Llana's point of view
Slap
There were things given to us unexpectedly and taken back so easily. It only means that, there were such things that wasn't meant for us. Only given to make us prepared the next time we have it again.
Siguro tama sila, hindi pa siya ang para sa akin. She's only an angel in disguise. She made me a better version of myself by making me feel a real mother even just in a short period of time. She prepared me in all circumstances that isn't impossible to happen again.
There is no easy process of moving on and letting go, especially when she had become your strength, your life.
Hanggang ngayon masakit pa rin. Ilang araw na siyang wala pero ang sugat sa puso ko parang bago lang at sadyang nagdurugo pa rin. Halos mabaliw ako sa pagkawala niya. Halos gustuhin ko na ring sundan siya nang malamang wala na siya. Pero alam ko may dahilan ang lahat. Alam ko na kung nasaan man siya ngayon, nakangiti niya akong pinagmamasdan at binabantayan.
I lost her, but i still have reasons to stay.
Simula nang mangyari ang aksidente, tila may nagbago sa lahat.
My friends, my family, my fiancee, they all changed. And everyone was blaming me.
Oo, kahit ako ay sinisisi ko rin ang sarili ko, pero nawalan rin naman ako. Bilang isang ina, mas masakit sa akin ang pagkawala ng anak ko. Oo, lahat kami nagluluksa sa pagkawala niya, pero mas malaking sugat ang dinulot nito sa akin higit sa sakit na nararamadaman nila.
Nawalan rin ako, pero sa huli ako pa rin ang sinisisi.
Pero kahit na ganoon, sinubukan kong intindihin. Dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan. Alam ko kung gaano kasakit.
"T-tita," nag-aalinlangan kong pagtawag kay tita Brianna.
I have decided to visit their mansion to apologize, to have a conversation with them since that they haven't talk to me after the accident.
She smiled bitterly and slapped me.
Agad siya inawat ng kaniyang asawa, "Ang kapal ng mukha mong bumalik pa rito. Hindi mo ba alam ang salitang hiya, huh!" she said angrily.
Nag-init ang aking pisngi kasunod ang pagpatak ng luha sa aking pisngi na agad ko ding pinawi.
"Tita, pakinggan niyo po ako," pagsusumamo ko.
She eyed me with so much anger.
"Matapos mong patayin ang apo ko, at matapos mong pagtaksilan ang anak ko! Hinding-hindi kita mapapatawad. Hindi ka namin mapapatawad." she fired me.
Hindi ako nagdalawang isip na lumuhod sa harapan niya, sa harapan nila para lang sa kapatawaran.
"Let me explain, p-please." halos halikan ko na ang malamig na sahig dahil lang sa pagmamakaawa ngunit imbes na pakinggan, puro masasakit na salita lamang ang natatanggap ko mula sa kaniya.
"Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya namin, lalo na sa pamilya ng kapatid ko." she stated, "Wala kang pinagkaiba sa nanay mo. You have no class and decency. Kayang pagsabayin kahit na dalawang lalaki. Who knows, baka kaya nawala rin ang bata ay dahil sa hindi siya sa anak ko,"
Natigilan ako sa sinabi niya, sa mga maling pang-aakusa niya. Ang saktan ako'y balewala lang dahil alam ko na may kasalanan ako sa nangayari, pero ang isiping anak ko siya sa iba ang hindi ko kayang tanggapin.
Sobrang baba na ng tingin niya sa akin ngayon na parang isa na lang akong peste sa kanila. Masyado niya ng tinapakan at ibinaba ang pagkatao ko, at hindi ako papayag na madamay pati anak ko.