Llana's point of view
Hug
When you're dreaming with a broken heart, waking up is the hardest part. Waking up on another day without someone you can lean on, without someone you can cry on.
Every second, every minute feels like there's a thousands of knives stabbing on my chest. I feel how each pieces of my heart being scattered, and until now it was still breaking.
I'm hurt, but it's okay.
I'm alone, but it's okay.
I'm lost, but it's okay.
That's how reality plays in life.
No matter what, we have to be okay.
We just have to accept that no love remains forever, and no one will stay forever.
Siguro sa kwento ng buhay ni mommy matutulad ang kwento ko.
Maybe happy endings don't really exist.
"Sasabihin ko kay kuya na narito siya," a man said, "No, don't tell your stupid brother that she's here." a woman's voice echoed.
"Bakit hindi, baka nag-aalala na 'yon." the man replied, "Edi gago siya, mag-alala siya. Wala akong pakialam sa kaniya." the woman replied angrily.
"Ano bang problema mo?" the man asked annoyingly, "Anong problema ko? Edi 'yang gago mong kapatid. Alam mo, Kassian, alam kong galit siya sa asawa niya- Oh, sa fiancee niya pala, pero hindi tama ang ginagawa niya."
"My brother was hurt, intindihin na lang muna natin. He needs time and space," the woman laughed sarcastically, "Wow! Ano siya, astronaut? He's no longer a teenager, dapat iniintindi niya ang nararamdaman ng babaeng minamahal niya. She had been through a lot of pain. Nawalan rin naman siya, ah. Sa tingin niya ginusto ni Llana na mawala ang anak nila?"
I thought this is a dream, again. Sa dami na nangyari, parang panaginip na lang lahat para sa akin. Ang hirap ng paniwalaan kung nasa panaginip ba o nasa katotohanan ako. Pero syempre kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na lang na nananaginip ako.
Pagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang isang maaliwalas na silid kung nasaan ako.
Mabigat ang aking pakiramdam at nanghihina ako. Nang hawakan ko ang sarili ko, mainit ako.
"Kailangan nilang mag-usap kaya sasabihin ko sa kaniya," narinig kong muli ang pagtatalo mula sa labas ng silid, "Hindi!" giit ng boses ng babae, "Maawa ka naman kay Llana, may sakit pa 'yong tao. Kailangan niya tayo ngayon, dahil sa ganitong sitwasyon...hindi maaasahan ang kapatid mo."
Pumikit ako ng mariin at ininda ang pagkirot mula sa aking ulo. Umahon ako at marahang ibinaba ang mga paa sa sahig.
Kahit na nahihilo, pinilit ko pa ring magmukhang maayos at tinungo kung nasaan ang dalawa.
Naabutan kong sinusuyo ng babae ang kaniyang asawa. Hawak nito ang kamay ng lalaki habang marahang hinahaplos.
Sandali ko silang pinagmasdan bago tuluyang nagpakita.
"Pasensiya na kung nakaabala ako, kung nakagulo pa ako sa inyo." naagaw ang atensyon ng dalawa at agad akong binalingan.
Kelly went straight to me and held my hands.
"Bakit bumangon ka na." her worried voice makes my heart flatter. "Hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo,"
Mayroon pa rin palang nag-aalala sa akin kahit paano.
I gave her a smile and looked at her husband who just look away.
"I appreciate your kindness," I told her with sincerity, "...thank you,"