Fourteen.

8 0 0
                                    


Llana's point of view

Choose

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan na bakasyon at ilang linggo na rin ang lumipas nang magsimulang muli ang eskwela. And now that I was in the second year, kailangan kong mas maging tutok sa pag-aaral at iyon nga ang ginagawa ko.

Sa umaga ay inihahatid ako ni Nate sa eskwelahan. At kung sa uwian naman, umaalis siya ng opisina upang masundo lamang ako. Maliban na lamang kung may mga importanteng bagay akong kailangang gawin kasama ang mga kaibigan.

Tama siya. Masyado siyang seloso at clingy. Pero sa bawat araw na lumilipas, nasasanay ako na ganoon siya sa'kin. Kaya't hindi ko maiwasan minsan na matakot.

What if masanay ako at mahulog ng sobra sa kaniya, ayokong masaktan. He likes me, yes! But what if his feelings changed? Everything can change, at natatakot ako na isa sa magbago ay ang kaniyang nararamdaman para sa akin sa oras na hulog na hulog na ako sa kaniya. Dahil sa totoo lang, oo at unti-unti na nga akong nahuhulog sa kaniya. I like him. And i'm falling for him, for real.

"Uuwi sina mama at papa sa susunod na araw," Nate stated, while driving his car.

Naisip ko na ang tungkol dito noon. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga salitang maaari nilang bitawan sa'kin at sa mga bagay na maaari nilang gawin, subalit hindi pa rin nabawasan ang takot na dumadaloy sa akin ngayon.

"Are you scared?" hinawakan niya ang aking kamay. "Wala kang dapat ikatakot. You think pababayaan kita? I will always be at your side."

Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa dinadaanang kalsa.

"And, If I was asked to choose...I will choose the one that completes me. And it's you, Llana. You will always be my choose." halos tumulo ang mga luha sa'king mga mata dahil sa kaniyang sinabi. I didn't expect it from him.

At hindi ko kayang makita o marinig ang pagpili niya sa pagitan ko at ng pamilyang bumubuo sa pagkatao niya.

"Ayokong mawala ang kahit na ano sa'yo dahil sa akin, Nate." hikbi ko.

"Ssh," he caressed my cheek. "I can lose anything, Llana. Tatanggapin ko kung anuman ang mawawala sa akin kung ang kapalit naman ay ang tayo. Ayos lang mawala sa'kin lahat ng mayroon ako ngayon. Pero hindi ayos sa akin at hindi ako papayag na mawala ka sa akin."

His words were powerful. Bawat salitang binibitawan niya ay punong-puno ng kasiguraduhan. Kinakalma nito ang puso ko at parang hinahaplos ito. I am scared, pero kapag ganito siya, pakiramdam ko'y ayos ang lahat.

"Will you trust me, baby?" he asked hopefully. "If you're scared, let me fight for us. Ako ang lalaban para sa ating dalawa. Just trust me, and don't leave me."

I cried more because of what he said. I know I can fight for us. I can fight for him. Hindi ko lang kakayanin na makita siyang nahihirapan ng dahil sa akin.

Meanwhile, we're still unsure of what could happen. Isa lang ang sigurado ako. Sigurado akong may paninindigan si Nate sa bawat salitang kaniyang binitawan.

Kaya naman nang dumating ang kaniyang mama at papa, ganoon na lamang ang aking kaba. Nanginginig ang aking mga tuhod at halos hindi ako makatingin sa kanilang mga mata.

"How are you, iha? Pagpasensyahan mo na kung matagal kaming nawala rito, huh." his mother apologized when in fact, she doesn't really need to.

I tried to smile.

"Do you have a problem, iha? May ginawa na naman ba sa'yo itong si Nathaniel? Tell me, darling ako ang bahala." she asked while giving her son a death glare.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now