Twelve.

7 1 0
                                    


Llana's point of view

Liar. Asshole.Jerk

The other day, nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw. I was in the mood ng magising ako. Magaan ang pakiramdam ko at nararamdaman ko na magiging maganda ang araw na ito.

Besides that, I'm expecting someone to come home today.

I stretched my arms and jumped off my bed. I headed my way inside my bathroom and did my morning routines. After that, I changed into a white simple dress.

"Mornin', beautiful." Kassian greeted and pulled a chair for me. "Maganda yata ang gising kaya panay ang ngiti." nakangisi niyang sambit.

"Hindi naman," I smiled.

He raised me an eyebrow.

Kassian invited me to go out. He offered some beautiful places not just here in Roxas but in the whole province that we can go to but I refused.

"Why not, Llana? Wala ka namang gagawin hindi ba? Please, let's hangout." he pleaded like a child. "Ngayon na nga lang ulit ako nakauwi, tinatanggihan mo pa ako,"

At kinonsensya pa ako, ah.

"Alright. Pero sandali lang tayo. Pumunta na lang tayo sa bayan. Doon tayo mag-lunch tapos mamili na lang tayo."

Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Ayaw mo mag-beach?"

"Nah,"

"Uhuh, if that's what you want." he replied with uncertainty.

It's ten in the morning when we arrived the town. Naglinis muna ako kanina ng aking silid kaya't ngayon lamang kami nakarating kahit na hindi naman ganoon kalayo.

Suddenly, I have a changed of mind. Parang gusto ko yatang mamasyal sa port. I know there is nothing catchy in that place. Normal na port lamang kung saan matatanaw ang napakalawak na karagatan at syempre ang mga naglalakihang mga barko. Wala lang, gusto ko lang pumunta roon.

"Kanina gusto mo dito sa bayan pumunta. Tapos ngayon, gusto mong pumunta sa port? Seriously, Llana? Anong gagawin natin sa port, huh?" he asked, a little bit annoyed.

"Wala. Gusto ko lang," I replied.

Eh, bakit ba! Gusto ko lang naman mamasyal roon. Hindi ko alam pero biglang gusto ko doon, eh.

"Isa pa, may nakainan na kaming resto ng mga kaklase ko doon. I assure you, masarap ang mga pagkain doon." pang-eengganyo ko sa kaniya.

He sighed heavily.

"Alright. May magagawa ba ako," napailing na lamang siya.

Nang makarating sa port, agad akong hinila ng aking mga paa patungo sa kung saan-saan. I remembered the day na hinatid ako nina daddy rito sa Roxas. Dito kami noon dumaan kasi mas gusto niyang normal na biyahe ang gawin at hindi gamitin ang chopper. I enjoyed it, though. Kaya ngayon, habang pinagmamasdan ang naglalakihang mga barko at ang malawak na tubig ng karagatan, sila ang naaalala ko.

While busy watching those ships, naririnig ko naman sa aking likuran ang ilang mga batian at pag-uusap.

"Magandang araw po, Mr. Valdimore." narinig kong bati ng ilang kalalakihan sa kaniya.

Lumingon ako at nakita ang ilang trabahante na kinakausap si Kassian.

Napataas ako ng kilay. Hindi naman bago sa'kin na makita siya o ang kahit na sino sa pamilya niya na binabati ng mga hindi ko kilalang tao. Isa lang naman kasi ang pamilya nila sa pinakamapera at pinakakilala sa buong bayan maging sa iba't-iba pang mga bayan.

"Balita po namin na sa Maynila na po kayo nagtatrabaho at ang kapatid niyo ang naririto." a middle-aged man said.

Mukhang crew siya sa barko dahil sa kaniyang suot.

"Tama po kayo." Kassian replied with a smile.

"Nagbabakasyon po ba kayo ngayon rito? At...sino po iyong kasama niyong magandang babae kanina, nobya niyo po ba?" tanong naman ng isa pang lalaki.

Woah! Dinaig pa ang reporter sa mga tanong, ah.

"Uh," Kassian chuckled.

Bago pa niya madugtungan ang sasabihin, tumunog ang hudyat ng pagdaong ng bagong dating na barko. I looked at it. Iyon ang barkong paparating kanina.

Nagpaalam ang mga trabahanteng kausap ni Kassian at nagtungo sa bagong dating na barko. Nagtama ang aming paningin at ngumiti siya sa akin. He was about to say something nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"I'll just pick this call, okay?" sabi niya.

I nodded.

Habang may kausap sa cellphone si Kassian, tinatanaw ko lamang ang buong kabuuan ng port. Ilang oras na lang din at mag a-alas dose na kaya't medyo nagpaparamdam na ang pagkalam ng aking tiyan.

"Llana," tawag niya sa'kin matapos sa cellphone. "Let's go,"

Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya nang biglang may tumigil na itim na sasakyan sa may gilid ko. Bumusina pa ito na ikinagulat ko.

Tinitigan ko ang kotse. It wasn't look familiar kaya napakunot ako ng noo. Lumapit na rin si Kassian sa may gilid ko.

"What a jerk. Sasagasaan ka ba niyang gago na 'yan?" he said with annoyance.

Maglalakad na sana siya palapit sa kotse upang katukin ang driver nang pigilan ko siya.

"Huwag na." I stopped him.

Maya-maya pa'y unti-unti na rin bumukas ang bintana sa may driver's seat at sumungaw rito ang mga hindi ko inaasahang tao.

"Kuya," bati ng lalaking katabi ko sa nakakatandang kapatid na nasa loob ng kotse.

Nathaniel glared at me intently. Nakatiim-bagang siya habang ramdam ko naman ang higpit ng kaniyang pagkakakapit sa kaniyang manibela.

"You're with Kelly, huh. Magkasama ba kayo sa Manila kaya hindi ka agad nakauwi kahapon pagkahatid kay Summer?"

Napaiwas ako ng titig sa lalaking nasa loob ng kotse. At may kung anong kumirot sa loob ng aking dibdib habang pinagmamasdan ang babaeng nasa tabi niya.

Is that his business in Manila? Si Kelly ang tinatrabaho niya?

Kaya hindi umuwi kagabi? Kasi magkasama silang dalawa?

Ts! Hindi ako nagmumura pero...

Fuck you, Nathanie!

You're an asshole. Manliligaw ka habang may kinakama ka ng iba. Screw you, Nathaniel Valdimore.

Maling pagkatiwalaan ka.

Liar.

You're just using me while she's not around. At nang hindi ka na makatiis, ginawa mo oang dahilan ang pagsundo at paghatid sa kapatid ko.

What a jerk!

"Kassian, tara na. Nagugutom na ako, eh." malambing kong sambit sa lalaking nasa gilid at bahagyang inangkla ang aking braso sa kaniya.

"Oh, sorry. C'mon, let's go." he said and held my hand. "Mauna na kami, kuya. Enjoy with Kelly. Mamaya pa naman kami uuwi, don't worry." he teased his brother again.

Hindi ito umimik.

Kelly smirked.

Magkasama kayo!

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now