Eighteen.

2 0 0
                                    


Llana's point of view

Kidnap

Minsan sa buhay, kahit na gaano mo man kamahal ang isang tao ay darating ang oras na kailangan mo siyang i-let go. Iyon nga lang, sobrang ikli ng panahong binigay sa aming dalawa. Siguro para na rin hindi ganoon kasakit. Dahil kung mas patatagalin pa, baka hindi ko kayaning iwanan siya.

Alas tres ng madaling araw nang ako'y magising. Mabigat ang aking pakiramdam at sa totoo lang ay simula kagabi, hindi pa ako nakakatulog ng maayos. I was crying the whole night, kaya't pagod ang aking mga mata ng ako'y magising. Mabigat man sa loob ko ang desisyong gagawin ay pinagpatuloy ko pa rin.

I know he'll understand soon. Siguro nga't mahihirapan siya sa umpisa but sooner or later, makakalimutan niya ring nag-exist ako sa buhay niya. I love him but, loving him ias a curse. Maaaring magdulot ng sakit sa aming pamilya at sa mga taong importante sa aming dalawa. Love is not selfish, kasama sa pagmamahal ang salitang pagsasakripisyo.

Madilim at tanging ang iilang street lights lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim na kalye habang ako'y tahimik na naghihintay ng maaaring sakyan patungo sa port.

Habang mag-isang naghihintay ay hindi ko mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Our memories from the very beginning keeps on playing inside my mind. Mula sa kung paano kami unang nagkita at nagkakilala. Sa kung paanong ang bawat araw ko ay ginawa niyang miserable dahil lamang sa gusto niyang pigilan ang totoong nararamdaman para sa akin. At sa kung paanong nagbago ang pakikitungo niya sa akin at inamin ang tunay na pagtingin. Lahat ng mga alaala ay patuloy na bumabalik at mas lalo lamang akong umiiyak dahil dito. Gusto ko mang pigilan ang pagluha, kusang pumapatak ito mula sa aking mga mata.

Ang alaala ko kasama siya sa ilalim ng papalubog na araw habang tinititigan ang kaniyang maamong mga mata hanggang sa unang dampi ng kaniyang malambot ng mga labi sa akin. Lahat ng ito ay as nagpapalungkot sa akin. I miss him. I already miss my boyfriend...my Nathaniel Valdimore. At sa ginawa kong ito, sigurado akong magagalit siya at kahit kailan, hindi ko na siya matatawag na boyfriend. He's my first boyfriend...and my first heartbreak.

Sa halos kalahating oras na paghihintay ko'y hindi ko inaasahang may masasakyan pa ako.

Isang jeep ang pumara sa harapan ko. Isang maedad na lalaki ang driver nito at sa kaniyang katabi ay isang babae na sa tingin ko'y asawa niya.

"Ineng, sasakay ka ba? Saan ba ang iyong punta?" tanong ng babae.

I bit my lower lip and nodded slowly.

"Kung pwede po sana," nakayuko kong sagot.

"Ay siya'y sumakay kana. Delikado ang naghihintay ka riyan mag-isa."

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa likuran ng jeep at agad na ipinasok ang maletang dala.

Mabigat ang naging bawat hakbang ko at parang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko sa bawat hakbang palayo na ginagawa ko.

Bago sumakay ay muli kong nilingon ang malawak na lupain ng mga Valdimore at ang daan patungo sa mansion. Malayo pa ito kaya't kahit may takot akong nararamdaman kanina, matapang ko pa rin itong nilakad mag-isa. Ngayon, lilisanin ko na ang lugar kung nasaan siya na may luha sa aking mata.

Magiging mas masaya ka kung wala ako, Nate. Alam kong mas magiging successful at maayos ang buhay mo ng wala ako. Sorry, Nate, but I have to let you go.

Habang nasa biyahe, ramdam na ramdam ko ang pagod hindi lamang pagod ng mga matang panay ang pagluha kundi pagod din ng aking buong katawan.

Ang mukha ko rin ay punong-puno na rin ng aking mga natuyong luha.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now