Twenty.

6 0 0
                                    

Llana's point of view

Die

Ang bawat luhang umaagos mula sa aking mga mata ay naghahalo sa maalat na tubig ng karagatan.

I was trying to calm myself and stop from crying but tears keep pouring down my face.

Punong-puno ng takot at kaba ang dibdib ko at sa palagay ko'y maaari itong sumabog anumang oras.

Wala na akong pakialam sa panganib na dala ng tahimik subalit mapanganib na karagatan. Kasalanan ko ang lahat at kailangan kong iligtas ang lalaking mahal ko.

I can't afford to lose him. If that happens, I'd rather die, too.

Akala ko talaga ito ang nag-iisang bagay na tamang gawin. Ang iwan at saktan siya. Pero hindi pala.

Ang sakit ng mga panghuhusga at sakit ng mga salita na matatanggap ko mula sa pamilya namin at sa ibang tao ay oo nga't masakit. Pero ito...ang makitang nasasaktan at walang malay ang taong mahal mo ay wala ng mas isasakit.

I was wrong. Dahil hindi pa nagsisimula ang laban namin sumuko na agad ako. Running away causes him too much pain.

Noon nasasaktan ko na pala siya ng hindi ko alam dahil sa pag-ignora ko sa nararamdaman niya. At ngayon, sinasaktan ko na naman siya.

Naisip ko, baka ako talaga ang problema. Wala sa ibang tao, at lalong wala sa kaniya. I was frail and petrified. I can't even fight for my own. Lagi na lang akong tumatago at lumalayo kapag may problema.

Dapat pinaglalaban ko siya, tulad ng pinaglalaban niya rin ako. Pero anong ginagawa ko? Sinasaktan ko siya! Pinapatay ko siya!

"S-stay with me, p-please."

Isang malaking sampal ito para sa akin. Ako ang nagmamakaawa na manatili siya ngayong ako naman talaga ang unang nang-iwan.

Kung pwede lang sana baguhin ang ikot ng mga kamay ng orasan, babaguhin ko. At ibabalik ko sa kahapon na magkasama pa tayo. Sa mga oras na hindi pa sumasagi sa isipan ko ang iwan ka. At kahit na maisip, mas pipiliing manatili at lumaban kasama ka.

Alam kong gasgas na ang paghingi lamang ng tawad sa taong nagawan mo ng mali. Pero gusto ko pa ring sabihin sa kaniya ito...

"P-patawarin mo ako..." I sobbed.

Yakap ko ang kaniyang katawan sa tubig. Pilit na tinitimbang ang balanse upang hindi kami lumubognsa tubig.

Pagod man ang utak at katawan. Ilang beses mang makalunok ng tubig alat, mananatili akong malakas para iligtas siya.

"Pinapangako ko, sa oras na magising ka, b-babawi ako...gagawin ko lahat para sa'yo..."

I hugged him tight and prayed.

"...kung kukunin mo siya sa akin, kunin mo na rin ako." pumikit ako ng mariin at dinama ang lahat ng sakit.

Binabalot ng tubig alat ang aming mga balat kasabay ang pagtama ng mainit na sikat ng araw.

Kahapon lang, sa ilalim ng papalubog na araw ay masayang-masaya siya habang yakap-yakap ako.

Ngayon, sa ilalim ng mainit na sikat ng araw ay malungkot kong niyayakap ang kaniyang katawan. Duguan at walang malay.

I was shaking so bad. Magkahalong pagod, takot at kaba ang aking nararamdaman.

Pinikit kong muli ang aking mga mata habang niyayakap siya.

Pinipilit ko naman, kaso pakiramdam ko pareho na kaming lulubog ngayon sa ilalim ng tubig.

I still have enough strength to save myself. Pero hindi ko hahayaang maligtas ang sarili habang pinagmamasdang lumulubog siya.

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now