Llana's point of viewLike
Oh, that man!
Ano na naman bang ginamit niya at nagkakaganoon siya? Kung ano-anong pinagsasabi.
Ano sa tingin niya, maniniwala ako sa mga pinagsasabi niya sa'kin? He's crazy. Malamang pinagti-tripan na naman niya ako.
That night, hindi ako agad dinalaw ng antok. Hirap akong makatulog dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Kahit ayaw kong isipin at alalahanin, kusang naglalaro sa aking isipan. Pero nang mapagod, kusa ring pumikit ang aking mga mata.
Sa sumunod na araw, maaga akong nagising. Pupunta ako sa eskwelahan upang tapusin ang pagpapapirma ng aking clearance at para na rin kumuha ng grades. Pero bago umalis, dumiretso muna ako sa kusina upang mag-almusal.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kusina ay naririnig ko na ang tunog ng mga kubyertos.
I smiled. Alam ni yaya na aalis ako ngayon, kaya't paniguradong pinaghanda niya ako kahit na hindi naman na kailangan dahil kaya ko na.
Ilang hakbang pa at tuluyan na akong nakapasok. Subalit sa pagpasok ko, napagtanto kong nagkamali ako. It thought it was yaya Adel, pero mali ako. Ang ngiti sa aking mga labi ay kusang napawi. At ang galak na kanina'y nararamdaman ay biglang napalitan ng kaba.
May oras pa para umatras at umalis na lang. Hindu niya pa ako nalilingon. Pero tila ba'y nakapako ang aking mga paa at hindi makagalaw.
Abala siya sa pagluluto habang may suot na apron. Nakasuot lamang siya ng itim na shorts at white na sando.
Maya-maya ay bigla itong napalingon sa aking direksyon. Nagulat ako roon at napaiwas ng tingin. Akala ko'y magagalit siya subalit hindi. Ngumiti lamang siya at pinatay na ang apoy sa pinaglulutuan. He removed his apron and put it on its place.
Matapos ay lumiko sa may counter at inilapag ang kaniyang mga niluto.
Hindi ko alam kung bakit naririto pa ako at nakatayo. Dapat na akong umalis pero bakit tila hindi ako makagalaw.
Then I saw the countertop. May mga pinggan na ritong nakalapag, may mga kubyertos, baso at sa isang tapat ay may gatas.
"Let's eat?" I was awakened by his sweet voice.
Napatingin ako sa kaniya at nakitang may hawak itong dalawang baso ng tubig mula sa fridge.
Nanuyo ang aking lalamunan.
"U-uh, sige." Iyon lamang ang aking naisagot.
Bait-baitan talaga siya. Siguro may kailangan 'to.
"C'mon, Llana. Kumain ka na muna bago pumasok. Please," he begged.
Kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya. Ngumiti siyang muli sa akin subalit hindi ko ito sinuklian. Umupo ako sa highchair at inayos ang aking sarili. Ganoon rin ang kaniyang ginawa.
Walang nangangahas na magsalita sa aming dalawa. Tahimik lamang kaming kumain ng almusal hanggang sa matapos.
"Ang gatas mo," he said.
"What?"
"Inumin mo ang gatas mo," he demanded.
I sighed.
"I thought it's yours," I replied.
Tipid lamang itong ngumiti.
Nang maubos ang isang basong gatas, bumaba na ako sa highchair.
"U-uh, salamat sa pagkain. Safe naman siguro iyon kasi hanggang ngayon humihinga pa 'ko," I stated.
Natawa siya sa aking sinabi.
"I won't do that. I'm not as evil as you think, Llana." he explained. "Can you wait for me?" he added.
"Why?"
"Ako na ang maghahatid sa'yo...k-kung okay lang. Madadaanan rin naman ang eskwelahan mo." medyo nahihiya niyang tanong dahil napaiwas siya ng tingin.
"O-okay," I stuttered.
Awkward! Bakit bigla akong nailang, oh my!
I've waited for him just like what he wanted. Hindi naman siya natagalan.
Nakaupo ako sa sofa nang mapadaan ang aking paningin sa lalaking pababa sa enggrandeng hagdanan.
Nathaniel is now on his business suit. A black pants paired with brown longsleeves.
Habang pababa sa hagdanan ay kaniyang tinutupi ang kaniyang damit.
Hindi pa man siyang tuluyang nakakababa, nauna na akong tumungo sa labas ng mansion. At nang nakalabas na rin siya, ako na ang naunang pumasok sa kaniyang sasakyan. Binuksan ko ang pintuan sa likuran ng kaniyang sasakyan.
"Damn! You don't treat me as your driver, don't you?" medyo natatawa niyang sambit.
My brows furrowed.
"H-huh?"
"What I mean is, magmumukha akong driver kung d'yan ka uupo sa likuran. Dito ka na sa harapan." he said and opened the door for me.
"No. Dito ko gustong umupo sa likuran. Kung ayaw mo pala na magmukhang driver, eh sige. Sa iba na lang ako sasakay. Pwede rin namang magpahatid na lang sa driver-"
"Damn!" I heard him whispered a curse. "Okay, baby. Calm down."
Humilig ako.
"I am not used to drive someone with my own car. But...if it is you i'll drive with, hindi na ako aarte pa."
"Hm,"
"I'll be your driver and i'll drive you wherever you want. I'm fine with a driver-passenger thing, as long as you are my passenger." he said sincerely. "So please, hop in, baby."
Tahimik lamang ang buong biyahe. Puro tikhim lamang ang nagagawa ko ganoon rin siya. I can't even start a conversation with him. I don't trust him. What if this is only a trap. Ayokong paloko sa kaniya.
"Anong oras ang uwi mo mamaya?" he asked out of a sudden.
I looked at him.
Hindi ko alam. Depende."
He nodded.
"Bakit mo tinatanong?" I asked him.
"Wala naman. Mag-iingat ka pag-uwi. Sana makauwi ako ng maaga mamaya para masabayan kita mag-dinner," he said without looking at me. Diretso lamang ang tingin sa kalsada.
Hindi ako umimik.
Mula nang araw na 'yon, nagbago ang set-up naming dalawa. Dahil bakasyon na, madalas ay tanghali na kung ako'y nagigising. At sa t'wing bababa ako sa kusina upang kumain ng almusal, hindi luto ni yaya Adel ang inihahain kundi luto lahat ni Nathaniel. Sa gabi, madalas rin niya akong sinasabayan sa pagkain kahit na halatang minsan ay busog na siya. Kung may gusto naman akong pasyalan o bisitahing mga lugar at mga kaibigan, nagpapaka-driver din siya para sa akin. He changed a lot. Or maybe...he is just pretending. Baka isa lamang 'to sa mga kalokohan niya sa'kin.
Hanggang isang gabi...
"I like you, Llana. And...I want to court you. With or without chance, until you develop your feelings for me, too." he said huskily.
Natulala na lamang ako sa kaniyang sinabi at halos hindi makahinga sa bilis ng pagtibok ng aking puso.