Two.

7 3 0
                                    

Llana's point of view

Insulted

While walking down the staircase, rinig na rinig ko na ang mga boses mula sa ibaba.

"Welcome home, iho." It's tita Brianna's voice.

"Mabuti at naisipan mong umuwi," si tito.

"Welcome back, kuya." It's Kassian.

Tumigil ako sa aking paghakbang at nakinig muna sa kanila. Tutal pamilya nila ito, mas magandang mag-catch up muna sila nang sila lang muna.

"I'm happy to be back, mama." a man's baritone voice said.

Dinapuan ako bigla ng kaba at hiya. His voice was cold. Parang walang emosyon. Walang galak o kung anuman. Unlike his younger brother. I think he's not that friendly. I think he's a serious type of person. Mahirap lapitan at kausapin.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang aking lakas ng loob upang magpatuloy patungo sa kinaroroonan nila. Tita Brianna smiled widely when she saw my presence.

"Iha, halika dali." she said full of excitement.

Ako naman, lumapit kahit na kinakabahan at nahihiya. The man's eyes remained on me. He's looking at me intensely while I can't even take another step because my knees seems to melt anytime soon. I don't know, but I really feel uneasy, specially the way he looks at me. Para siyang isang tigre na bigla ka nalang susugurin kung gugustuhin. But i'm still hoping that he's nice. Iniisip ko na lamang na nag-oover think lang ako.

Nang nasa gilid na ako ni tita, pinakilala niya ako sa panganay niya.

"Son, this is Llana." she introduced me and looked at her son. "Llana, ito naman ang panganay ko,"

Marahan kong binalingan ang panganay. Naiilang man ay pinilit ko pa rin itong tignan.

"Nathaniel" nagulat ako ng ilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. Ilang segundo ko rin itong tinitigan bago ko ito tinanggap.

"L-Llana," nahihirapan kong pakilala at tsaka nag-iwas ng tingin.

"I've heard a lot about you." he said casually.

Napabaling akong muli sa kaniya at tinignan siya. Humilig ang kaniyang ulo at nakita ko ang kaniyang tinatagong ngiti. Gustuhin ko mang kalmahin ang sarili at isiping tulad rin siya ni Kassian, hindi ko pa rin magawa. His eyes is different. I can see how cold he is and how ruthless he is through his eyes. Hindi ako pwedeng magkamali.

Matapos ang kaunting pagpapakilala, dumiretso na kami sa silid kainan.

"Thank you," pinasalamatan ko si Kassian nang ipaghila niya ako ng bangko.

Hindi sinasadyang tumama ang aking mga mata sa kay Nathaniel. Matalim ang kaniyang titig sa aming direksyon at nakatiim bagang ito. Nang mapansin niyang nakatingin ako, agad itong nag-iwas ng tingin at umupo sa kaniyang pwesto.

Si tito ang nasa dulo ng lamesa. Si tita naman ang nasa aking tabi at sa aming harapan ay ang magkapatid. Sa harapan ko ang bunso at sa harapan ng ina ang panganay.

"Let's eat," tita declared with a smile.

Nagsimula ng kumain ang mag-asawa. Ako, kukuha na sana ng pagkain ng biglang tumayo si Kassian upang ipaglagay ako ng sapat na pagkain. Nagulat ako sa kaniyang ginawa kahit na ginagawa niya rin naman ito noon sa'kin. Abala lamang ang mag-asawa sa pagkain at nang mabalingan ko ng tingin ang supladong panganay, matalim na naman ang kaniyang titig sa amin. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan na lamang ang kaniyang kapatid.

"Thank you," I mouthed at him.

Ngumiti lamang ito at muli nang naupo sa kaniyang upuan.

Nathaniel faked a cough.

"Kuya, inuubo ka?" his brother asked.

I looked at him. Nagkatitigan kami sandali bago siya umimik.

"Nuh," tipid nitong sagot.

Naging maayos naman lahat sa hapunan. Nag-usap silang pamilya tungkol sa business na halos hindi ko maintindihan at tanging ang makinig lamang ang ginawa ko. Ang paraan ng pag-uusap nila'y masyadong pormal at bakas sa kanilang pinag-uusapan kung gaano sila kagaling pagdating sa mundo ng pagnenegosyo.

"How about you, iha? 'Diba architecture ang kinukuha mo?" biglang tanong ni tita sa'kin.

All eyes bored on me.

"Uh, y-yes po." I replied.

"Is it really what you want? Or...gusto mo lang sundan ang yapak ng mommy mo? Dahil sa utang na loob?" Nathaniel asked meaningfully.

Biglang nag-init ang gilid ng aking tainga at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Nathaniel, ang bunganga mo!" madiing suway ng ama.

Hindi ako makaimik. Magkahalong inis at galit ang nararamdaman ko dahil sa kaniyang sinabi.

How dare him! How can he even say that. Wala siyang alam tungkol sa'kin bukod sa anak ako ng sumira sa relasyon nina mommy at daddy noon. Pero bukod doon, hindi niya pa ako lubusang kilala.

I wanted to cry. I am being insulted. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. This is our first meeting and yet...hindi ko na agad gusto kung sinuman siya.

"Para burahin ang masamang alaala na ginawa ng totoong ina?" may diin sa huling dalawang salita.

"Kuya, what the hell are you saying?" suway ng kapatid.

Hindi ko na kinaya ang pang-iinsulto niya kaya naman ako na ang nagtanggol sa aking sarili.

"Hindi ako pumipili ng mga bagay para sa ibang tao. I will always choose what's best for me. Ang utang na loob, kahit kailan hindi mababayaran ng kahit na anong bagay bukod sa pagiging mabuti mo rin sa kanila. Hindi mo kailangang isakripisyo ang pangarap para lang makabayad ng utang na loob." matapang kong paliwanag.

Humilig ang kaniyang ulo.

"...and also, hindi ko kailangang pagbayaran kung ano ang pagkakamali ng totoo kong ina noon dahil hindi ko 'yon ginusto. I don't need to suffer from any other people's mistake, even if she's my real mother, wala akong dapat pagbayaran sa nagawa niyang kasalanan." I added seriously.

Tita Brianna held my hand.

"Iha, i'm sorry," she apologized. "Nate, enough of your shits. Kadarating mo lang ganyan na agad pakikitungo mo sa pinsan mo,"

"Whose cousin is she? Sa pagkakaalam ko, hindi natin siya kadugo, mama."

"Enough," madiing sambit ni tito.

Tears pooled down my cheeks. Hindi ako kailanman ininsulto ng ganito ng kaniyang mga magulang, maging ng kaniyang nakababatang kapatid. Tanging siya lamang ang nagparamdam sa'kin nito. At wala akong maisip na dahilan para ganituhin niya ako dahil ngayon lamang kami nagkita at wala akong maalala na ginawan ko siya ng masama. I'm not a bad person. Mas pipiliin kong masaktan kaysa sa magkaroon ng kaaway at hindi pagkakaintindihan sa iba, lalo na sa tinuturing na pamilya.

"Iha-"

"Tita, tito, akyat na po muna ako,"

Hindi na ako naghintay ng sagot pa mula sa kanila. Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa itaas, sa aking silid. Binagsak ko ang aking sarili sa aking higaan at tsaka nagtakip ng unan sa mukha.

I thought everything will be just fine. Kaya pala sa t'wing nakikita ko ang mga larawan niya ay kinakabahan ako. Kaya pala sa t'wing pinag-uusapan siya'y natatakot ako. Kaya pala sa pagdating niya'y halos manginig ako, dahil hindi gaya ng inaasahan ko ang magiging pakikitungo niya sa'kin. Kung gaano kabuti sa'kin ang bunso, ganoon naman kalupit ang panganay. Gusto ko sanang isipin na baka nadala lamang siya sa una naming pagkikita, pero hindi, eh. Pakiramdam ko isa akong kriminal na hindi na mapapatawad ninuman dahil sa parusang pinapataw sa akin. Lagi na lamang akong iniinsulto. Lagi na lamang akong nasasaktan. Kahit gaano kabuti ang gawin ko, hindi pa rin sapat para tanggapin ako ng buong-buo. Ang sakit! Lalo na sa tinuturing ko pang kadugo nanggaling. Sabagay, ito palang naman ang una. Marahil ay may mas malala pa rito.

Siguro'y dapat ko nang ihanda ang sarili para sa mga susunod pang sakit. I really need to prepare myself. Siguro kahit wala akong kasalanan sa nangyari noon, kailangan ko itong pagbayaran para kay mommy. She made a mistake, at dahil doon, ako ang nagbabayad ngayon. Is this really my fortune? Kung oo, hindi ko alam kung paano kakayanin 'to.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now