausap na muli ako, kahit sa sandaling panahon lang.
Mabilis akong naglinis ng aking katawan at tsaka nagpalit ng damit. I wear a black racer back sando paired with a white long pants. Hindi kasi ako sanay na maikli ang suot, lalo na kung nakasando pa ako.
Mabilis akong lumabas ng aking silid at bumaba sa hagdanan. Dumiretso ako sa may kusina kung nasaan si Kassian. Naabutan ko siyang naghahanda ng merienda namin.
Nakatalikod ito sa akin kaya't hindi niya namalayan ang aking pagdating. Umupo ako sa harapan ng counter top at tsaka siya tinitigang mabuti habang nakatalikod.
"Jesus!" nagulat siya nang humarap sa akin.
Natawa ako sa kaniya kaya't natawa rin siya sa naging reaksyon niya.
"Ginulat mo naman ako." he said while chuckling. "I thought mamaya ka pa bababa, eh."
Umiling ako.
"Ginugutom na rin ako, eh." I replied with a smile.
Naglabas siya ng juice mula sa fridge at nilagay sa taas ng counter top kasunod ang carbonara na niluto niya.
"Thank you," I mouthed at him.
He only smiled and sat beside me.
We started eating what he cooked while having a talk.
"Kailan uuwi sina tita?" I asked out of a sudden.
Bumaling ito sa'kin at tsaka muling bumaling sa kaniyang pagkain.
"Maybe next month. Hindi pa rin sigurado." he replied while eating. "Why? May problema ka ba dito? Tell me," he demanded.
I looked away and sipped on my glass of juice.
"Uh, wala." I denied.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang kaniyang nakakatandang kapatid. I wonder if he knew that his brother is here.
"Alam ba ng kapatid mo na umuwi ka?" I asked curiously.
Nagkibit balikat siya at tsaka nagpatuloy sa kaniyang kinakain.