Llana's point of view
Proud
"You left without telling me? 'Diba ang bilin ko magtetext ka sa akin kung aalis ka, nasaan ang text mo?" sermon niya sa akin pagdating niya.
Sa halip na mainis sa kaniya, hindi ko maiwasang mapangiti. Sinadya ko talagang hindi siya itext kanina. Gusto kong makita ang iritado niyang mukha. I don't know why but, I find it cute when he's pissed. Isa pa, worried lang siya kaya panay ang sermon. Hindi ba't ang sweet.
"Huwag mo akong ngitian, Llana." he warned, still pissed.
Ngumisi ako at unti-unting lumapit sa kaniya. Nakatayo siya sa gilid ng aming kama habang nakahalukipkip.
"Don't get mad, please." malambing at masuyo kong sambit habang nakaluhod sa kama habang kumukurap-kurap ang mga mata na parang isang bata.
Trying to fascinate him with my charm.
"Sinong nagsabing galit ako? Kailan ba ako nagalit sa'yo, hm?" suplado nitong sagot.
I pouted my lips. Marahan kong ibinaba ang aking mga paa sa sahig.
"Nagtatampo lang ba?" nakangisi kong tanong, sinusubukang biruin siya.
Hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. Ganoon pa rin at seryoso at matalim na nakatitig sa'kin.
"Sorry, please."
He moved a bit as he clenched his jaw. I even saw him swallowed hard and took a deep breaths.
Nahihirapan ka bang tiisin ako, Nate? Haha. Ang hirap kong tiisin, 'no? Lalo pa't alam ko na mahal na mahal mo ako. You can't even resist on my spell.
"Don't try my patience, Llana. Mahirap ang ginagawa kong pagtitimpi."
I felt like a bomb. Nag-iinit ang aking mukha at anumang oras pwedeng-pwede na akong sumabog. Bakit kailangan niya pang sabihin sa akin iyon? This man is really pushing me to do things beyond our limits, huh.
"Parusahan mo na lang ako kasi sinuway kita." bigla at kusang lumabas sa aking bibig ang kung anuman ang nasabi ko.
Nagulat siya sa aking pahayag ngunit unti-unti ring nagtaas ang gilid ng kaniyang labi. He licked and bit his lower lip. Bigla tuloy akong nahiya sa nasabi ko.
Ano ba, Llana! Behave, okay!
Hinaplos niya ang kaniyang ibabang labi habang tila nag-iisip.
"Kaunting lambing mo lang, okay na agad ako. But..." he walked closer, napaatras tuloy ako. "Let me hear first about your proposition, hm. Paano kaya kita parurusahan?" he added teasingly.
Natahimik ako. Tila napapako sa kinatatayuan ko. I'm doomed!
"What's on your mind now, hm?" isang hakbang pa'y halos magdikit na ang aming mga katawan.
Kinailangan ko pang tingalain siya dahil sa taas niya. Our eyes met. Mapupungay at tila nakakalasing ang kaniyang mga mata. Maraha niyang inilapit pa ang kaniyang mukha sa akin, pinagdikit ang tungki ng aming ilong.
I stiffened my knees in an effort to stop it from trembling. I felt like a wild fire ready to burn the whole place. Our distance electrifies my whole system. Hindi rin ako makalunok ng maayos.
"U-uhm, w-wala naman," I stammered
Oh, Jesus! What is happening to me!
"Hm..."
"G-gagawin na ba natin 'yon n-ngayon? nauutal ko pa ring tanong.
Napakunot-noo siya sa aking tinanong at bahagyang napangiti.
"Gagawin ang alin, Llana?" he asked me back.
Hindi ako sumagot dahil sa kahihiyan. Ano ba 'tong naiisip ko! Masyado na bang madumi ang utak ko at kailangan ko ng linisan?! Goodness!
I felt his hands on my waist, pulling me closer to his body. I blinked my eyes and I felt his lips claiming mine in an instant.
Tuluyan na akong nanghina at tila nalasing sa bawat lalim ng kaniyang mga halik. Napagtanto ko na lamang na sumasagot na rin pala ako sa kaniyang bawat halik.
Sandali siyang huminto upang kumuha ng sapat na hangin. At nagpatuloy muli sa paghalik sa aking mga labi.
Naramdaman ko ang marahang pagbagsak namin sa kama. He continued kissing me on my lips.
I don't really know what's gotten into me. It seems like my body wants more from him.
Ang kaninang apoy na nararamdaman sa buong katawan ko'y lalong nagliyab at siguradong mahirap nang apulain pa.
Kapag sobra kang nagmamahal, hindi mo na alam kung ano ang tama at mali. This should be done after the wedding, but we did it now. I know this is wrong, pero kung sa taong mahal na mahal mo, hindi mo na maiisip na mali pala.
Mabilis ang naging takbo ng oras.
Inaantok na ako at nanghihina habang nakahiga sa kaniyang bisig. After what we did, I got no strength to clean myself. So, he cleaned and dressed me willfully. Kahit na inaantok na, maliwanag pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya kanina habang nililinis ako.
"I love you, Llana Alexandria Medina. I love the way you are. I love your flaws and imperfections that makes you who you are. I love everything about you. I will always love you at your brightest and darkest days."
I almost cried.
Siya lang ang nagparamdam sa'kin ng ganitong pagmamahal. Isang pagmamahal na totoo, walang hinihinging kapalit at walang basehan kundi ang totoo lamang nararamdaman.
"...and, I just want you to know that...you were amazingly beautiful."
Isa iyon sa pinaka importanteng gabi sa buong buhay ko. At hinding-hindi ko pinagsisisihan o pagsisisihan ang nangyaring 'yon.
Matapos ang bakasyon namin, bumalik na ulit siya sa opisina. Minsan na lamang sa Roxas at mas madalas na rito sa Manila. Ako naman, pinaghahandaan na ang pagtungo ko ngayon sa Batangas para sa sisimulang renovation ng resort ng tita ni Katana.
"Kapag hindi mo nagustuhan ang pakikitungo ng tita niya, itext mo agad ako. Susunduin agad kita doon." paalala niya habang inaayos ang kaniyang kurbata.
Nakangiti akong lumapit sa kaniya.
"Ako na," ako na ang nag-ayos noon para sa kaniya.
I put my hands on his nape ang gave him my sweetest smile.
"Don't worry about me, okay. I'll be fine. Naroon naman si Katana." I assured him.
Huminga siya ng malalim.
"Pakasalan na kaya kita." he declared with a serious tone.
"Huh?"
"When we got married, I won't allow you to work. Sa bahay ka lang para mabantayan ang mga anak natin. Ako at ang mga anak lang natin ang kailangan mong trabahuin."
Natawa ako sa sinabi niya, ay este kinilig pala.
"Seryoso ako. Kaya mag-enjoy ka na sa trabaho mo ngayon, dahil sa oras na gamit mo na ang apelyido ko, iba na ang tatrabahuin mo." he winked at me.
Bwisit kang lalaki ka. Bakit ba ang gwapo mo?! Hindi kita kayang hindian, hindi rin kita kayang kontrahin kapag ganyan ka!