Llana's point of viewAssurance
"Kumain ka muna, Summer. Let's not talk about those things. Masyado ka pang bata para riyan." I explained to her. "At kahit pwede na, hindi pa rin tama na sagutin mo agad ang isang lalaki. Say yes, kung nakikita mong talagang gusto ka. Say yes, kung mahal ka. And, say yes, kung kilalang-kilala mo na siya." dagdag paalala ko.
My fourteen years old younger sister remained silent. While the only man here bowed his head.
"I know, ate. I'm sorry,"
Matapos kumain ay naunang umakyat sa aking silid ang aking kapatid. Maraming kwarto ang mansion, pero mas gusto niyang kasama ako sa pagtulog. Ganoon rin naman ako.
Nagpresenta ako na ako na ang maghuhugas ng pinggan. Dahil sa pangungulit ko, pinagbigyan rin naman ako ni yaya Adel. At nang matapos ay umakyat na rin ako sa pangalawang palapag. At habang naglalakad, natanaw ko si Nathaniel sa may hamba ng kaniyang pintuan. Madadaanan ko pa ang silid niya, kaya hindi ko siya naiwasan.
"Sinong hinihintay mo?" tanong ko nang matapat ako sa kwarto niya.
Umayos siya ng pagkakatayo at ngumiti.
"Ikaw,"
"Uh," tipid kong sagot.
"Pwede ba tayong pumasok sa kwarto ko?" he asked.
Nagulat ako sa tanong niya.
"Oh, don't get me wrong. Wala naman akong gagawing masama. May mga bagay lang akong gustong ipakita sa'yo."
"No,"
"Please?"
I was hypnotized by him. Using his sweet magical voice, para akong isang tuta na bigla niyang napaamo at napasunod. I don't know, sobrang lambing lang kasi ng boses niya. At seryoso siya.
Kaya nga't pumasok na kami sa loob ng kwarto niya. Pagpasok pa lang, kitang-kita na ang kabuuan. His room is painted with the combination of black and white. Ang kombinasyon ng kulay na paborito ko. Pero syempre hindi ko sasabihin. Baka isipin niya ginagaya ko siya, eh.
His room is filled with magnificent paintings painted by most well-known artists. Iba-iba pero pareparehong magaganda at dekalidad.
Malaki ang kaniyang silid. At may iilang pintuan pa sa loob nito. I roamed my eyes in his whole place at natigil lamang sa isang pintuan kung nasaan siya.
"Let's go inside," he smiled genuinely.
I nodded and looked away. Hindi ako makatagal ng tingin kapag ganito siya.
Nang makapasok sa loob, doon ko napagtanto na ito ang kaniyang opisina. His things were all well-arranged. Kung titignan, parang babae ang may ari sa sobrang linis. Teka, mas malinis pa nga yata kesa sa kwarto ko, eh. Oh, well, syempre mga kasambahay parin naman ang naglilinis panigurado.
"What is it that you want me to see?" panimulang tanong ko.
Sa halip na sagutin ako, nagulat ako sa biglaang pagbukas ng dingding. Woah! Secret room, huh. At tumambad sa'min ang iba't-iba pang mga paintings. Paintings ng family nila at iba't-ibang picture frames. At ang kabuuan ay napaliligiran ng salamin. Dinala ako ng sariling mga paa sa loob nito. At muli kong inikot ang aking mga mata sa loob nito hanggang sa mapako sa nag-iisang kakaibang painting. It's a woman's portrait. At...at hindi ako pwedeng magkamali.
"It's me," mahina kong sambit.
Hindi makapaniwala sa nakikita ng mga mata.
"Yes," he answered.
"Why do you have a portrait of me?" tulala pa rin ako sa aking mukha sa painting.
"I don't know. I've got addicted looking at you. But you can't stay by my side...because you're not mine. So, I asked my friend to paint you instead. In that way, may titignan ako kapag wala ka." he explained with sincerity.
I looked at him.
"Why?"
"What?"
"Why are you doing all of these? Bakit noon galit na galit ka at halos sumpa para sa'yo ang makita ako araw-araw, tapos ngayon bigla-bigla ka nalang magiging ganito?"
"Because you're driving me fucking crazy, baby. And my thoughts of you being happy with my brother frustrates me. And I told you...I tried to do something just to forget about you, kaso hindi kita makalimutan. Bawat araw na ginagalit kita, na ginagalit ko ang sarili ko sa'yo...mas minamahal lang kita," lumapit siya at hinaplos ang aking pisngi.
Nag-init ang aking pisngi at nangilid ang mga luha sa aking mga mata.
I wasn't sure if this is because I am happy because of him, or maybe because he just really confused me.
Ano bang dapat kong maramdaman ngayon? Nahihirapan na ako. Nalilito na ako.
"I won't ask for more, but only for a chance." his eyes remained on me. "Please, give me a chance and I won't waste it." he pleaded.
"What if matagalan bago ang sagot ko sa'yo?"
He looked away.
"You are worth waiting for, baby. Kahit gaano katagal, maghihintay ako."
Bigla na lamang akong napangiti sa kaniyang sinabi.
"O-okay," nauutal ko pang sagot sa kaniya.
He chuckled a bit.
"Did I heard it right? Pumapayag ka na?" he asked like a kid.
Natawa tuloy ako.
"Gusto mo bawiin ko?" I joked.
"You can't do that, baby."
Naalala ko lang. 'Diba nanliligaw naman na siya?
"Nanliligaw ka na hindi ba? Bakit humihingi ka pa ng chance?" I asked curiously.
"For assurance, baby. And, gusto ko lang marinig mula sa'yo. Well, kung hindi ka naman pumayag, wala ka paring magagawa kasi liligawan pa rin kita." he smirked.
Ang isang 'to talaga! Eh, ba't pa siya nagpaalam hindi ba. Loko talaga.
"Nathaniel Medina Valdimore," basa ko sa kaniyang pangalan na nakaukit sa isang marmol.
Umupo ako sa sofa sa loob ng kaniyang opisina habang nakaupo siya sa kaniyang swivel chair.
Kanina pagkatapos namin mag-usap, hinayaan niya akong libutin at tignan lahat ng gusto ko sa loob nito.
I pouted my lips. Ano pa bang gagawin ko dito? Halos lahat naman natignan ko na, eh. Alangan naman pati documents sa company nila tignan ko, 'diba? Kaso, ayaw pa ako palabasin, eh.
"Uh, Nate?" tawag ko sa kaniya nang hindi siya tinitignan.
"Damn! It's so good to hear from you to call me that way, baby." he whispered huskily.
"Huh?" tumingin ako sa kaniya.
"You look so damn hot calling me by that name. You sounds sexy using it," he commented.
Nag-init na naman ang aking pisngi.
"Ewan ko sa'yo, Kuya Nathaniel." natatawa kong biro sa kaniya.
Sumimangot siya na parang bata. Lalo lamang tuloy akong natawa.
"Stop it, baby. I'm not your kuya." he said.
Hindi pa rin ako tumigil sa pagtawa nang mapansin kong nakatitig na siya sa akin.
"Stop staring."
"What, baby?"
"Sabi ko, huwag kang tumitig." ulit ko.
"Mahirap ang gusto mo. You stop being so beautiful first," tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
Oh, this man!