Twenty eight.

6 0 0
                                    

Llana's point of view

Drunk

Naging madali at maayos ang trabaho sa renovation. Ilang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula ito.

Nakakapagod, but at the same time, masaya rin. Nandiyan lagi si Katana para i-cheer up ako. Nariyan rin of course si Kristof.

I noticed that he changed a lot. Hindi na siya tatahi-tahimik. Maingay at palabiro na siya ngayon. Even his features, it'll changed a lot. Ang taas niya, at hanggang balikat lang ako sa kaniya. And I can't deny the fact that he got the looks. But for me, he isn't attractive. Don't get me wrong, huh. It's just that, someone inside my mind and in my heart is more attractive than him, my boyfriend.

"Water?" alok ni Kristof habang inaabot ang isang bottled water.

Ngumiti ako at tinanggap ito sa kaniya.

"Thanks," tipid kong sagot.

Hinanap ko ang panyo sa aking bulsa upang punasan ang kaunting namumuong pawis sa aking noo nang wala akong makapa.

I searched for it, sa parehong bulsa, pero wala.

"What are you looking for?" tanong niya sa akin nang mapansing may hinahanap ako.

"Panyo ko,"

May kung ano siyang kinapa sa bulsa at marahang inabot sa'kin ang isang puting panyo.

"Here, gamitin mo muna." nakangiting alok niya sa akin.

Tinignan ko ito.

"Uhm, no, it's okay."

Nagulat ako nang kunin niya ang aking kamay at ilagay roon ang kaniyang panyo.

"Ano ka ba, parang hindi naman tayo magkaibigan." I was about to get off my hand from him when someone arrived.

"Aw, ang sweet. You guys look good together, huh. Kung wala lang boyfriend itong si Llana, iisipin ko na nililigawan mo siya, Engineer." komento nito habang papalapit sa amin.

Agad kong kinuha ang aking kamay at umiwas.

"What a lovely couple you could be. Isang engineer at isang architect. Perfect!" she clapped her hands while giggling. "Sayang nga lang, taken na siya." she added while raising her brow.

Napayuko si Kristof sa sinabi ni Katana.

"Don't be too malicious, Katana. We're just friends." sagot niya.

Hindi ako umimik. I remained silent for a while.

"Oh, ano ba kayo. Nagbibiro lang naman ako, eh. Don't take it seriously. Llana..." tawag niya sa pangalan ko. "...sorry. I know you're faithful with Nathaniel. Nagbibiro lang ako," she explained and apologized.

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Sorry kung nakaistorbo rin ako sa trabaho niyo. Gusto ko lang sana kayong imbitahin mamayang gabi."

"Anong meron?" tanong ni Kristof.

"Today's my birthday, Engineer. Kaya aasahan ko kayo mamayang gabi, ah." paninigurado niya.

I was about to say no, pero agad na itong nakalayo.

"See you tonight," bahagya pa itong lumingon sa hindi pa kalayuan.

Napailing nalang ako.

"Pupunta ka?" Kristof asked attentively.

"Hindi ako sigurado. Bahala na."

"Punta ka, pupunta ako."

I looked at him.

"Bahala na."

No more tears (Familia Valdimore Series #1-Completed)Where stories live. Discover now