One.

14 3 0
                                    

Llana's point of view

Happy

Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal namin bago tuluyang natapos ang aming ginagawa. I thought Kassian would just leave me here and pick me up once i'm done, but no. He waited for me for hours. Siya pa ang bumili ng meryenda para sa amin kahit na hindi naman kailangan. He bought a lot of foods at the near cafe. Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ko. Palibhasa'y puro mga babae. Pero ang pinakamakulit ay si Lexi at Shamara. Makulit na pinipilit sa'kin ang pinsan.

"Pwede naman 'yon, Llana. Hindi naman kayo magkadugo." pagpupumilit ni Lexi.

Hindi na lamang ako umiimik dahil lalo lamang nila akong kukulitin.

"Oo nga. Tsaka, halata naman gusto mo rin siya, girl." si Shamara.

They got a point. Pero mali para sa'kin ang kanilang pinipilit. Kassian is my cousin. Kahit hindi magkadugo, pamilya ang turing ko sa kaniya. Ayokong masira ang pamilyang tumanggap sa'kin ng buong-buo. Thinking about my parents, hindi ko kinakaya. Malaki ang tiwala nila sa akin. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanilang lahat. I won't do such things na makakasakit sa kanila.

Yes, they're right. Kahit ipagkaila ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Ang totoo, oo. Gusto ko siya. He's my ideal man. He got everything I want in a guy. But I won't risk my relationship with my family. I'd rather keep it inside. Lilipas rin ito. Sigurado.

"Are you tired? Gusto mo bang ideretso na lang kita sa bahay?" Kassian asked worriedly while driving.

I shook my head without looking at him.

"We'll just eat. Then, i'll bring you home." he informed.

Tumango ako at tsaka hinilig ang ulo sa likuran ng aking inuupuan.

Hindi nagtagal ay may nadaanan rin kaming resto kaya't agad niyang inihinto ang sasakyan sa harapan nito. Bumaba siya ng kotse at umamba na rin akong bumama nang siya na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin.

"Thanks,"

He only smiled and lead me inside the resto.

"What do you want to eat?" he asked boyishly.

Napatitig ako bigla sa kaniya. I feel like I was floating in the air. Pero bago pa ako tuluyang mawala sa sarili, umiling na ako.

"Huh? Ayaw mo ba dito?" kunot noo niyang tanong.

"Uh, no. Gusto ko," bawi ko.

He nodded.

"Akala ko ayaw mo, eh. Pwede naman kitang iuwi na at ipagluto na lamang sa bahay."

Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya sa lahat ng babaeng nakakasama niya. Or maybe, ganito siya dahil nakababatang kapatid at pinsan ang turing niya sa'kin. Whatever it is, I can't help myself but to hide a smile and be happy. I've never felt this special before. I've never felt this different feeling before. All my life, puro sakit lamang ang naramdaman ko dahil sa mga nakaraan. But when he's around, when we were together, nalilimutan ko lahat ng problema ko. Though, naiilang din ako minsan sa kaniya. But I don't want him to notice that. Ayokong isipin niya na may iba pa akong nararamdaman para sa kaniya. I'm fine with this. Atleast we have time to be together even just in a short time. I'm happy with that.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan lamang kami sandali. Kahit na medyo naiilang, pinilit ko pa rin ang sarili na maging kalmado. Habang tumatagal naman, nagiging okay na rin. Nagiging magaan na rin ang pakiramdam ko. Masaya siyang kasama. When you're going to look at him, mukhang palaging seryoso. But he's also a funny guy.

"Oh, by the way, nasabi na ba nina mommy na..." biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Binuksan at tinignan niya ito sandali bago muling tinago.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now